Chapter 42: Dazzling Stars

6.1K 237 6
                                    

MYLES' POV:

       NANG marinig ko sa pangalawang pagkakataon ang boses ni CJ ay binitawan ko na ang doorknob. Naramdaman ko na siyang tumayo sa kama samantalang hindi ko maiangat ang mga paa ko.

      Nakatalikod pa rin ako nang lingunin ko siya. Malapit na siya sa kin ng maiangat ko sa wakas ang paa ko. She smiled at me, at patakbo ko na siyang sinalubong, nagyakap kami, mahigpit. Hinigpitan ni CJ ang yakap sa akin at kusang umangat ang mga kamay ko para haplusin ang ulo at likod niya.

       Naghiwalay kami sa pagkakayakap. I met her gloomy eyes. Hawak niya ang dalawa kong braso, pinisil pisil niya iyon.  "Ang ganda-ganda mo," sabi niya sabay ngumiting muli.
        "Salamat Mimay, salamat at nagpunta ka rito, salamat," sabi niya sabay yakap muli sa akin.

        Mula ng akala kong iniwan niya ako nung May 2011 sa resto, mula nung huli kaming nagkita noon, I am speechless now dahil kaharap at kayakap ko siya bilang si CJ at ako bilang ako. I couldn't believe this moment will occur.
      She hugged me even tighter, yung yakap na parang sinusulit niya ang bawat araw na hindi kami nagkita.
       "I'm so glad you came," bulong niya. Hindi pa rin ako makapag-salita. Oh my! Napapikit ako at ninamnam ang sandaling ito.
       "C-CJ," ang unang namutawi sa labi ko. "H-hindi.. na ako makahinga..."
        Marahan niya akong inilayo sa kanya. '"Sorry, sorry....I am just happy."

       Sasagot na sana ako ng biglang kumulo ng malakas ang tiyan ko. Naalala kong hindi ako nakakain kanina with Bogart at pagdating dito ay di na rin ako kumain hanggang makatulog nga ako.
        "Halika," sabay hawak niya ang kamay ko. Sandaling umiba ang pakiramdam ko, dahil hanggang ngayon pala iba ang kuryente na hatid ng pagdaiti ng balat niya sa balat ko.
Naramdaman ni Cj ang pagpitlag ko.
        "Hindi ako nangangain Mimay," sabi niya. I just wanna talk. Can we talk?"

      I just nodded. Para pa rin akong na-i-star-struck sa kanya. I still couldn't believe my eyes. Para akong batang muli na napasunod sa kanya. Until I found myself na nakaupo na sa passenger seat ng kotse niya.
       "Gutom na rin kasi ako Mimay, let's eat. Mayron naman ditong 24 hours na mga kainan, we can go there," sabi nya habang start niya ang sasakyan.

      After few years ay may nagtayo na rin mga kainan dito, sa simpleng Chowking kami nag noodles at tumuloy sa JLC Cafe para doon makapag-usap. She offered to take my order at naiwan akong nakaupo. Pinapagalitan ko ang sarili ko kasi para wala pa rin ako sa huwisyo.

      Habang nakapila siya ay pinagmasdan ko ang kabuuan niya. CJ became sexier, she's 29 now and yet parang hindi siya tumanda. She still has her long smooth legs that I admire a lot. Ang pantay na laki ng kanyang braso at ang kinis ng kanyang batok.
      Ang kanyang leeg na mapanghalina. Nagflash ang mukha ni Bogart! Jeez! Ano ba 'tong mga iniisip ko...Hindi ito tama!

     Paglapit niya any pinatong niya ang kape sa harap ko. "Mocha Frappe for my baby."
       Ha? Ano raw Baby raw? Sinaway ko ang sarili ko. She just missed me, yun lang at walang kahulugan 'yon..
       "CJ-Myles.." sabay naming nasabi.            "Okay, you first," sabi ko.
       "Actually," simula niya. Hinawakan niya ang kamay kong nasa hita ko. Pinisil niya 'yon. Hindi ko iniwas ang kamay ko dahil gusto ko 'yon. Cj deeply sighed. I want her not to be uneasy kaya, I intertwine my fingers with her. Just like the old days. Gumanti ako ng pisil sa kamay niya, "Relax Myles, it's us already, it's us..." mahinahon niyang sabi.

