¤ Chapter 24 ¤ Sino kaya sila?

193K 5K 219
                                    

¤ Chapter 24 ¤ Sino kaya sila?

"Sophie, we will go now. Sigurado ka bang gusto mong sumama sa boyfriend mo sa cheap na resort kaysa sa exclusive na resort na iniaalok ni Monique?" tanong ni mama.

I almost rolled my eyes. Ilang beses na kasi niyang tinanong 'yun saakin. Paulit-ulit lang?

"Okay lang po." sagot ko naman.

Kung maipagmalaki naman nila ang resort na pupuntahan nila para namang 'yon yung pinakamaganda at pinakamamahaling resort sa mundo.

I just don't want to pop their bubbles, pero pupuntahan talaga namin ni Lulu ay isa ding mamahaling resort.

Pupunta kami doon dahil inaalok sina mommy at daddy doon na mag-invest.

We'll see the resort ourselves so they can decide if they will invest or not.

Sa ngayon hindi pa alam nila mama at papa na sobrang maykaya sila Lulu. Sa totoo lang ayoko din naman na malaman nila dahil kapag nangyari 'yon siguradong uutusan nila akong gamitin si Lulu.

"Huwag niyo na po siyang tanungin mama dahil hindi rin naman po siya makakapasok sa resort. Dalawa nalang po ang masasama namin ni Jarred dahil isang kwarto nalang ang natitira." kunwaring malungkot na sabi ni Monique pero obviously sinasadya niya 'yon... yung painggitin ako sa pagpunta nila sa isang resort.

I rolled my eyes at her. Nahihibang na siya kung iniisip niya na maiinggit ako.

"Bakit ba kasi hindi mo ginagamit ang utak mo sa pagpili nang nobyo? Dapat pumili ka yung mayaman. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?" panenermon saakin ni papa.

Si Monique naman tuwang-tuwa sa naririnig. Anong meron ngayon? Bakit paulit-ulit sila?

"Ayan na po sila Jarred, oh. Ayos na po ba ang mga gamit niyo? Mag-iingat po kayo doon ha?" pag-iiba ko ng usapan.

Hindi ko kailangan ng sermon nila. Kung makasermon sila, UGH! Nakakainis talaga sila.

Tapos yun na nga sumakay na sila sa sasakyan ni Jarred.

"Akala mo Sophie matatalo mo ako nang ganoon kadali? Nagkakamali ka, dahil sisiguraduhin ko na sa bandang huli ikaw ang talunan at nag-iisa." sabi ni Monique saakin tapos sumakay na siya sa sasakyan.

"Oh Sophie? Enjoy pala sa resort na pupuntahan niyo ng boyfriend mo ha?" pang-iinis pa niya bago tuluyang umalis yung sasakyan.

Feeling naman niya maiinggit niya ako.

Pasalamat siya at hindi nakasumpong ang pagkamaldita ko ngayon kung hindi, ay naku kanina pa siya napahiya!

Kaagad akong pumasok ng bahay pagkaalis nila. I'm gonna check my things again while waiting for Lulu. Susunduin niya kasi ako sa bahay.

Hindi nagtagal narinig ko na ang busina ng sasakyan niya. Mabilis akong lumabas ng bahay para makita siya.

"Good morning baby. Ready to go?" bungad niya pagkakita saakin. Naglakad siya papalapit saakin at yinakap ako.

"Yeah." excited ko naman na sagot.

"Where's your family?" tanong niya saakin.

"Kaaalis lang nila papunta sa isang 'mamahaling resort'. " sabi ko quoting the word mamahaling resort.

He just smiled. At dinala na ang gamit ko papunta sa sasakyan.

"Your parents thought we're going to a cheap resort?" natatawa niyang tanong habang binubuksan yung passenger's seat para saakin.

Hinintay ko muna siya makasakay bago ko siya sinagot.

"Uh-huh, Monique told my parents that we're going to a cheap at panget na resort." sagot ko naman. "Anyway, saang resort pala tayo pupunta?" tanong ko.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now