¤ Chapter 5 ¤ Nicknames

216K 6.6K 1.3K
                                    

¤ Chapter 5 ¤ Nicknames

Napatingin naman ako sa dumating, at siya ay walang iba kundi si?

MOODY SEATMATE!!

'Kung mamalasin ka nga naman talaga oh!'

"What can I do for you Mr. Hyun? Wala ka bang klase ngayon?" tanong ni Ma'am Gonzales.

"I transfered to your class." sabi ni moody seatmate ng nakangiti? 

At si Ma'am naman is gulat na gulat pero mukhang masaya sa narinig niya. Yung mga classmates ko naman nagbulungan lang nang nagbulungan. Dejavu?

"Ganoon ba Mr. Hyun? Natutuwa naman ako at gusto mo pala akong teacher." sabi naman ni Ma'am habang namumula? 

Oh gosh naguguluhan na ako.'Teka, huwag mong sabihin na inlove si Ma'am sa student niya? Diba bawal yun?'

"Can i go to my seat now?" nakangiting sabi ni Moody seatmate pero obvious naman na fake.

"S-sige." sabi parin ni ma'am habang namumula.

Si moody seatmate naman is tumingin sa mga students which include me na parang may hinahanap? Nang natapos na siya sa pagtingin kaagad siyang humanap nang upuan. Nang bigla siyang tumigil sa harap nang katabi ko. Hindi si Samuel ah, yung nasa left side ko...yung nakaupo sa pinakadulo.

"Move, that's my seat." sabi niya. At yun namang katabi ko is dali-daling umalis.

"S-Sorry," kinakabahan niyang sabi? 'Bakit parang takot siya? Ugh!! Nakakaloka ang school na'to ah!'

Pagkaalis nung katabi ko kaagad na umupo si moody seatmate.

"Okay class, I think nakapag-introduce na ang lahat right?" tanong ni ma'am. "So ngayon, magpasa kayo ng one-fourth sheet of paper with your name on it at magbubunutan tayo kung sino ang trio at magkakatabi sa laboratory." sabi niya. 'Bakit ganon? Si moody seatmate laging hindi nagpapakilala? Ano ba yan nasisiraan na ako sa kakaisip dito eh.'

So yun, nagpasa nalang ako nang papel. I decided kasi na huwag ko nalang isipin at dededmahin ko nalang. Hindi naman kasi ako naparito to solve a mystery case eh. I'm here for my plans nothing more.

So yun, kinuha ko na ang one-fourth sheet of paper at ballpen ko nang biglang natulak ni Samuel ang kamay ko dahil sa likot niya. Hindi ko tuloy nakita kung saan natapon, favorite pen ko pa naman 'yon . Hinanap ko ng hinanap pero hindi ko talaga makita. Si Samuel naman, hindi man lang ako tinulungan maghanap. Busy sa pakikipagdal-dalan eh, actually lahat naman ng classmate ko.

"Here, use mine." biglang sabi ni moody seatmate sabay abot nung ballpen niya. At ako siyempre kinuha ko. Sino ba naman ako para tumanggi diba? At in fairness ah, mamahalin yung ballpen niya.

"Thank you." nakangiti kong sabi sa kanya at nginitian niya din ako.

"You're always welcome Fifi." nakangiti niya paring sagot saakin.

"Fifi?" hindi makapaniwalang tanong ko sabay turo sa sarili ko at siya natatawang tumango. 'WTH? FIfi?Ang panget!! Ihh, nakakainis naman!'

"Yeah, from now on I'll call you fifi okay?" natatawa niyang sabi. 'Sira ulo yata to eh, Fifi? Nakakadiri talaga eh, pero okay lang yan Sophie. Kaya mo yan, habaan mo pasensya mo.' Tumango nalang ako at pilit na ngumiti.

"Ikaw? Anong pangalan mo moody seatmate?" sabi ko sabay takip sa bibig ko. Oops, hindi ko napigilan ang bibig ko eh. Sorry naman. 

"Moody seatmate?" he said amused.

"Sorry. Hindi ko kasi alam pangalan mo eh." sheepish kong sabi.

"My name is Ethan Louise Hyun." pakilala niya.

"Ethan Louise Hyun? Hmm, I think I'm going to call you..." 'Fifi pala ha? Tignan natin kung magustuhan mo ang tawag ko sa'yo. Mwahahah' "Lulu, from Louise." natatawa kong sabi habang siya is sumimangot lang.

"Lulu? S-sure." pilit na nakangiti niyang sabi. 'Hahaha, kala mo ah?'

Tinignan ko si Samuel at siyempre, nakikipagdal-dalan parin siya pati yung mga classmates ko. Parang nga akong bula dito eh, walang pumapansin.

"Wala na bang papel class?" tanong ni ma'am at umiling lang lahat kami. "So eto yung magkakatabi,"

"Sana magkatabi kami." kinikilig na sabi nung isang girl sa harapan ko sabay sulyap kay moody seatmate.

Ay!! Lulu pala. 

"Ako rin gusto ko siyang makatabi." sabi naman nung isa.

"Please Lord. Makatabi ko sana siya please," dasal naman nung nasa bandang harapan. 'Nakakatawa sila hahaha.'

"Sana magkatabi tayo 'no Samuel?" nakangiti ko namang sabi kay Samuel.

"Oo nga eh, at pwede ba girl Sam nalang ang itawag mo saakin? Ang baduy nang Samuel eh!" sabi naman niya.

"Dapat maging proud ka sa pangalan mo 'no!" sabi ko naman sa kanya.

"At ano naman ang dapat kong ika-proud 'don? Hindi bagay saakin eh, sa ganda kong 'to?" sabi niya naman. At ako tumawa lang. 'Nakakatawa talaga siya, kaya gusto kong kaibigan is bakla eh. Masaya na silang kasama at sigurado ka pang hindi ka nila tatraydorin.'

At ayun, hinintay ko nalang na i-announce kung sino ang katabi ko.

"The fifth group is, Miss Madrigal..." sabi ni ma'am sabay bunot nang isa pang papel. "Mr. Castro and...." dugtong niya sabay bunot ulit nang isa pang papel.

"Yes! Magkatabi tayo!" masaya kong sabi kay Sam.

"Shhh!! Huwag ka ngang maingay!! Please Lord pagbigyan niyo na ako ngayon please," saway saakin ni Sam sabay dasal. 'Hahaha, hindi ko talaga mainitindihan ang taong 'to.'

"Mr. Hyun." tuloy ni Ma'am.

"Yes! Thank you Lord! Promise Lord, magsisimba ako this Sunday, thank you talaga Lord." masayang sabi ni Sam. 'Gagang 'to, kailangan pang may kapalit para lang magsimba siya?' 

Tapos yun parang sira nalang siyang nakatingin sa kawalan at hindi na makausap nang matino.

"Fifi, we're in the same group." nakangiting sabi ni Lulu.

"Oo nga Lulu eh, buti nalang mga katabi ko is kilala ko na." masaya kong sabi.

At yung mga classmate ko is nagbulungan lang ng nagbulungan.

"akala ko ba..." bulong nung isa sabay tingin sa akin.

"Oo nga eh." bulong naman nung katabi niya.

"Ayaw pa siguro nila." bulong naman nung nasa harapan.

"Fifi? Lulu?" bulong naman nung nasa harapan ko.

'Ano na naman ba ang ginawa ko?'


The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now