      She rubbed again her fingers on my hand. The feeling was so welcoming. Feels I am home once again.
       "Look Myles, honestly, wala akong gustong gawin kundi ang yakapin at titigan ka."
Para akong bata sumagot. "A-ako rin."
      "Mimay, that day, that day I was abducted, it scared me. Pinilit kong mabuhay. Puro image mo ang nakikita ko. Nilagpasan ko ang lahat para sa 'yo, binuhay ako ng pag-ibig mo Myles," pinisil niya ang ulit ang kamay ko.
       "Inisip kong kailangan kong manatiling bulag para sa ikakatahimik natin muna. Ang inisip ko, baka hindi mo makayanan kung totoong sa 'yo nangyari ang nangyari sa kin, ay hindi ko hahayaan 'yon, ang mapahamak ka. Hindi ako pinabayaan ni Bogart at ni Jim. Jim had her reasons why she kept the truth about me, dahil sa lolo mo."
      "That's why I felt guilty."
       "Myles, hindi mo kasalanan na pinanganak kang mayaman. Hindi mo kasalanan na biglang nabago ang buhay mo. Ayoko namang maging hindrance sa kung ano ka ngayon. Look at you, you've grown a lot and...you're so beautiful...and successful too."
       "I am sorry Cj, that time, when I pretended to be someone else, I was scared too. It's good nagbago ang boses ko...."
       "..but it didn't change the way I feel for you, I know your nuissances, the scar, the habits, and all. But look, my heart really knows who you are. Kilala ka niya."
       "CJ...I have something to tell you.."
        "I know Mimay, you have it now. Nakuha mo ang diary ko right? Im glad you have it."
       "How did you know?"
       "I am a preschool teacher sa Singapore Myles but everyday, sinubaybayan ko ang mga galaw mo."
      "Alam ba ni Bogart na....I mean...paano?"
       "Wala naman akong nilihim sa kanya. Alam niya lahat, pero isa siyang matuwid na tao, hindi niya pinagsamantalahan ang kahinaan ko noon. Mabait siya."
       "Pero ang diary?"
       "Hiningi na niya ng tawad 'yon, sa paglihim sa 'kin no'n. Nasa Davao ako kahapon at ng malaman kong umuwi ka dito sa Cebu, hindi ako nag-aksaya ng panahon. Gusto ko sanang, maunahan kita at ako ang mag-abot no'n sa 'yo, katulad ng napag-usapan natin noon."
      "Saka ko na ibibigay ang akin ha, naiwan ko sa Maynila, hindi ko kasi alam na nandito ka."
       "Hindi ko rin alam na pupunta ka rito, nagbakasakali lang ako."
       "At kung wala ako?"
       "Pupuntahan kita sa mansion sa Maynila bago ako....bumalik sa Singapore. Kaya dala ko na ang maleta ko."
       "Cj...."
       "Hmmm...."
       "W-wala."
       "Tapos ka na ba sa kape mo? Tara!" itinayo niya ako at naiwan ang kalahati ko pang kape. Pinapasok niya ako ng kotse at tahimik siyang nagmaneho.
        "San tayo pupunta?"
        "Hindi ko alam, kahit saan," sagot niya. Cj is so sexy in driving. She changed a bit pero siyang siya pa rin ang CJ na mahal ko.

      Pinark niya ang kotse sa sulok ng park. Pinababa niya ako at sumampa siya sa hood ng kotse.  "Tara Mimay, samahan mo ako rito."
     Sumampa naman ako at tumabi sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng malanghap ko muli ang pabango niya.
        "Ano'ng gagawin natin dito?" tanong ko.
       "Maganda ang sinag ng buwan, buhay na buhay," sabi niya sabay huli sa isa kong kamay. Hindi ako pumalag. Nilingon ko siya at nakatingin pa rin siya sa buwan.
      "Naalala mo ba nung gabi ng birthday mo, the first time you've touched me, it was the moon who witnessed it."
       I sighed. "Alam mo ba 'yung moment na isinayaw mo ako isang gabi sa ilalim ng buwan habang kinakanta ang I won't give up?"
       "Lahat naalala ko, oo."
       "Hindi mo nga ba ako susukuan Myles? Ngayong magkaiba na ang mundo natin?"

        Naalala kong ikakasal na siya kay Bogart. Na tama lang na magkaron kami ng closure, para maka move-on..
       "Ikaw na ang nagsabi na magkaiba tayo ng buhay ngayon, para saan pa ang lahat? Kahit mahal pa kita, hindi na puwede."

       Natahimik si CJ, pakiwari kong wala siyang pagtutol sa tinuran ko. Siya, in time, bubuo ng pamilya kasama si Bogart. Ako, na gustong magka apo sa akin ng lolo. Paano namin magagampanan ang tama kung ipagpapatuloy namin ito?
       Hawak pa rin ang kamay ko ay humarap si Cj sa akin. She met my eyes lovingly. "I've missed you so much Myles."

       Sumisikip na ang kalooban ko at may luhang namuo sa gilid ng mata ko. She held my chin and raised my face. She slowly pressed her lips against my lips. Her kiss is teasing. I missed her too kaya kusang tumugon ako sa halik na iyon. Her kiss was inviting, kaya bago ako makalimot ay pinutol ko na ang halik.
      "CJ, look, we'd better go.."

       Hindi ko na inantay ang sagot niya, tumalikod ako at bumaba sa hood ng kotse. Tahimik din siyang bumalik sa kotse at walang salitang nakabalik kami ng bahay.
        "Goodnight," sabi ko sa kanya nang makapasok na siya ng kuwarto niya. "Maaga pa ang flight mo bukas, pahinga ka na."

       She just stood in front of me and right there and then, she cried. I was shocked and asked kung saan ganung kabilis ang luha na pumatak mula sa mata niya.

       Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Para saan ba yun? Ayokong umasa na umiiyak siya dahil ayaw niyang matuloy ang kasal nila ni Bogart sa isang buwan. Kung alam lang niya kung gaano kasakit 'yun?
       "This is life CJ, sometimes some good things never really last. Be happy and be with the one who is right for you."

        Humina ang pag-iyak niya pero yakap pa rin niya ako. "C'mon, matulog ka na," sabi ko.
       "Sleep with me Mimay, just for tonight."
        "This is all wrong CJ."
       "Wala akong pakialam," sabi niya sabay siniil agad ako ng halik.

     Sobra akong nangulila sa kanya kaya tuluyan na akong pinagtaksilan ng mga rason na mali ang ginagawa naming ito. Pero mahal ko siya, sobra! I cupped her both cheeks and responded to her kisses, sinabayan ang intensidad ng kanyang halik. Ayoko munang isipin ang mga consequences sa pagpapaka-tangay ko sa damdamin kong ito.

      I've waited too long for this, ang makasama siyang muli. Kung siya walang pakialam, wala na rin akong pakialam. Bumibilis ang pintig ng puso ko, habang walang tigil ang paghaplos niya sa likod ko, ay iginiya ko na siya papuntang kama.

      Hindi napipigtal ang pagkakahinang ng aming mga labi, kapwa sabik sa isa't-isa. Napaimbabawan ako ni Cj at tuluyan ng nanghina ang aking kalamnan sa mga masusuyo niyang halik. Habang hinahalikan niya ako ay saglit akong dumilat. I saw the old CJ that I have loved since then till now.

       Bumaba ang hagod ng kanyang dila sa baba ko, lalamunan at leeg. Napaliyad ang ulo ko. Muli akong dumilat at natuon ang paningin ko sa labas ng bintana. Kung saan parang nakikiayon ang kinang ng mga bituin sa kinang ng aking mga mata, sa sayang dulot ng pagsasaluhan namin ni CJ ngayong gabi.

     ..Wherever we may go, how far we may go, I wanted this moment, this very night to be a memorable one....

      Cj whispered... "I miss you, and I want you to take me, tonight...."

************************************

Thank you sa pagbasa, pagcomment at pagvote...

Thank you sa lahat ng naghihintay ng update..

Shan

:)




Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon