¤ Chapter 7 ¤ Kasalanan mo lahat 'to!

215K 6.6K 344
                                    

¤ Chapter 7 ¤ Kasalanan mo lahat 'to!

"Fia! Ano na? Akala ko bang hindi mo siya kilala?!" tanong ulit ni Samuel

Si Lulu ay si EL? Paano nangyari 'yon? Naguguluhan na talaga ako.

"Huy! Ano na?!" parang batang sabi ni Samuel.

"Si EL is yung lalake kanina?" tanong ko sa kanya.

"Oo, huwag mong sabihing hindi mo alam?" tanong niya saakin at ako umiling lang.

"Hindi nga, paano naging si EL 'yun? Eh pagkahaba-haba nang pangalan niya?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Shortcut sa pangalan niya yung EL! Gaga ka hindi mo ba talaga alam?" hindi makapaniwalang tanong niya saakin.

"Sa tingin mo kung alam ko 'yun magtatanong ako sa'yo ngayon?" sarcastic kong sabi.

"Sige na nga naniniwala na ako sa'yo." parang napipilitan pa niyang sabi. "Ano yung totoo niyang pangalan? Panget ba kaya shortcut yung tawag sa kanya?" interested niyang tanong.

"Oo nga Fia, dali na! Huwag mo kaming bitinin!" singit naman ni Ces

Ngayon alam ko na kung bakit magkaibigan ang dalawa, may similarity naman pala silang dalawa. Pareho silang TSISMOSA!! Nandito pala kami ngayon sa isang Cafe sa labas ng school, bigla kasi akong dinumog ng mga student sa cafeteria at pilit na pinapaamin kaya hinila ko sina Samuel at Ces dito.

"Dali na Fia! Sabi mo sa Science class hindi mo siya kilala! Ikaw pala yung pinag-uusapan ng mga student na tinawag ni EL na 'Fifi'? Ang panget ha? So ano na? Dali na mababaliw na ako dito 'no!" sabi niya. 'Talaga?! Kailangan bang ipaalala pa na panget yung nickname niya saakin?'

"Ikaw kasi eh, ang gaga mo!" bintang ko sa kanya.

"Huy gaga ka rin! At bakit  ako ang sinisisi mo?!" tanong niya.

"Kung kasing hindi ka nag-daydream nung malaman  mong  katabi natin si Lulu ay!! EL pala, edi sana ngayon hindi 'to nangyayari! Sana nalaman ko ng mas maaga na si Lulu at EL pala ay iisa! Kasalanan mo'to, at isa pa kasalanan mo kung bakit kami nagkakilala! So in short kasalanan mo lahat 'to!" naiiyak kong sabi sa kanya.

"Kasalanan mo naman pala lahat 'to eh." sabi naman ni Ces kay Samuel.

"Hoy! Babaita ka, manahimik ka nga muna diyan!" sabi niya kay Ces at nag-isip.

"Teka, yung daydream part aminado ako doon. Pero yung pagkakakilala niyo labas na ako don 'no!" sabi niya saakin.

"Anong labas?! Kasalanan mo rin yun eh! Ang likot-likot mo kasi kaya nung kinuha ko yung papel at ballpen para isulat yung pangalan ko nabangga mo ako, kaya natapon yung ballpen ko!!" kwento ko sa kanya.

"Hoy 'teh! Anong connect nang nawawalang ballpen sa pagkakakilala niyo?" sabi niya saakin.

"Nang matapon kasi yung ballpen ko, hindi ko siya makita kaya pinahiram niya saakin yung ballpen niya!" paliwanag  ko.

"Anong hitsura nung ballpen niya?" tanong saakin ni Ces.

"Yung ballpen niya?" naguguluhang tanong ko tapos inisip ulit yung ballpen "Mamahalin yung ballpen niya eh, ang sarap ipangsulat." nakangiting sabi ko

"Ano yung amoy nung ballpen niya?" tanong naman ni Samuel. "Mabango ba?" tanong niya ulit.

"Gaga ka ba?! Ang ballpen pinangsusulat at hindi inaamoy 'no! At isa pa sino bang sira ulo ang aamuyin ang ballpen? Hindi rin ako aso para amuyin ang mga bagay-bagay sa paligid, ginawa mo pa akong aso!" sabi ko.

"Malay mo ikaw?" nakangiti niyang sabi.

"Mukha ba akong sira ulo?" naiinis na tanong ko. "Teka, teka nga bakit tayo napunta sa itsura at amoy ng ballpen?" tanong ko sa kanila.

"Ewan." sabay nilang sabi.

Nasabi ko na bang may pagkakapareho kaming tatlo? Oo pare-pareho kaming makakalimutin. 

"So about sa tanong ko kanina, panget ba yung pangalan ni EL?" tanong saakin ni Samuel.

"Kumpara sa pangalan mong Samuel, magandang-maganda yung kanya compare sa pangalan mo." sabi ko sa kanya sabay tawa namin ni Ces

"Gaga ka talaga, tinatanong ko lang kung maganda yung pangalan niya tapos hinamak mo pa pangalan ko!" sabi niya saakin.

"So ano yung buong pangalan niya?" tanong naman saakin ni Ces nang tumigil siya sa pagtawa.

"Ethan Louise Hyun." sabi ko. "Ah, kaya ba EL yung tawag niyo sa kanya kasi yun yung first letter nung pangalan niya?" tanong ko sa kanila.

Okay I get it.

"Siguro." sabi naman ni Ces.

"Tanong ko lang ha? Bakit ba takot na takot yung ibang student kay EL?" tanong ko.

"Girl, anak kasi siya nang Mafia Lord. Kilala siya bilang Mafia Prince." nakangiti niyang sagot.

"Mafia? Diba yun yung grupo na pumapatay ng mga tao?" kinakabahang tanong ko. 'Gaga talaga ang baklang 'to. Hindi ba siya kinakabahan na pwede siyang papatay ni EL?'

"Oo, kaya quiet ka lang girl ha?" sabi ulit saakin ni Samuel

"Bakit hindi niyo agad sinabi saakin yan?!" tanong ko sa kanila

"Aba! Malay ba naming kakilala mo talaga si EL?" sabi naman ni Ces

"Kaya pala takot na takot sila sa kanya 'no?" tanong ko.

"Hindi lang dahil 'don girl," sabi naman ni Samuel

"Ano pa yung ibang dahilan?" kinakabahang tanong ko.

"Sobrang mayaman din kasi sila at marami silang share at investments  sa iba't-ibang kompanya. Kaya kapag nagalit si EL, pwede niyang sabihin sa papa niya na alisin ang investment nila at dahil malaki yon...pwede yung ikabagsak nang kompanya ng kahit sino." sabi naman ni Ces.

"Buti pa magsimula ngayon, gawin natin lahat para iwasan siya ha?" sabi ko sa kanila.

"Girl, huwag mong gawin yan please." nagmamakaawang sabi saakin ni Samuel.

"Bakit naman hindi?" tanong ko sa kanila.

"Bago ka kasi dumating sa school na'to binalaan na ni EL ang lahat ng student na dapat maging mabait kaming lahat sa'yo at huwag naming sasabihin sa'yo yung sinabi namin sa'yo kanina." bulong ni Samuel "Kaya nga akala namin may relasyon kayo ni EL eh, protective niya sa'yo."

"At hindi mo naman yun dapat gawin Fia, kasi siguradong hindi ka sasaktan ni EL." sabi niya at naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Bahala na," sabi ko nalang.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now