¤ Chapter 17 ¤ Kawawa ka naman

196K 5.5K 425
                                    

¤ Chapter 17 ¤ Kawawa ka naman.

Habang nagmamaneho, halos takpan ko na ang dalawang tenga ko sa sobrang pagkarindi kina Abby at Samantha.

Wala silang ginawa kundi pag-usapan ang mga pangyayari nang mawala ako.

Sa totoo lang nakakabagot silang kasama.

"Alam mo bang sobrang nalungkot kami nang mawala ka?" tanong saakin ni Abby.

I almost scoffed aloud because of what I heard.

I smiled drily in her direction. Nalungkot kayo? Sinong linoko mo, Abby?

"Talaga?" tanong ko pa nang nakangiti.

Akala siguro niya mauuto niya ako. Sorry, but you chose the wrong target.

"Oo naman, Sophie. Malapit karin naman saamin, e." sabi naman ni Samantha.

I smiled sweetly at them. "Kaya pala nung pagkaalis ko, nagparty pa kayo sa bahay namin 'no? Oo nga, ang lungkot niyo." malambing kong sabi.

Gulat na gulat sila sa sinabi ko.

"H-Hindi Sophie, ha?" nauutal na sabi ni Abby.

Anong akala ng dalawang 'to? Hindi ko alam? Well, mali sila nang pinagsisinungalingan dahil alam ko lahat.

They can try but they can never deceive me.

"B-Bakit naman kami magpaparty nung pinaalis ka sainyo, diba? Anong klase kaming kaibigan kung ginawa namin 'yon?" sabi naman ni Samantha.

LIAR! Pare-pareho kayong lahat, mga makakapal ang mukha.

"Kung ganon hindi pala kayo yung nasa picture na pinost ni Monique sa facebook nung pagkaalis ko? Yung nagpaparty? Akala ko kayo eh, ang gaganda niyo pa naman sa picture. Ang saya-saya niyo nga e, nakakainggit." sabi ko tapos sila namutla lang. "Sino kaya yung nasa picture na kasama ni Monique?" tanong ko tapos sila wala lang kibo. "Ah, alam ko na baka na-clone kayo and the people with Monique in that party are your clones." nakangiti kong sabi.

"Sophie, kumusta pala ang buhay mo sa Hyun University?" pag-iiba nang usapan ni Samantha.

"Sa Hyun University?" tanong ko.

"Oo, marami bang gwapo doon?" tanong naman ni Abby.

"Oo napakaraming gwapo, try niyo man pumasok." sabi ko tapos sila natahimik lang.

"Oops!" sabi ko sabay takip sa bibig ko. "Hindi pala pwedeng pumasok ang hindi student ng school. In short hindi kayo makakapasok cause your IQ is too low 'no?" sabi ko at sila parang nainis sa sinabi ko.

Nakakatawa ang mga hitsura nila. Hanggang saan kaya ang itatagal nila sa pang-aasar ko? Hmm, let's see.

"Well anyway, marami pa namang school ang pwede niyong pasukan where you belong. Mga school na punung-puno ng kauri niyo, mga low class people na alam lang gawin ay magpaganda. Mga taong nakakapasa lang because sinuhulan yung teacher, and most importantly mga PLASTIC." sabi ko at sila tinignan lang ako ng masama.

Ooops! mukhang napasobra ang pang-aasar ko ha?

I know I shouldn't feel happy, pero hindi ko mapigilang maging masaya. Napakagaan nang pakiramdam ko ngayon.

Payback is a b*tch Abby and Samantha! That's what you get for being so evil.

Naaalala niyo ba kung paano niyo ako pinagtawanan noon? Instead of helping me, all you did before is laughed at me.

Ngayon ako naman ang tatawa.

"Huy, ano ba kayo? Nagbibiro lang ako, don't take it so seriously." natatawa kong sabi.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now