Chapter 17: deserving..

6.4K 189 0
                                    

    MYLES:

       Dalawang araw bago ang birthday ko ay ginugol ko lang sa school at bahay. Regular ko namang nakakusap si Tita Tam although I can't deny na namimiss ko rin 'yun.
       By Friday ay tapos na ako sa mga clearance ko sa school, by next week naman, ang schedule ko naman ay summer class sa umaga, barista naman sa gabi. Para kasing magkakasakit ako kung wala akong ginagawa. Pasalamat nga ako at pinagtitiyagaan ako ni Tita Tam, pero hindi naman dapat lahat ay iasa ko sa kanya lalo na't kaya ko naman sa sarili ko na tulungan ang Tita.      

       March 25, 2011 bisperas ng kaarawan ko. Naiinis ako na nag-aalala dahil wala pang text or call ang tita. I am somehow bothered coz' I was committed to celebrate my day here sa house.

       Naisipan kong imbitahan si Cj to come over pero wala ring reply sa mga texts ko. Limited ang load ko, hindi na kaya ang pantawag. Naglinis na lang ako ng buong kabahayan para if ever sa birthday ko ay maayos na at presentable na sa mga bisita. Twenty na ako. Hindi na ko teen-ager na maituturing.

      Matapos kong maligo ay nag-stay na lang ako sa kuwarto ni Ttia Tammy. Muli kong kinuha ang gitara at tinugtog ang nacompose kong kanta para kay CJ.  Matapos mag-gitara ay pumunta na ako sa kuwarto ko. Hinanda ko na ang mga albums na ipapakita ko sa mga classmates ko bukas. Ito kasi ang unang pagkakataon na maghahanda nitong college days ko kaya excited ako. Hindi ko muna iniisip na wala pang text si Tita tam at CJ.    

    Kumuha ako ng bagong bilog na basahan at isa-isang pinunasan ang mga album. May anim na albums din ito mula ng bata ako. Binuklat ko ang isang album na kulay pink at may mga baby bears ang top cover. Definitely may baby pictures. Sino bang mag-aakala na ang isang butch na katulad ni Tita Tammy ay may kalandian din pala at may sense of art?    

      Ang kuwento ni tita ay namatay sa isang sakit ang aking ina at aking ama naman ay nangibang bansa at may asawa ng iba. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataong mapabilang sa isang kumpleto at normal na pamilya? binalikan ko ang mga larawan. Laging si tita Tam ang nakaagapay sa akin. Sa school program, sa recognition day, sa pamamasyal, sa lahat. Oo nga, tama si CJ, ina at ama sa iisang katauhan ni Tamila.      

       Wala sa sarili kong hinaplos ang picture namin ni Tamila. Kuha 'yon sa Star City, 7th Birthday ko year 1998. Naalala kong iniyakan ko pa siya dahil gustung-gusto kong pumunta ro'n. Sumunod na pahina ay mga kuha ko sa mga rides na abot-tainga ang ngiti ko.

     Tita Tam...was, and is, always there for me. I was so happy nung birthday kong 'yun dahil naalala kong sinabi niya pa sa akin before kami lumabas ng pinto ng bahay...."Happy birthday Sweetie! Today will be only me and you only" sabay hinalikan ako sa noo.
        Hindi ko namalayang naiyak na pala ako at napahikbi. Sinara ko na ang album at inipon ko na sa ibabaw ng kama ko.    
        Mag-aala-sais na ng hapon ng makareceive ako ng text kay CJ. Magdadala raw siya ng dinner for us with Rem. Okay na sana, kaso may Rem na naman! Pero okay na rin, okay na rin kaysa hindi ko siya makita tonight.    

       Hinugasan ko ang mga asa lababo pagbaba ko bandang mag-aalas-otso. Dito man sila magdinner ay malinis ang kitchen. Maya-maya'y nagtext si Kuya Rem na doon na lang daw ako sumunod sa Pizzahut malapit sa amin. I have no choice but to follow. Gutom na rin kasi ako plus I want to see CJ na.

       Pagdating ko sa PizzaHut ay dumeretso muna ako ng banyo. Eksaktong lumabas si CJ sa isang cubicle. Naging abnormal muli ang pintig ng puso ko. Parang ninitial reaction kaagad ng puso ko ay tumalon sa tuwing makikita ko si CJ.    
      "Hi!" bati niya. Ang gulat sa kanyang mukha ay napalitan agad ng tuwa. Cj hugged me.
      "Namiss kita."  
      "A-ko rin. Si kuya Rem?"             
      "Pinapark lang yung kotse saglit, ihing ihi na kasi ako eh, umuna na ako."    
       "Ah okay, sa'n kayo galing?"    
       "S-sa mall, nagpasama siya bumili ng gift para sa aatend-an na kasal sa Lunes."     
       "Maghapong kasama mo?"     
       "Hindi naman..."   

        Hindi ko maiwasang magselos. Na ni ha ni ho, wala siyang text mula umaga, tapos ay malalaman ko lang na magkasama sila ni Rem. Naging matamlay ako na kasama sila.  
       "Oh, Myles, bakit tinititigan mo lang ang pizza? Lam mo bang treat ko na ito sa yo sa birthday mo bukas?" Puna ni Rem.   
       "Are you all right?" alala ni CJ.    
       "Yes I am fine. Medyo umiikot kasi tiyan ko kanina. Baka matuluyan kung kakainin ko yung pizza. Take out ko na lang kaya?" suhestiyon ko. 

        Katabi ko sa upuan sa CJ. Alam kong nag-alala siya sa tono ng boses kong matamlay. Napapitlag ako ng hawakan niya ang kamay kong nakalapat sa hita ko. Parang hindi naman napansin ni Rem ang gesture na 'yon sa ilalim ng mesa. Mahaba ang laylayan table cover kaya hindi halata.
       Gaya ng dati, ay gumanti ako ng hawak, ng pagpisil sa palad niya. Ang init ng palad niya na lumulukob sa palad ko ay nagdulot ng luwalhati at pagbilis ng ritmo sa puso ko. Ang paglalaro ng mga kamay namin sa ilalim ng mesa na hindi namamalayan ni Rem ay tila dahilan upang ako'y sumigla ulit.     

        "Ano Mims, take out pa ba? O kaya mong ubusin ngayon?" panunukso nya sa akin at pinisil muli ang kamay ko.     
       "Ay uubusin ko na, kahit hanggang bukas tayo rito, ayos lang!" sagot ko sabay subo ng malaking portion ng pizza.  
 
     Nabusog naman ako, Thanks God, busog na libre pa. Kaya lang, bumalik sa damdamin ko ang inis dahil natural na sila ang laging sabay lumakad at ako'y sa tabi lang. Pumirmi muna kami ni CJ sa isang sulok habang kinukuha ni Rem ang kotse. Umulan kasi at wala kaming payong. Maya-maya'y may isang grupo ng mga binata ang nangulit sa amin.    

       "Hi Miss," sabay kindat ng isang lalaki. Tumalikod si Cj at hinila ako papalayo ng kaunti.
      "Eh pare! May karapatan namang magsuplada eh, magaganda't sexy," sabad ng isang lalaki habang hinihimas ang balbas niya.    
       "Eh Miss, maulan, baka gusto niyong kami na maghatid sa inyo, ha?" sabi naman ng isang lalaki sabay pihit paharap kay CJ.          

     Alam kong nagpaka-tapang si CJ at ako'y kinakabahan na rin. Aktong hahawakan ng lalaki ang pisngi ni Cj ng may sumaling sa kamay nito . Si Rem.
      "P're, ang babae, minamahal, inaalagaan, hindi binabastos," sabi ni Rem ng may katatagan ang boses. Nagtitigan si Rem at ang lalaki. Hindi siya nagbababa ng tingin sabay kunwa'y inutusan ako.
       "Myles, tawagin mo nga yung enforcer sa gitna, daanan mo na rin yung guard sa PizzaHut habang hawak ko pa ang kamao ng isang 'to."   
      "Pre," untag ng isa niyang kasamahan.
      "Pre, lika na, delikado tayo rito."  
      "Ano boy? Kailangan ko pa bang kumuha ng atensiyon ng pulis o kusa na kayong aalis?" Tiim-bagang na sambit ni Rem. Matalim ang tingin.     

       Sa loob ng kotse ay tahimik lang kami. Natural na si CJ ang katabi ni Rem sa harap. Bago i-start ang sasakyan ay hinawakan niya ang kamay ni CJ.
       "Ayos ka lang ba?" Tanong nya na at nakita kong hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay niya.

       Lumingon siya sa 'kin, "Ikaw Myles, ayos ka lang dib ba? Luko-loko talagang mga batang 'yon. Sa susunod huwag na kayong pumuwesto doon. Next time, sa guard agad kayo pumunta." 

     Habang bumabiyahe pauwi, pinikit ko ang mata ko at sumandal ng ayos. Naiinis ako. Naiinis ako sa nakita ko at sa nangyari. Ilang araw pa lang kaming nagkakasama ni CJ pero ang epekto niya sa akin ay malalim na.
       Naiinis ako na hinawakan ni Rem ang kamay niya, na kanina'y ako ang may hawak! Plus the fact na hindi ko nakitang iniwas man lang ni CJ ang kamay niya sa ilalim ng kamay ni Rem! (Hellloooo!!! May karapatan ka ba sa mga nararamdaman mong 'yan Myrna Elisze? Tsk! Tsk! )  Hindi ko na pinansin ang tawanan at kuwentuhan nila sa harap. 

     May iniisip ako habang nakapikit. Paano nga ba? Paano nga ba kung maulit sa ibang lugar, ibang pagkakataon ang engkuwentro kanina? Ano ba ang laban ko sa mga matitikas na lalaking gagambala sa amin o sa kanya? Kaya ko bang labanan 'yun sa liit kong ito? Paano ko siya maipagtatanggol? How can I protect her? Ano ang kakayahan ko? Ano ang laban ko sa mga lalaking iibig kay Czarisse? ...at sa iibigin niya?  

       Unang hinatid si CJ sa boarding house niya. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Sa kuwarto ko, habang nagpapa-antok ay nagmuni-muni lang ako, hindi nawawala ang pigura ni CJ sa isip ko.
      The longer na nagkakasama kami, the deeper 'yung hurt na nararamdaman ko dahil sa rason na hindi talaga kami puwede. Alam kong she deserves someone better than me, rather, she deserves a man, not a woman like me.

      Nanikip ang dibdib ko, kasabay ng may luhang dumaloy sa pisngi ko.

   ***********************

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon