Chapter 10: Run

7.9K 192 11
                                    

CJ'S POV:

         BAGO makalabas ng bookstore ay binitawan ni Myles ang kamay ko at kumaripas ng takbo. Naabutan ko siya bago siya makapasok ng CR.
      "Mimay, wait!" Nahablot ko rin ang braso niya at pinaharap siya sa akin. "Mimay ano ba? Bakit ka tumatakbo?"
      Tinakpan niya ng dalawang palad ang mukha niya. Pilit kong inaalis.
     "Mimay ano ba?"
     "Nahihiya ako. Dapat galit ka, dapat galit ka."

      Atsaka ko naalala kung ano ang tinutukoy niya. Mali man pero naisip ko agad na kaya akong dalhin sa langit ng malalambot na labi na 'yon. Oh! Mimay! Ano bang ginagawa mo sa 'kin?
       "Hindi ako galit ano ka ba? Alam kong ginawa mo 'yon katumbas ng sinabi kong g-girlfriend kita. Para tumigil 'yung lalaking 'yon. Sino ba kasi 'yun? Mimay ano ba? Tanggalin mo na 'yang kamay sa mukha mo, kundi ako hahalik sa 'yo mamaya, sige!"

      Tinanggal agad niya ang kamay niya. Ayaw na magpahalik? Nagba-blush si Myles. Hindi ko na pinansin. Niyakap ko siya. 
       "Shhhh...halika na nga arte mo!" Kinuha ko ang kamay niya at hindi ko binitawan. I don't understand but I love the way I feel while holding her hand. May kakaibang init. Hindi ganito ang pakiramdam ko sa kamay ni Nico.
      "Sa'n ba tayo pupunta kasi?" tanong niya at halatang nahihiya pa rin.
     "Mageenjoy, okay?"

     Dinala ko siya sa Timezone. Pumasok muna kami sa photo booth. Matapos maprint ay tinupi ko 'yun at binigay sa kanya.
      "Oh, tago mo 'yan, remembrance natin. Ipit mo dito," sabi ko sa kanya sabay abot ng plastic.
     "Ano naman' to?" Tanong niya habang sinisipat paikot nung binigay ko. Hinila ko ang kamay niya. "Tara dun tayo sa isang bench, buksan mo."
      "Talagang dito tayo?" Dinala ko kasi siya sa isang hilera ng bench kung saan ang mga nanay at yaya ay pinapanood ang mga batang naglalaro ng mga games sa Timezone. Sa tapat talaga ng basketball games ko siya dinala.
      "You want to play? May fifty pesos pa 'tong powercard ko." Tumango lang siya at di maitago ng mata niya ang excitement.
       "Huwag na, teka ano ba 'to?" Tanong niya sabay nilabas na niya ang laman ng plastic. "Wow! Ang cute!" Isa 'yung average size na brown floral diary.
       "Nakita ko kasi na paubos na yung diary mo, pero Mims, special 'yan, kasi sa 'kin 'yan mapupunta."
      "Ano? Sa 'kin tapos sa 'yo?"
      "Look, dalawa 'yang ibibigay ko sa 'yo. Yung isa bahala ka kung ano gusto mong gawin dyan pero yung isa, after two months ibabalik mo sa 'kin. I mean, nakasulat dyan lahat ng mga bagay na gusto mong sabihin o ishare sa mga pagkakataong wala ako."
      "Ay! Ayoko, iyo na 'to," nilagay niya sa hita ko. Binalik ko ulit sa kanya.
       "Ano ka ba, don't worry, I also have one. Ibibigay ko rin sa 'yo yung akin."
      "B-Bakit may taning?"
      "Within two months kasi ang inaantay kong tawag for my job sa Singapore. Hindi ako magtatagal. Pero hindi ibig sabihin na hihinto tayo sa pagiging magkaibigan hindi ba?"
      She jost nodded. Tumayo ako at hinila ang kamay niya, Dinala ko siya sa basketball. She won, lahat ng tickets ipinalit niya ng mga candies. Ibibigay raw niya pag may namalimos mamaya sa 'min sa daan. Sunod ko siyang inakag sa videoke.

      "Hindi ako kumakanta, huwag na diyan."
      "Kunyari ka pa," sabi ko sabay sara ng pinto sa isang cubicle ng videoke-han.
      "Natatandaan ko Mimay when you were thirteen, naabutan kita sa room mo na nag-gigitara. You were composing a song. Natapos mo ba 'yon?"
       "Hindi na, wala na akong maisunod. Pero nakatago lang yun, nakaipit sa luma kong diary."
      Pinindot ang numero ng napili kong kanta. "Oh Mimay, kantahin mo sa version mo 'to, kung hindi, itotorrid kiss kita rito."
      "Will you stop mocking at that kiss? Napapahiya na ko," Medyo naiinis niyang sabi.
      "Fine I am sorry. Now sing."

       I was surprised ng kunin ni Mimay ang mic sa akin. Maya-maya'y nangibabaw ang malamyos niyang tinig.
      ♫Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago...ikaw lang ang iibigin ko.
♫ Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako, asahan na hindi maglalaho
♫ Ang pag -ibig ko'y alay sa 'yo lamang

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Where stories live. Discover now