Chapter 36: Captured

5.8K 209 11
                                    

TWO YEARS AGO.....

CJ'S POV:

WALANG paglagyan ang saya ko. Ngayon lang ako nakadama ng ganitong saya! Dahil kay Mimay na iniibig ko.
Nothing can compare to what I truly feel. I love her and I am willing to do everything to make her happy. Lahat ng bagay na kaya kong ibigay at ipagparaya ay gagawin ko para sa kanya. I always want to see her happy and contented.
Nagising ako ng maaga. Dumaan ako ng salon at nagpa-hot-oil. Kaya aaminin kong bukod sa rtaffic ay dahil nga nag-paganda pa ako para sa kanya. With her in my life, there's added joy and I feel lovelier and prettier.
Pagdating ko sa restaurant ay medyo kinakabahan ako. Sabi nila huwag daw masyadong sobrang saya dahil minsan ay ang kasunod ay hindi maganda.

I saw Mimay smiled when she saw me na papasok ng resto. She gave a kiss on my cheek and sat down. Nag-sorry ako dahil late ako. Kinuha ko sa bag ko ang cp at lo-bat pa pala.
Nag-paalam si Myles na magsi-CR. Nilapag ko ang cp sa mesa at nag retouch din ako saglit. Medyo natagalan si Myles sa pag-balik.
Maya-maya'y may pumasok na mga de necktie sa loob ng resto. Nagulat ako ng biglang sa mesa namin ang dalawa sa kanila. Nasa likod ko ang isa at may nakatutok na kung anong matulis sa likod ko. Ang isa nama'y nasa tagiliran ko.

"Sumama ka sa 'amin ng maayos kung ayaw masaktan," malumanay na sabi ng isang lalaking nakashades. Ang isip ko ay kay Myles, madadatnan niya akong wala sa puwesto ko. Mag-aalala 'yun.
"Huwag ka ng lumingon kung ayaw mong mas mapahamak," ayudo pa ng isa. "Hala tayo!"
"H-hindi ako mayaman Sir," sagot ko at hindi ako matinag pero naginginig na ako sa takot.
"Yun ang akala mo. Huwag ka ng mag-iskandalo, marami pa kami sa labas. "

Pinuwersa pa ako ng isa para tumayo. Ang guwardiya ay may inassist na customer patungong counter. Inakbayan pa ako ng isa habang papalabas ng resto pero mahigpit. Pag-sakay ng kotse ay pinilit kong mag-isip at kumalma.
"S-saan nyo ko dadalhin? Sino ba kayo?!"
"Hindi na mahalaga kung sino kami. Umayos ka na lang ng matapos na ang problema namin. Pinahirapan mo kami babae ka."
"A-anong pinahirapan? Sino ba talaga kayo? Anong kailangan niyo sa 'kin?"
"Ang boss namin may kailangan sa 'yo, hindi kami. Kailangang buo ka naming madala sa kanya."
"Dapat ay noon pa ang kaso'y laging may nakabuntot sa 'yong lalaki."
"Lalaki?"
"Tumahimik ka na! Masyado kang masatsat! Hala! Lagyan na ng piring 'yan!"

Wala akong ka ide-ideya sino ang mga dumukot sa akin. Hindi ako nagpumiglas. Nilagyan nila ng piring ang mata ko at pinosasan. Dalawang lalaki ang gumigitgit sa 'kin at simpleng tsumatsansing.
"Mga p're, huwag niyong galawin si Ma'm kung ayaw niyong mabugbog ni Boss," ang sabi ng driver.
"Bogart! Ang kinis pare, kutis mayaman talaga! Tiba tiba si Bossing dito!"
"Huwag kayong tsimoso, kung ano ang utos ay siya lang ang sundin."

Tahimik lang ako habang bumabyahe. Masikip ang posas at halos magsugat na ang wrist ko. Naghahagalpakan sila ng tawa sa mga kalokohan at kuwentuhan nila. Pilit kong iniisip kung bakit ako nila dinukot. Mayaman? Lalaki? Bosing? Hindi ako mayaman at wala akong lalaki. Si Mimay? Oh, posibleng si Mimay ang pakay nila.
Malamang ang lalaking tinutukoy nila ay ang family friend nilang abogado na si Jim na laging nakasunod kay Myles.
Wala kaming deretsong usap ni Jim, at never ko pa siyang nakikita. Sa kuwento lang ni Myles ko siya kilala. Hindi kaya mayaman ang angkan ni Myles sa father side? Kung posible ito ay nasa panganib ang buhay ni Myles?Shit! Naiwan ko pa ang cellphone ko.

Pinilit kong mag-pakatatag. Hindi ako nagpahalata na hindi ako ang pakay nila. I need to pretend for Myles' safety. She's in danger!
Hindi ko alam kung saang probinsiya kami naro'n. Hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko pero naramdaman kong hindi masama si Bogart katulad ng dalawa niyang kasama. Kinaladkad ako ng katabi ko pababa ng kotse.
"Hala baba dali!"
"Pare, dahan-dahan naman, babae pa rin 'yan."
"Alam mo Bogart kung hindi ka sanay sa ganitong trabaho, dapat hindi na lang kita nirefer! Malambot ang puso mo masyado!"

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon