Chapter 16: Inspired

6.8K 188 4
                                    

CJ'S POV:

       Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako sa kalagitnaan ng madaling araw sa silid ni Mimay. Naalimpungatan ako at natagpuan kong nasa bisig niya ako at yakap. Nakakahalina ang kanyang natural na amoy kahalo ng body wash na ginamit niya marahil sa pagshower bago matulog.

     Simula ng nakakasama ko si Mimay nitong mga nakaraang araw, mayroon sa pagkatao ko na pinupukaw niya na hindi ko maintindihan. Hinahanap ng mata ko ang kanyang mga ngiti, hinahanap ko ang presensiya niya. Iba ang pintig ng puso ko pag kasama ko siya. Hindi ko mabigyan ng linaw kung ano ba itong nadarama ko.

     Hindi na ako bumalik ng kuwarto ko, gumanti na lang ako ng yakap at payapang nakatulog muli. Kinabukasan, pagmulat ko ng mata ay ang magandang mukha ni Mimay ang bumati sa akin. Nakadantay ang binti niya sa hita ko. Marahan kong inalis iyon hanggang magising na rin siya.

         "Good morning," bati ko sa kanya ng nakangiti.
        "Mooorniiiing," sagot niya habang nag-uunat. "Hindi na kita ginising kagabi, sarap ng tulog mo eh."
         "Okay lang, sarap nga ng tulog ko eh," sagot ko pagbaba ng kama.
       "Mukha nga, hehe! Akala mo kasi ako unan mo eh."
        "Mag-ayos ka na, prepare na for the contest later. Handa ko na almusal natin," sabi ko sabay pihit ng doorknob.
       "Te..."
       "O?"
       "Ngayon na ba ang paglipat mo?"
       "Yep."

       Ngumiti siya ng pilit. Bago ko pa makita ang lungkot sa mata niya ay tuluyan na akong bumaba at naghanda ng almusal .
        "Te, tulungan na kitang mag-ayos ng kuwarto mo ro'n," alok niya pagkahigop niya ng tinimpla kong Milo.
       "Naku Mims, huwag na. Be early to Billy's house, you practice again then win, okay?'
        "Will you watch?"
        "Of course, baby! I'll be there."

        Matapos mag-agahan ay tumalima na si Mimay para sa practice niya. Ako naman ay tumuloy na sa bago kong lilipatang bahay. Isang kanto lang naman ang pagitan nito sa bahay nina Myles. Wala naman akong gaanong gamit kaya naayos ko naman agad. Tatlong kuwarto ang apartment. Isa'y okupado ng dalawang magkaibigan. Ang isa nama'y pamangkin ng may-ari at ang isa'y akin, pang-isahan lang talaga. Matapos kong mag-ayos ay naligo na ako. Maganda nga't may sarili ring banyo ang kuwarto ko.

       Papunta na ako sa school ni Mimay. Panonoorin ko siya. Habang nag-aabang ng sasakyan ay binati ako ng isang babae.
      "Hi, ikaw yung bagong lipat diba?" Tumango lang ako. "Hi, I'm Gem, ako yung do'n sa katabing kuwarto, kasama ko 'yung friend ko ro'n."
      "Aah oo nga, nakita kitang lumabas kanina, di na kita nabati." I smiled at her and said, "I'm Czarisse."

       Eksaktong may napara siyang taxi, "So, pano? Kitakits na lang Cha?"
        "Okay, see you.."

       Ang sabi ni Myles ay three PM ang start ng program, pagtingin ko sa relo ko ay 2:20 na. Abot pa naman kung mag-tataxi na rin ako. Habang nag-aantay ay may napansin akong pamilyar na sasakyan na papalapit sa direksiyon ko at tuluyang huminto. Parang binundol ang puso ko ng makita ko kung sino ang bumaba mula sa kotse. Napaatras ako ng makalapit siya sa akin.

       "N-Nico? P-Pano..." Bigla niya akong niyakap at hindi ako makawala sa higpit.
      "N-Nico ano ba...bitiwan mo nga ako, nasa publiko tayo, ano ba..."
      "Oh ghod! I've missed you! I am going crazy without you, honey!"
      "Pa'no mo nalaman kung nasa'n ako?" tanong kong muli pag-kalas ng yakap niya. Hindi ako gumanti ng yakap kahit nasa puso kong namiss ko rin siya.
      "Hon, we're not over right? Nangako akong susundan at hahanapin kita, remember? Inaayos ko lang ang lahat."
      "Nico, hindi ganu'n kadali 'yon.."
      "Puwede ba kitang maimbitahang lumabas? Can we talk, not here?"
      "M-May lakad ako, hindi puwede ngayon."
      "Mas importante kaysa sa 'ting dalawa?"
      "Nico please...nakikiusap ako."
      "CJ look, nakunan siya, hindi natuloy ang bata, maselan ang pagbubuntis niya, hindi na namin kailangang ikasal."
      "Sa totoo lang Nico, hindi ako natuwa sa pagkawala ng isang inosenteng kaluluwa bunga ng kahinaan mo. Maaaring ngayon 'yan ang nasa isip mo. Ilang araw pa lang ang nakalipas, hindi agad-agad magbabago ang relasyon mo sa 'yong mga magulang. And the fact na.... hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko para sa 'yo."
      "Bakit? May iba na? Ang bilis mo naman akong palitan CJ? Sino ba 'yan? Kilala ko ba?"
     "No..wala Nico. Hindi gan'un kadali na matapos mo akong lokohin, ay parang lang batang binigyan mo ng candy ay tatahimik na? Masakit ang ginawa mo Nico, masakit ang nangyari. Ibigay mo na para sa 'kin ang panahon na maghilom ang sugat. Huwag mo muna akong guluhin pa, pakiusap."
     "Kilala mo ako Cha, hindi kita susukuan, mahal kita."
     "Kung mahal mo ako, una pa lang, umiwas ka ng masaktan ako. Alam mo ang pag-titiis kong hamakin ng mga magulang mong nasa pulitika dahil minahal kita. Pero hindi mo 'yun pinahalagahan. Now, please....let go. Let me to live a simple life.Find your mate who will suit your family's standard. Admit it or not Nico, ego mo lang ang nasaktan, yun lang."
     "Binabalaan kita CJ, mapapasa'kin ka!"
     "Dahil ano? Dahil alam mong birhen ako hanggang ngayon? Hindi ka makapaniwala na may isang babaeng hindi bumigay sa 'yo? Puwes, hinding-hindi ako mapapsa'yo at hindi ako natatakot sa 'yo!"

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon