¤ Chapter 18 ¤ Couple's Pageant

191K 5.2K 230
                                    

¤ Chapter 18 ¤ Couple's Pageant

"Guys, malapit na ang Intramurals!" paalala ng president namin sa classroom.

"Kailangan na nating mamili kung sino ang ilalaban," sabi pa niya.

Ilalaban? Saan naman?

"Excuse me, Miss president!" nakangiti kong tawag.

"Bakit Sophie?" nakangiti rin niyang sagot.

"Ano ba yung mga contest?" tanong ko.

Paano ba naman kasi para lang siyang ewan. Pumipili na ng ilalaban hindi pa naman sinasabi yung mga contest na pwedeng salihan.

"May chess contest, volleyball, basketball, badminton, booths at may Couple's Pageant yata ngayon." sabi naman niya.

"Ano yung 'Couple's Pageant'?" nagtatakang tanong ko.

"Tanga ka ba?" sabat naman ni Monique at tinignan lang siya ng masama nang mga classmates namin.

"Pageant yun para sa mga magkasintahan Sophie. Like the usual pageant, kailangan niyong rumampa. Ang pagkakaiba niya sa isang beauty pageant ay hindi lang dapat kayo maganda at gwapo ng partner mo, kailangan niyo ring mapakilig ang mga audience." paliwanag naman ni miss president.

"Aah okay, salamat." nakangiti kong sabi.

"So guys sino ilalaban natin? Kailangan daw two couples per section. Sino ang ilalaban natin ?" tanong naman ni Miss President.

"Sino ba ang mga may boyfriend at girlfriend dito?" tanong ni Abby. "Pwede magtaas kayo ng kamay?" sabi pa niya.

Nagtaasan ang mga kamay ng mga mayroong boyfriend o girlfriend.

I didn't raise my hand. Ayokong sumasali sa mga pageant na iyan. Bukod sa mahiyain ako, pareho ding kaliwa ang mga paa ko.

Baka kapag rumampa ako, madapa pa ako! Naku nakakahiya iyon, siguradong may dahilan na naman si Monique para inisin at ipahiya ako. And for sure ayaw rin ni Lulu na sumali, kaya huwag nalang.

"Sophie diba may boyfriend ka rin?" biglang tanong ni Samantha nang mapansing hindi ako nagtaas ng kamay.

Naku naman oh! Pahamak naman ang Samantha na ito.

"Oo." nag-aalangang sagot ko.

"Bakit parang hindi ka sigurado?" nang-iinis na sabi naman ni Monique.

Bruha talaga ang Monique na'to.

"It's not that. I just don't like joining pageants. At sigurado din ako ayaw din ng boyfriend ko." paliwanag ko sa kanila.

"Ows talaga? Yun ba ang dahilan o kinakahiya mo lang ang boyfriend mo?"pang-aasar niya.

Saan naman niya galing ang ideyang iyon? You're really full of sh*t Monique.

Ikinakahiya? Ano naman ang ikakahiya ko kay Lulu?

"Bakit ko naman siya ikakahiya?" inis kong tanong sa maldita kong kapatid.

I'm starting to get irritated again because of her.

"Kung hindi mo siya ikinahihiya, I dare you! Sumali kayo sa pageant. Well anyway, kahit naman sumali kayo ng bf mo wala parin namang magbabago. Kami parin naman ni Jarred ang mananalo.With my beauty and the charisma of Jarred sigurado wala kayong panama." nang-iinis na sabi niya.

Beauty? Charisma? Saan? Bakit parang hindi ko makita?

"Sabi mo eh." sabi ko nalang.

I won't fall in your trap Monique. Alam ko naman na iniinis niya lang ako para mapasali ako, which is not going to happen.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now