¤ Chapter 15 ¤ Spotlight

189K 5.4K 141
                                    

¤ Chapter 15 ¤ Spotlight

"Sophie, thank you talaga ha?" sabi ni Abby, isa sa mga nagpahirap sa buhay ko noon dito sa school.

"Oo nga kung hindi dahil sa'yo siguradong pinatawag na ang mga parents namin kanina. Sigurado lagot ako kapag nalaman nang parents ko 'yun." sabi naman ni Samantha. Isa pa 'tong nagpahirap saakin. My ex BESTFRIEND, how sweet.

"Thank you talaga." sabi naman nung isa, hindi ko alam ang pangalan at ako naman is nginitian ko lang sila.

Siguro akala niyo timang lang ang mga ito 'no? Thank you sila nang thank you. Well, dapat lang talaga silang mag-thank you saakin 'no!

Matapos ko silang tulungan na makalusot kanina kay Mrs. Martinez.

Oo tinulungan ko sila, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil kailangan.

*FLASHBACK*

"Hindi tama ang ginawa niyo kanina, kailangan kong ipatawag ang mga magulang niyo para ipaalam ang mga kalokohang ginagawa niyo dito sa school!" galit na sigaw ni Mrs. Martinez.

Nandito kami ngayon sa Principal's Office. Sa totoo lang hindi naman ako dapat nandito, pumunta lang ako dito para makita kung paano sila magmakaawa kay Mrs. Martinez na huwag nang parusahan.

Nakakatawa sila, para silang mga batang nahuling nagnakaw ng candy sa isang store.

"Huwag na po, hindi na po namin uulitin."

"Please, don't."

"My parents will kill me if they heard about this,"

Ilan lang 'yan sa pagmamakaawa nila. Kawawa naman sila, sayang hindi na ako ang maawaing Sophia na nakilala nila noon.

I was about to go when suddenly an idea crossed my mind. Napangiti ako sa naisip.

"Mrs. Martinez, huwag niyo na pong tawagin ang parents nila." sabi ko kay Mrs. Martinez.

Ang mga classmates ko ay gulat na gulat sa kanilang narinig mula saakin. "Sa tingin ko po kasi hindi naman po nila sinasadya yung kanina, kaya huwag na po." malungkot kong sabi.

"Kasalanan ko po 'yun, para saakin naman po talaga yung mga nangyari sainyo kanina. Kasi po hanggang ngayon alam ko na galit parin sila saakin sa ginawa ko dati. Pero maniwala kayo, pinagsisisihan ko 'yun." kunwaring naiiyak kong sabi at yung mga classmates ko naman ay mukhang awang-awa saakin.

"Sorry talaga, ngayon napahamak pa kayo dahil saakin. Mrs. Martinez ako nalang po ang parusahan niyo huwag na po sila. Tatanggapin ko po kahit anong parusa ang ibigay niyo." umiiyak kong sabi.

"Tama na Sophie, pinapatawad ka na namin." sabi ni Samantha ang EX bestfriend ko.

"Oo nga Sophie, pasensya narin sa dapat naming ginawa sa'yo kanina ha?"

"I forgive you,"

Ilan lang yan sa sinabi ng mga makakapal kong classmate. Niyakap nila akong lahat maliban lang kay Monique.

Tinignan lang ako nang masama ni Monique. Oh joy, kailangan ko bang magpasalamat kasi pinatawad na nila ako?

Ang kapal talaga nila, ako pa pala ang dapat humingi nang tawad? Psh, yeah right.

*END OF FLASHBACK*

Hindi naman kaagad pumayag si Mrs Martinez kaya tinakot ko nalang siya.

*FLASHBACK*

"Sige na classmates, bumalik na kayo sa classroom at ako nalang ang makikiusap kay Mrs Martinez." sabi ko sa kanila at sila naman kaagad na sumunod sa sinabi ko at thankful na tumingin saakin.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now