¤ Chapter 2 ¤ The START

239K 7.3K 1.3K
                                    

¤ Chapter 2 ¤ The START

"Tapos na!" masaya kong sabi habang hawak-hawak ko ang papel. Ang papel na magbabalik ng mga nawala saakin. Ang papel kung saan nakasulat ang aking revenge plan! mwahahah (evil laugh yan ah).

Binasa ko ang sinulat ko sa papel.

My Revenge Plan

1) Transfer to another school (para lumayo kay Monique at makamove-on).

2) Make new friends (but this time, i'll make sure na yung mahahanap ko is TRUE friends).

3) I'll study harder (para mas matuwa saakin sina mama at papa kaysa kay Monique).

4) I'll find a guy na higit kay Jarred (para mainis si Monique and to show Jarred na isa lang siyang walang kwentang lalaki).

At kapag nahanap ko na ang lalaking 'yon,

5) I'll be back and make their life a living hell ( lahat nang sumira sa buhay ko, starting with Monique, Jarred, my parents for everything they done to me, my fake friends for leaving me, sisiguraduhin ko na magsisisi sila sa pang-iiwan saakin to become a friend of Monique).

Simple lang, pero sisiguruhin ko na magsisisi sila sa lahat ng ginawa nila.

 Hindi na ako makapaghihintay, kaya first step na!

"Teka ano nga yung first step?" bulong ko sa sarili ko. 'Anu ba 'yan parang hindi ako ang gumawa, nakalimutan ko na agad'. Tinignan ko nalang ulit yung papel.

" Ah transfer to another school." basa ko. 'teka, paano ako lilipat ng school? hay, bahala na nga.'

Nasabi ko nabang nasa rooftop parin ako? Hindi? Well, ngayon alam nyo na. 

Masyado akong nanghina sa pagdadrama ko kanina eh, so yun hindi na ako nakaalis dito. Hapon narin ngayon,  masyado kasi akong nahirapan sa paggawa ng revenge plan na pagkahaba-haba (note the sarcasm).

 Pababa na ako nang hagdan nang may dumating na dalawang babae sa harapan ko. Si Sheryl at si Sherly.

"Hoy!! Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap?!" naiiritang sabi ni Sheryl, ang matanda sa kambal. 

Oo kambal sila, obvious naman sa pangalan diba? Obvious na tinamad ang mga magulang sa pagpapangalan sa kanila. Kasi seriously? How stupid is that?

" Bakit niyo naman ako hinahanap?" nagtataka kong tanong. 'Bakit nila ako hahanapin? para saktan ulit?' 

Nasabi ko bang hindi lang ako kinaiinisan dito kung hindi binubully pa ako?

"Heto!!" sigaw saakin sabay tapon sa harapan ko nang isang papel ni Sherly.

"Ano naman ito?" tanong ko sabay pulot ko ng papel.

"Tanga ka ba? Edi papel!"sabi naman ni Sheryl.

"Ang ibig kong sabihin para saan ito?" malumanay kong sagot.

 Ayoko nang masaktan ngayong araw, sobra na ang emotional pain hindi na dapat madagdagan pa ng physical pain.

"Ah yan ba? Pinapabigay saiyo yan ni Principal Gomez. Iyan yung results ng test mo sa Hyun University. And unfortunately pumasa ka." bitter na sabi ni Sherly.

"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

 Para makasigurado na hindi sila nagsisinungaling tinignan ko yung nakasulat. Pangalawa ako sa pinakamataas. Yes!! siguradong matutuwa saakin sina mama at papa, ginalingan ko para sa kanila eh.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now