¤ Chapter 13 ¤ I'm back and ready to make your life a living hell

201K 5.9K 145
                                    

¤ Chapter 13 ¤ I'm back and ready to make your life a living hell

"Fifi, take care okay? Huwag mong papayagan na saktan ka nila maliwanag? If you need help, you know who to call." paalala ni Lulu.

"Remember na every week we will have our date. Huwag mong kakalimutan ang tinuro ko sa'yong mga pang-depensa in case na saktan ka nila okay? And please be back as soon as you can okay? I'll wait for you, love." sabi niya saakin nang malungkot.

"I love you." sagot ko nalang sa kanya. I am so overwhelmed by how much he cares about me.

"I love you more." sabi naman niya sabay yakap at halik sa noo ko.

"Sige alis na ako." malungkot kong sabi sa kanya sabay kalas sa yakap. "Mom, dad and baby alis na ako." paalam ko sa parents ni Lulu at kay baby Gab.

Pagkatapos hinarapan ko ulit si Lulu "Don't miss me too much okay?" nagbibiro kong sabi at siya nginitian lang ako pero bakas sa mukha niya ang lungkot. "Lulu, don't be like that. Huwag ka ng malungkot, sandali lang 'to. Kapag natuto na sila, babalik na ako." paga-assure ko sa kanya.

"I will miss you." malungkot niyang sabi.

"Hija, sige na umalis ka na. Baka pagalitan ka pa nila kapag na late ka ng uwi." sabi naman ni mom.

"Sige po." sabi ko

"I will miss you, ate." malungkot din na sabi ni Gab

"I'll miss you too, baby." sabi ko tapos yinakap ko na sila at umalis.

While driving, I couldn't help but have second thoughts.

May mga sandali na gusto ko nalang itigil ang sasakyan at bumalik. Ayoko mang aminin ngunit nakaramdam ako ng takot.

My mind started to doubt. Kakayanin ko ba? Will I be able to do it? Hindi ko ba pagsisisihan ito sa huli?

Pero kapag naaalala ko ang lahat ng ginawa nila saakin, parang lumalakas ang loob ko. Sa lahat ng sakit na ipinaranas nila saakin, they deserve this.

"Nandito na po ako." sabi ko pagdating na pagdating ko sa impyerno ng buhay ko.

At ang magaling kong mga magulang ay hindi man lang ako tinulungan na buhatin ang mga gamit ko lalo ngayon na ang dami ko ng damit pagkatapos akong pinamili ni mom.

"Oh, nandiyan ka na pala." sabi ni mama habang nanonood ng TV. Ganon ba kasama ang hitsura ko at hindi man lang nila magawang alisin ang tingin nila sa TV?

"Pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." sabi naman ni papa.

Ano pa bang inaasahan ko sa kanila? Na yayakapin nila ako at sasabihing miss na miss nila ako? Psh, Sophie huwag ka nang umasa dahil kahit kailan hindi na sila magbabago kung hindi ka kikilos. Ngayon ko lang napagtanto na tama pala talaga ang gagawin ko.

At dahil alam kong wala naman akong maaasahan sa kanila pumasok na ako sa kwarto ko at inayos ang gamit ko. Inihanda ko ang sarili ko sa paghaharap namin ni Monique.

"Sophie anak, lumabas ka na at kakain na kayo ng parents at kapatid mo. Kasama yata ang boyfriend niya." sabi ni yaya Ising sa labas ng kwarto ko.

"Lalabas na po 'ya, salamat po." sagot ko.

Saktong paglabas ko nang papaalis pa lang si yaya, ang nag-iisang nagmamahal saakin dito sa bahay namin. Yung ekspresyon niya nang makita ako ay nakakatuwa, para siyang nakakita ng multo.

"Sophie anak? Ikaw na ba 'yan?" tanong niya saakin.

"The one and only, yaya Ising." nakangiti kong sabi sa kanya."Ang ganda ganda mo na." hindi makapaniwalang sabi niya saakin at ako tumawa lang.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon