Chapter 41: Diary

5.8K 214 7
                                    

MYLES' POV:

        HINDI ko inaasahan na si Bogart ang sinasabing bisita namin ni Jim. Sobra akong kinabahan, anything or anyone related to CJ ay umiiba ang pakiramdam ko.
       "Upo, upo pare," sabi ni Jim sabay tapik sa balikat ni Bogart. "Kamusta pare?" bati ulit ni Jim.
       "Ayos lang salamat, having jitters..." sagot niya.

       Tinapunan niya ako ng tingin. "Hi Ma'm," bati niya sa akin na parang nag-aalangan pa siya. I just smiled at him and nodded. Ano bang pakana na naman ni Jim? Halos mamatay matay na ko sa pinagdadaanan ko, heto't may panibago na naman siyang dala sa akin.

      Habang kumakain ay puro trabaho ang pinag-uusapan nila. Napag-alaman kong ginawa na siya ni Jim bilang head ng security sa isa sa mga hotel na pinamana sa kanya ni Lolo.
Bogart had undergone training sa martial arts at pag-hawak ng baril, siguro ay para mas maprotektahan si CJ?

       Mas lalo akong nanliit, dahil ako? Guilty ako na isang bulag na CJ, iniwan ko kahit dama kong nakilala niya ako. Inaamin ko, nagkamali ako. Na kahit ba mag karelasyon na sila ni Bogart, hindi dapat akong umalis sa tabi niya, dapat pinaglaban ko siya. Pero tapos na 'yon. Heto ang lalaking sumalo sa iniwan kong nasasaktan na si CJ.

        Maya-maya'y umalis na si Jim at iniwan kaming dalawa. Habang inaantay ang dessert na dumating ay si Bogart na ang break ng ice.
       "Kamusta ka na Ma'm?" panimula niya. Hindi ko alam kung gusto akong paglaruan nitong kaharap ko. Ang huling alam ko, ay alam niyang kami ni CJ noon hanggang mangyari ang trahedya.
        "Okay naman," pormal na sagot ko. "Sorry Bogart, to be honest, I am so uncomfortable, y-you know, the past?"
        "Wala po 'yun Ma'm, marami po tayong pag-uusapan kasi, and it's the best time na po."
        "Huwag na tayong maging pormal, pakiusap."
       "Una po, ay, una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyo ni Sir Jim, sa lahat ng tulong na ginawa niyo sa akin."
        "Bogart, alam mo namang tumanaw lang kami ng utang na loob, lalo na ako dahil sa pagligtas mo kay C-CJ."
        "Ms. Myles, sobra-sobra po ang tulong na iyon. Napagamot ko po si Benchok. Maayos na maayos na po siya."

        At sa unang pagkakataon, inimagine ko ang Benchok na malusog at puno ng buhay. Napangiti ako. "Oh, kamusta naman siya ngayon?"
        "Nangungupahan na po kami sa isang maliit na apartment, malapit sa park. Dahil sa pabalik-balik kami sa ospital, ay nahinto na siya sa school kaya grade four pa rin siya kahit mag-o-onse na siya."
      "I am so happy to hear that, na okay na siya."
       "Alam niyang magkikita tayo ngayon kaya hi daw. Nahihilig siya sa music at nag-aaral siyang tumugtog ng gitara ngayon."
       "Oh! Well, maybe I can meet him before I will leave to Manila."
        "Aaahh....M-Myles, ahh...may ibibigay sana ako. Nang malaman kong nandito kayo sa Cebu ay sinamantala ko at kinausap ko si Sir Jim."

       May kinuha siya sa dala niyang bag. Inabot sa akin. "Para saan itong mga susing ito?" takang tanong ko.
        "Ito pong isa ay susi sa bahay na tinirhan namin dito sa Cebu, kung saan kami tumira noon. Matapos ang operasyon ay nag-stay kami sa Pandacan hanggang lumakas siya. Sumunod muna siya sa ate niya sa Singapore at pupunta rin si CJ dito sa Cebu."
         Lumundag ang puso ko pagkarinig ko no'n, na posibleng magkita kami dito sa Cebu.  "Ito namang isa ay susi ng kuwarto ko doon, kung saan ka natulog. At ito namang susi na ito ay ... sa aparador ko sa kuwarto sa sulok."
       "B-bakit mo binibigay sa akin ang mga ito?"
      "Myles, alam ko simula't sapul ang tungkol sa inyo ni CJ."

       Nag-blush ako. Hanggang ngayon, kahit si Jim ay paminsang tinutukso ako kay CJ, ay hindi pa rin ako komportable. Napainom ako bigla ng juice.
       "Bogart, please, tapos na 'yon, masaya na siya, okay na siya, okay na ako. Ang mahalaga, nakakakita na siya at normal ng namumuhay....at nakikita kong.... masaya kayong dalawa, sapat na 'yon Bogart, life to me has to move on."
       "Myles, CJ is just a lovely sweet girl. Walang taong hindi niya mapapaibig."

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon