Chapter 32: Changed Life

6.1K 188 6
                                    


MYLES' POV:

       HINDI ko na muling nakita si CJ buhat ng araw na ikalawang buwan naming magkasama. Huling linggo iyon ng Mayo. Ilang linggo akong nagpakalango sa alak at nagrebelde. Walang nagawa si Atty. Jim sa mga nais kong gawin. Pero hindi nag-kulang si Tammy ng pag-alaga sa akin. Pinag-tapat ko sa kanya ang lahat. Siguro nga ay mas masaya sila dahil wala akong distractions.

MARCH 2012

       "Congratulations, anak!" hinalikan ako sa pisngi ni Tamila. Hindi pa rin ako sanay tawagin siyang Mama. Ngumiti ako ng tipid.
      "Ang sabi ni Jim ay iti-treat daw nya tayo sa isang five star hotel bago man lang magsimula ka ng training sa Metro-EV Corporation. Hindi ka ba masaya, anak?"
       "Natural masaya," sagot ko. "Saan ba tayo ngayon?"
      "Magtaxi tayo hanggang Makati Ave at doon, dadaanan daw tayo ni Jim."

       Habang lulan kami ng taxi ay kinausap ako ni Tamila. Hinawakan niya ang kamay ko.
       "Anak, ngayong graduate ka na, aasahan kong mas nagmature ka na. Maganda ka, matalino, makatao, magaling makisalamuha sa tao, madisiplina, madiskarte. Lahat na, at pinagmamalaki kita. Trust Jim anak, siya ang aakay sa tagumpay mo.Hindi lahat ng pagkakataon ay nandyan ako para sa 'yo. Mag-ingat ka lang sa taong mamahalin mong muli."

      Lihim akong napangiwi at tinuon na lang sa labas ng bintana ang mukha ko. Binulong ko sa sarili ko na.......    "Oo...sasabak ako sa training sa kompanya na bigatin...magpapakadalubhasa ako at mag-iipon. Gagamitin ko si Atty. Jim at tutupad ako sa kasunduan. Kasunduan na tutustusan ang pag-aaral ko, pag-aaralin muli ng ikalawang kurso at lahat ng maibigan ko ay susundin niya....kapalit sa tunay kong pinanggalingan. Kasabay no'n ay lihim kong gagamitin ang mga maiipon ko upang hanapin ko si CJ. Mangyari na ang mangyari. Kung walang tutulong sa akin, ako ang kikilos. Kung may asawa man siya, o wala, bumalik man kay Nico o hindi. Ang mahalaga, malaman ko kung ano ang totoo.

May 2013

       Nagising ako sa mahihinang yugyog sa balikat ko. "Anak.....," mahinang tawag ni Tamila.
        "Uhhhmmmm...." unti unti kong inangat ang ulo kong nakapatong sa study table ko. Nakatulog pala ako.
       "Nakatulog ka, ito ang gatas. Sa susunod pa naman yatang Lunes ang exam mo eh, pinapatay mo ang sarili mo sa pagod."

        Nakailang masahe si Tammy sa balikat pataas ng batok at ulo ko.  "Ma....ang sarap mo pala magmasahe. Kaya siguro inlove na inlove sa iyo si Ate Monette no?"
       "He! Hala, uminom ka na, mamaya na ang flight namin, text text tayo ha..."
       "Okay Ma, thank you," sabay hinalikan ni Tammy ang bumbunan ko.

       Last year ay nakatapos ako sa kurso kong HRM. Nagtraining ako at kasalukuyang nagtatrabaho sa Metro-EV Corp. Part ng training ko ang mag-manage ng ilang resort sa Visayas na pag-aari ng kompanya. Advantage ito sa akin para sa paghahanap ko kay CJ. Tinanggap ko ang proposal ni Atty. Jim na magmasteral para makakuha pa ng mas mataas na posisyon at maging karapat-dapat atangan ng mabibigat na responsibilidad.

        Nasa first year ako sa La Salle sa aking masteral. Sinuko ni Atty. Jim sa akin ang condo sa Makati. Sa isang banda, mas pinili rin ng Mama Tammy na mamuhay ako mag-isa at hinayaan ko na siyang kasamahin ang mahal niyang si Monette. Nag-sosyo sila sa isang garment business kaya't panay parito sila sa Hongkong, Thailand at Singapore.

       Sa aking sarili, mas mainam 'yun para mas madali sa aking gawin ang mga plano ko, sa akin, at sa pag-hahanap ko kay CJ. I need to double time na bumilis ang pag-angat ko at maka-ipon.  Dinibdib ko ang training at isa na akong Over-all Manager sa isang company na under ng Metro-Ev Corp. Ako ang namamahala sa mga staff, sa promotion at sales. Ang kine-cater namin ay mga big companies na gustong mag rent ng venue in special occasions.

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon