Chapter 7: basketball

8.7K 216 1
                                    

MYLES' POV:

      UMALIS si Cj ng araw na 'to at dii na 'ko nagtanong kung saan siya nagpunta. Hindi ko na saklaw pa ang mga aktibidades niya.

       Sinasaksak ko sa isip ko na "Myles, bisita si CJ, walang kayo, may boyfriend siya, at never papatol sa babae. Myles, wake up, maging normal ka at  magpa-distract sa studies mo. Myles, ang pag-ibig ay kasawian, pag-iyak, sakit. Myles, hindi ka iiyak ng dahil sa pag-ibig. Myles, kaya mo 'yan. Myles, graduating ka na. Myles, when you fall in love make sure IT will make you, not to break you.Myles......Aaaahhh tama na! Daming bilin!!!!

       After lunch ay naligo at nag-bihis na ako. I decided to meet Dallie sa school. Kahit wala akong klase, tingin ko'y kailangan ko ng kausap. Inaya ko si Dallie sa may bench na nalilimliman ng mayabong na puno ng mangga.

      Gusto ko ng tahimik. Tapat ito ng pre-school department kaya wala ng bata dahil sa umaga lang ang schedule noon. Inabot ni Dallie ang isang mango shake sa 'kin. "Oh, pampakalma, mukhang napasugod ng di oras, tsk!" Hindi ako makainom, panay lang ang patusok-tusok ko ng kutsara sa shake na hawak ko.
        "Anyare?" tanong ni Dallie na napaka kaswal.
        "We kissed...i-I mean I kissed her," medyo mahina kong sagot. I want to keep it by myself pero ayoko ng maglihim kay Dallie.
        "Woah! Ikaw na! Ikaw na'ng mabilis!" at humagikgik ang bruhilda.
        "Pero tulog siya, dampi lang naman. Lakas ng loob ko no?"
        "Hindi siya nagising."
        "Hindi naman, pero kinakabahan ako kinabukasan."
        "So?"
        "Wrong move ako eh. Nasusungitan ko siya, akala ko kasi ready ako. Hindi ko alam gagawin ko when she's around." "
         "Hmmmm...."
         "Dallie, sure ba'ng okay lang? I mean, ang awkward eh. First time ko kasing mag-open up sa 'yo ng ganito. I am somewhat uncomfortable."
         "Myles, hindi ibig sabihin ng hindi ako naeengage sa ganyang feeling, meaning, hindi na ako worth na pagsabihan. Para sa'n pang bestfriend kita? Mas magdadamdam ako kung kina Rench ka unang lumapit."
       "Ano bang gagawin ko?"
       "Eh bakit kasi masyado kang nag-mamadali? Unang araw niyo pa lang naman na magkasama, right? Sumunod ka na lang muna sa agos."
        "She loves someone. A guy. She's straight. I am afraid she might not want me. Itago ko na lang kaya or better yet, kill my feelings the soonest possible time."
       "'Yan ba talaga ang gsuto ng puso mo, ha?"
       "Parang andaming komplikasyon, Dallie. Ang hirap pala."
       "May boyfriend pala..."
       "Siguro. I notice she plays with her ring finger as if may suot siyang singsing. Parang naging hobby niyang laruin iyon."
       "Make her fall for you kung gano'n.."
       "What? Baliw ka ba? Pa'no ko naman gagawin 'yun? Ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw sa ganitong relasyon?"
        "How would you know?"
         "May boyfriend nga diba?'
        "Brean na yun.:
         "Break?"
         "Posible."
         "Ako, rebound?"
         "But this is your chance, girl."
         "Hindi ko kaya."
         "Yung iba nga diyan, lumalaban ng todo, ikaw naman, todo atras agad, haller!"
         "Damdamin pinag-uusapan dito, hindi laro."
          "Oo, puso mo nakataya. So hahayaan mong matalo ka? Pag-isipin mo. Obserbahan mo muna siya, alamin mo ang naging buhay niya sa past six years. Be a friend. Malay mo naman, hindi siya ang hinahanap mo? Inlove ka lang pala sa thought na akala mo inlove ka."
         "Deep naman...Pero tama ka, let's take it one step at a time."
         "Oh, e bakit sad ka pa rin? Plus points mo na nga na brokenhearted siya, at ikaw lang ang tanging nadyan na kasama niya. Huwag mo ng sungitan, baka mahalata ka pa lalo."
        "Wala ka bang prospect?"
        "Timang! Huwag mong ibaling sa iba. Huwag mong ipagkatiwala ang puso mo sa isang taong hindi mo gusto o pinipilit mong gustuhin, manahimik ka na lang kaya, no? Gulo mo!"

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon