¤ Chapter 6 ¤ Savior

227K 6.8K 536
                                    

¤ Chapter 6 ¤ Savior

Sa wakas lunch na.

Nakakapagod ang first day ko sa school na 'to. Lalo na ang utak ko sa kakaisip ng mga sagot sa mga mystery dito sa school na'to.

Mystery 1 : Sino si EL? At ano yung tinatanong nilang relasyon namin?

Mystery 2 : Bakit parang medyo takot yung mga student dito kay Lulu?

Ugh! Hindi magtatagal mababaliw na ako dito! Ano ba kasi talaga ang nangyayari dito?

"Fia! Fia!" tawag saakin at ako liningon lang yung tumatawag.

Nga pala lunch na namin at papunta na ako ngayon sa cafeteria.

"Bakit Ces? May problema o kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.

Oo nga pala may bago akong friend dito sa school, ang pangalan niya is Princes Trinidad. Pero dahil tamad ako 'Ces' na lang . 

Kaibigan din pala siya ni Samuel, actually bestfriend nga ni Samuel eh (note the sarcasm). Ang totoo mortal na magkaaway ang dalawa, pero ewan ko at naging magkaibigan sila. Hindi ko rin sila maintindihan eh. 

"Papunta ka narin ba ng Cafeteria?" tanong niya saakin at ako tumango lang. "Sabay na tayo." nakangiti niyang sagot.

"Tara," anyaya ko.

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong niya saakin.

"Gutom na ako eh. At isa pa baka kanina pa naghihintay sa atin si Samuel doon, kawawa naman siya." honest kong sabi.

"Hayaan mong maghintay nang matagal ang baklitang 'yon. Pero hula ko hindi naman iyon maiinip na maghintay eh, dahil sigurado ako hindi naman 'yon naghihintay" sabi niya saakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Malamang nakikipaglandian na'yon sa ibang lalake 'no!" naiinis na sabi niya saakin.

"Sabagay, napansin ko nga na ang landi niya eh." natatawa kong sabi.

Pagdating namin sa Cafeteria lahat nang tao is nakatingin saamin...o saakin? Tapos nginitian nila akong lahat. Problema nang mga 'to? Nginitian ko nalang din sila, tapos kaagad kong hinanap si Samuel.

"Fia! Yu-huuu! Nandito ako!" sigaw ni Samuel mula sa kinauupuan niya at take note ha kumakaway pa.

Kaagad namin siyang pinuntahan ni Ces.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya saakin.

"Malamang katatapos palang nang klase namin diba?" sarcastic na sagot naman ni Ces.

"Hoy! Gaga ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko 'no! Huwag ka ngang sumisingit sa usapan pwede ba?" sabi niya kay Ces.

"Tama na nga 'yan, upo na kayo at nagugutom na ako." awat ko  sa kanila.

"Akala ko ba nagugutom ka?" tanong saakin ni Samuel

"Oo nga," sabi ko naman.

"Eh ba't hindi ka pa pumila 'don at umorder ng lunch mo?" tanong niya ulit.

Napatingin ako sa sinasabi niyang pila at halos manlaki ang mata ko sa sobrang haba ng mga taong nakapila.

"Mamaya na, tinatamad akong pumila eh. Ang haba kasi, mamaya nalang kapag konti nalang ang nakapila." sabi ko nalang.

"Bahala ka diyan gaga ka. Kanina ko pa kayo hinihintay para makapila na tapos pagdating mo dito tinatamad ka na?" sabi niya saakin.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now