¤ Chapter 10 ¤ We will help you

208K 6.1K 425
                                    

¤ Chapter 10 ¤ We will help you

"Hindi kita masisisi Fia kung gusto mong gumanti." sabi ni mama ni Lulu

"Kung ganoon iha, dapat mo nang ihanda ang sarili mo...dahil hindi basta basta ang papasukin niyo." sabi naman nang papa ni Lulu.

Nagtataka kayo 'no? Nandito kami ngayon sa bahay nila Lulu at humihingi ng tulong sa parents niya. Matagal na pala akong kilala ng parents niya at alam din nila yung nangyari saakin.

 Sa totoo lang nakakatakot yung papa niya, yung mama naman niya is parang angel. Siguro nga tama yung opposite attracts 'no?

"Ano po? Ihanda ang sarili para saan?" natatakot kong tanong sa papa ni Lulu.

"Honey, huwag mong takutin si Fia. Siguradong magagalit si Ethan saatin."saway ng mama ni Lulu.

"Nakakatakot ba ako iha?" tanong saakin ng papa ni Lulu.

Oo nga pala ang walang hiyang Lulu na 'to iniwan niya akong mag-isa dito. Bago pa siya umalis tinawanan pa ako, nakakainis siya. 

One week na pala ang nakalipas nang nalaman kong hindi pala si Jarred ang taong minahal ko noon, si Lulu pala.

 Nakakalito ba? 

Ganito kasi yun, na inlove lang naman kasi ako noon kay Jarred dahil akala ko siya yung tumutulong saakin. Ngayong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung anong nangyayari saakin pero wala na akong natitirang pagmamahal sa kanya...galit nalang.

"Fia?" tanong saakin ni mama ni Lulu.

"Bakit po?" tanong ko.

"Bigla ka nalang kasing natulala eh." malungkot niyang sabi

"Ah ganun po ba? Pasensya na po, may iniisip lang po ako." nakangiti kong sabi.

"So about sa tanong ko, nakakataakot ba ako iha?" tanong ulit ng papa ni Lulu.

"Opo, masyado po kasi kayong serious eh." honest kong sabi at silang mag-asawa ay tumawa lang.

"Sabihin mo nga iha, anong pagkakaiba namin ni Ethan?" seryoso ulit niyang tanong at ako nag-isip lang.

"Kayong dalawa po ni Lulu?" tanong ko.

"Lulu?" natatawang tanong ng papa ni Lulu.

"Pagkakaiba? Parang wala naman po eh! Parehong pareho po kayo, masyadong seryoso sa buhay." sabi ko. "Ay! Teka! Opo meron po kayong pagkakaiba..." masaya kong sabi.

"Talaga? Sa lahat ng tinanong ko nang ganyan ikaw lang ang may naisip na sagot. So tell me iha, ano yung pagkakaiba namin?" nakangiti niya na ngayong sagot.

"Mas okay kayong kausap kesa sa anak niyo, at hindi kayo nakakadugo nang utak." masaya kong sabi at sila tinignan lang nila ako ng confuse.

"English kasi nang English ang anak niyo eh, nasa Pilipinas naman siya. Tuwing kausap ko siya kapag minsan hindi ko siya maintindihan! Bukod kasi sa English na, ang bilis niya pang magsalita! Laging dumudugo  ang utak ko sa kanya kapag kausap ko siya. Kaya nga minsan ayaw ko na siyang kausapin eh." honest kong sabi at sila tumawa lang.

"Pasensya na iha, hindi kasi siya masyadong marunong magtagalog. Lumaki kasi siya sa US eh." paliwanag ng mama ni Lulu.

"Hayaan mo iha, kakausapin ko siya. Sasabihin kong subukan niyang magtagalog." sabi naman nung papa ni Lulu.

"Huwag na po, para masanay po akong mag-english. Feeling ko nga tumatalino na ako eh." sabi ko.

"Ngayon alam ko na kung bakit ka nagustuhan ng anak ko." out of the blue na sabi nang mama ni Lulu. "Hindi ko alam kung bakit ka ginanyan ng mga kaibigan, pamilya at boyfriend mo." malungkot niyang sabi.

"About pala sa balak niyo ni Ethan iha, we will help you." nakangiting sabi ng papa ni Lulu. "Pero bago namin kayo tulungan ni Ethan, sigurado ka na ba sa balak mo ija?" tanong pa niya saakin.

"Actually po, ayoko naman po talagang gawin 'to eh. Pero sa tingin ko po kasi sumosobra na sila." nag-aalinlangang sabi ko.

"Sa tingin ko ija, tama ang gagawin niyo. Magsisilbi narin itong leksyon sa kanila, dapat silang matuto." sabi saakin nang papa ni Lulu. "May plano na ba kayo ija?" tanong niya saakin.

"Wala pa po." sheepish kong sabi.

"Ayos lang, ako na ang bahala. Ihanda mo nalang ang sarili mo ija."seryoso niyang sabi.

"Maghanda?" confuse kong tanong.

"Kailangan mong matutong maging masama, dahil sigurado ako kung ganyan ka kabait...masisira lahat nang paghihirapan natin." sabi pa niya.

"Paano po?" tanong ko.

"Kung kailangan mong gawing bato ang puso mo...gawin mo. Kailangan alisin mo ang awa sa puso mo, kailangan maging matigas ka." sabi niya.

"Mabuti pa iha, lumipat ka dito. Dito ka nalang tumira para matulungan ka namin ng lubos. At para hindi narin masayang ang dinecorate na room ni Ethan para sa'yo." seryoso tapos natatawang sabi nang mama ni Lulu. "And from now on tawagin mo kaming mom and dad okay? Bahagi ka na ng pamilya namin ngayon." tanong niya saakin at ako tumango lang.

"Pinagdecorate ako ng room ni Lulu?" natatawa kong sabi at si mom at dad is tumawa lang.

"Hindi mo alam kung ilang buwan niya pinag-isipan at inayos 'yon. Mahal ka talaga nang anak ko ija, sana huwag mo siyang saktan." seryoso ulit na sabi saakin ni dad at ako tumango lang.

"Pagkalipat na pagkalipat mo dito, paplanuhin na natin ang gagawin niyo." sabi saakin ni dad.

"Akala ko ba dad, ikaw na yung mag-iisip." tanong ko sa kanya tapos siya tumawa lang.

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong gawin sa kanila, kaya dapat kasama ka sa pagbuo ng mga plano." sabi niya. "Mabuti pa ngayon ka na lumipat, at mapagplanuhan na natin yan nang mas maaga." sabi pa niya.

"You're going to move here?" masayang sulpot ni Lulu.

"Lulu kabuti ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Why?" nakangiti nyang tanong.

"Bigla ka nalang sumusulpot eh." sabi ko at sila mom and dad is nagtawanan lang.

"Come on, let's get your things now." nagmamadali niyang sabi saakin.

"Excited much?" biro ko sa kanya.

"Mom, we will go now." paalam niya sa mom niya. Tapos nagyakapan lang kami bilang paalam.

"Parang hindi na tayo magkikita-kita  ulit ha?" sabi ko at sila tumawa lang.



The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon