Chapter 18: Surprised

6.3K 179 3
                                    

CJ'S POV: 

          Pinaunlakan ko na ang imbitasyon ni Rem na sumama sa Batangas para sa kasal ng tita niya. Naisip ko kasi, baka sa paraang 'yon na malayo ako kahit saglit kay Mimay ay mapaalalahanan ko ang aking sarili. Ma-analisa ko ang kaibahan ng nandyan siya laban sa hindi ko siya nakikita.    
        Medyo pagod ako nitong isang linggo. Pero ang bago sa akin ngayon ay ang pasulput-sulpot na imahe ni Mimay sa isip ko Kasabay nito ang biglang naiibang pintig ng puso ko kapag magkasama kami. 

        Sabado ng umaga, 20th birthday ni Myles. Hindi pa ako nakabili ng regalo para sa kanya.    Bumangon ako kaagad pagkagising at nagpunta ng grocery. Habang namimili ako sa may fruit stand ay nag-ring ang cellphone ko. Ate Tammy calling. Tinabi ko muna ang cart before ko sagutin.
      "Hello..." bati ko. "Hello..ate Tammy, kamusta ka na diyan?!"
      "Ayos naman, kayo ni Myrna kamusta? Ayos ba siya?" 
       "O-okay naman kami. Teka, hindi mo pa ba siya nakakausap?"
      "Mamaya na lang, ganitong oras malamang ay tulog pa "yun!"
      "May bilin ka pa bang nakalimutan?" 
      "Wala naman, gusto ko lang magpasalamat ulti sa 'yo, alam mo naman yung batang 'yun, sumpungin talaga."
       "Wala 'yun te, nasanay na rin ako, haha!"
       "Malaking bagay CJ na nandiyah ka muna sa tabi niya, salamat talaga. O siya, baka naabaala ka na, magpadala agad ng pictures ha?" 
       "Huwag mo kaming alalahanin te, ikaw ang malayo sa 'min kaya ikaw ang mag-ingat. Kailan ka ba uuwi?" 
       "Wednesday or Thursday, soft opening ng store sa Tuesday kasi."
      "Okay sige, mag-pasabi ka lang para masundo kita, ok?"

       Pag-uwi ng bahay para asikasuhin ang mga pinamili ko ay tinext ko ng good morning si Mimay. Hindi siya nag-reply. Deep within me gusto ko  na siyang tawagan at marinig ang boses niya pero pinigil ko ang sarili ko. Inaamin ko na, na may namumuong kung ano sa puso ko para kay Mimay. Hindi tama kaya hangga't maaari ay sinusupil ko.

      Matapos kong iayos sa common ref namin ang ilang grocery ay umakyat na ako at tinapos na ang pagliligpit ng ilang gamit ko. Huli kong nadampot ang blouse na binigay ni Mimay sa akin. Ang awkward naman kung isusuot ko ito na pareho kami. Para kaming kambal na hindi naman kami magkamukha. Bilugan ang kanyang mata samantalang may pagka-chinita ako.
       Eksaktong matapos kong maglinis ay may miscall from Rem. Tinawagan ko na rin siya. "Hello Rem, bakit?" 
       "Oh! Sabihin ko sana na instead Lunes tayo umalis to Batangas, puwede kayang mamayang gabi na lang?"
       "P-pero bakit? Pa'no si Myles? Birthday niya ngayon?"
       "Don't worry, makakapunta pa rin tayo, kahit naman madaling araw tayo pumunta. Huwag lang tayo umaga umalis para iwas traffic." 
        "O-okay, naiayos ko naman ang damit ko at dadalhin eh."
       "Okay, I'll see you then. Daanan na lang kita sa bahay nina Myles, okay?" 
       "Okay no problem." 

MYLES' POV: 

        Malapit ng mapatid ang pisi ko! Sobra na akong nag-aalala. Lahat ng sampung kabarkada kong pupunta mamaya ay hindi ko macontact! Paano'y si tita Tammy ay di pa rin sumasagot. Di pa nake-credit sa ATM ko yung padala niya, anong oras na? Alas Dos na?!
       Tinanggap ko na, na walang selebrasyon mamayang gabi para sa birthday ko. Gusto ko silang tawagan para makansela ko hangga't maaga.
      Takasan ko na lang kaya? Pati si Czarisse, di ko alam kung nasa'n! Kanina nang ichecheck ko ang atm ko, dumaan ako sa boarding house niya, wala rin siya. Pati si Rem, umalis din daw! Gusto ko ng umiyak!

       Naligo na ako at isang bahay na lang ang pupuntahan ko, kay Billy! Wala rin daw si Dallie sa bahay nila, umalis. Matapos mag-ayos ng sarili ay nagulat ako ng may biglang kumatok sa kuwarto ko. Napangiti ako ng makitang si Billy.
      "Naunahan mo ako, ha!" bati ko. 
      "Hep!Hep! At sa'n ka pupunta?"
      "Tatakas!" iritable kong sagot at pabagsak akong umupo sa kama ko.
       "C'mon darling, it's your birthday! Why that frown on your face?"
       "At bakit hinde? Kanina pa ako di mapakali. Cannot be reached ang tita, hanggang ngayon wala sa Atm yung pera na pambili ko para mamaya!"
       "Huwag mo na 'yung intindihin. Tutal nakabihis ka na, tara, tayo na ang magdate!"
       "Tsk! Kainis!"
        "Ako na ang bahalang magtext sa mga friends natin, tara! Saan mo gusto kumain?"
        "Sa Pluto!"
       "Ha! Ha! Ha! Ang babaeng masungit! Walang handa! Hahaha!!!!"
       "Konyatan kita gusto mo!?!"

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon