Chapter 21: Namiss kita

6.8K 215 2
                                    

CJ'S POV:

        "TAHIMIK ka?" Mahinang tanong ni Rem habang nagba-biyahe na kami to Batangas. Nag-hikab ako atsaka sumagot. "Ahm..inaantok lang."
         "Don't worry about Myles, she can carry herself well," napansin niya sigurong malayo ang iniisip ko.
         "Hindi naman 'yon, naaawa lang ako sa batang 'yon, I feel that she has just no choice but to stand on her own. Birthday niya but she's alone right now. Somehow, I felt guilty. Binilin siya ni Ate Tammy sa akin," sagot ko habang nakatuon lang sa labas ng kotse ang pansin ko.
         "Eh sinasama natin, ayaw naman. Don't stress yourself muna Cij, you can sleep," sabi niya sabay tiningnan ang watch niya. "Mga one hour drive pa tayo, gisingin na lang kita."

         Ipinilig ko ang ulo ko sa bintana at nagtakip ng mukha gamit ang panyo ko. Hindi man ako matulog, pipikit lang. Pero image ni Myles ang nakita ko. Biglang bumalik ang hilakbot, kiliti at init ng napagsaluhan namin kanina. Pilit ko gustong mainis pero I find myself smiling. Confused man, pero gusto ko ang pakiramdam. Parang gusto kong ipahinto ang kotse at ibalik sa bahay ni Mimay. Bumalik sa mga braso at yakap niya, sa piling niya at sa mga halik niya.. Shit! What's happening to me ba? Ilang oras pa lang kaming nagkakahiwalay pero parang namimiss ko na siya agad!
        "Something wrong?" Narinig ko ang boses ni Rem. "Kanina pa ang buntung-hininga mo, are you alright?"
         Takip pa rin ng panyo ang mukha ko. "Hmmm...oo, I'm fine, drive ka lang."

         Mga alas dos ng madaling araw ng makarating kami sa hotel. Bago ako pumasok sa kuwarto ko ay akmang hahalik sa pisngi ko si Rem. Agad akong nakaiwas at tipid na ngumiti. "Goodnight Rem, thank you. I'll see you at eight tomorrow."
        Alas tres na ng madaling araw. Pabaling -baling ako sa kama. Kinakabahan ako, pero di ko alam bakit. Then I thought of Myles. Gusto ko siyang tawagan at kamustahin kaso alas tres? Malamang ay tulog na 'yon. Kung mag misscall naman ako, malamang siya naman mag-isip sa akin. Haaay, huwag na nga lang. Pinilit ko na lang na makatulog. Nakakapanibago lang, na bago ako matulog, mukha na ni Mimay ang nakikita ko.Tsk!

         Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos na ako. Bago lumabas ng kuwarto ay nagtext ako kay Myles ng goodmorning. Habang nasa kotse ni Rem papuntang simbahan ay hindi ako mapalagay. "Ei! What's bothering you? " tanong niya.
         "S-si Myles kasi, I haven't heard anything form her since we left."
         "You worry a lot about her, she's fine I am sure, survivor kaya 'yung batang 'yon. Naiinis nga si Ate Tam do'n dahil nga hindi mareply na tao."
        "Iba kasi pakiramdam ko, ewan ko ba."
        "Why don't you call her?" Tanong niya sabay abot ng telepono niya sa akin. "Baka phone mo lang o niya ang nagka problema."

        I tried to contact Myles. Still it just keeps on ringing. After a thirty-minute drive, I tried to call again, it's cannot be reached this time. Binigay ko ang cellphone kay Rem, "Oh, mukhang may topak lang. Well sana ganu'n lang nga, hay!"
       Matapos ang seremonyas sa kasal ay hindi doon ang atensiyon ko. Pasalamat ako at abay si Rem kaya di kailangang lagi ko siyang katabi.Pumunta ako sa sulok ng simbahan at sinusubukan kong kontakin muli si Myles. Magtatanghalian na. Pesteng bata talaga to!

         Sa reception, ay pinilit kong iwaksi ang pag-aalala ko kay Myles. Pilit kong kinubli ang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan dahil simula ng may "nangyari" sa pagitan namin, feeling ko ay nagkaroon na ako ng malalim na koneksiyon sa kanya.
        Matapos ang kabuuan ng kasal ay halata ang pagod sa mata ni Rem. Patapos ng mag-paalamanan ang mga bisita sa ikinasal. Di naman nakalimutan ni Rem na ipakilala ako sa mga nakakasalamuha niya. Pagbalik sa hotel ay kinausap ako ni Rem.
        "Cij, maaari ba tayong bukas na umuwi? I am damn so tired, and tipsy."
       "H-ha? It's still early naman, five pa lang. We can take a nap then go home?"
       "Ayokong mangako pero pag nahiga na ako, baka sa pagod ko ay bukas na ako magising."
        "S-sige, bahala na," sagot ko at pumasok na ako ng kuwarto ko.

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Where stories live. Discover now