¤ Chapter 19 ¤ Practice

177K 5.2K 172
                                    

¤ Chapter 19 ¤ Practice

"Sophie! Uuwi ka na ba? Pwede mo ba kaming isabay? Pupunta rin naman kami sainyo, e. Monique invited us." biglang sabi ni Abby.

"Pasensya na, may pupuntahan pa kasi ako eh. Sumabay nalang kayo sa iba nating clasmates" sabi ko.

"Kami lang kasing dalawa ang pupunta. Hindi kasali ang mga classmates natin." sagot naman ni Samantha.

"Ganun ba? Pasensya na talaga pero hindi talaga pwede, sumabay nalang kayo kay Monique."sabi ko ulit.

"Hindi rin kasi nagpasundo si Monique at sumabay siya kay Jarred, ang sweet nila 'no?" sabi niya saakin na parang iniinis niya ako.

Ano ba yan? Ano bang hindi nila naiintindihan sa sinabi ko? Hindi nga pwede diba? At ang lakas ng loob mong inisan pa ako ha? Ikaw na nga ang may kailangan, ikaw pa itong nang-iinis.

"Oh paano na pala kayo niyan? I hope na marunong kayong magcomute papunta saamin. Kung ayaw niyo namang magcomute, lakarin niyo nalang. Alam niyo naman ang daan diba?" nakangiti kong sabi.

"Bye, mag-iingat kayo ha?" sabi ko pa.

Bago pa sila makaangal ulit, lumabas na ako ng classroom at tumuloy na sa parking lot.

Sisimulan ko narin ang pagpapahirap sa dalawang 'yon.

Pero sa ngayon kailangan ko munang puntahan si Lulu. It's been two days since I said 'yes' to joining the pageant, and until now I wasn't able to tell Lulu the situation.

Isang linggo ko narin siyang hindi nakikita kaya naman napagdesisyunan kong dalawin siya sa bahay.

Nang makita ng butler ang sasakyan ko kaagad niyang binuksan yung pinto para makapasok ako. Kaagad akong lumabas sa kotse at tumuloy sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko nadatnan ko sina mama,papa at Gabriel sa sala at malungkot na nanonood.

"Bakit ang lungkot niyo?" tanong ko. Kaagad naman silang napatingin sa direksyon ko.

"Ate! You're back!" masayang sigaw ni Gabriel sabay takbo papunta saakin at nagpabuhat.

"Hi baby, how are you?" tanong ko sa kanya habang karga-karga ko siya.

" I miss you, ate." nanlalambing niyang sabi.

"Aw, you're so sweet." sabi ko sabay halik sa pisngi nya. "Good afternoon po mom and dad." bati ko kina mom and dad.

"Good afternoon iha." sabay nilang sabi.

"Nasaan po si Lulu?" tanong ko sa kanila.

"Malamang nagmumukmok sa loob ng kwarto niya. Naging hobby na niya yon simula nung umalis ka." sagot ni dad.

"Ah sige po, baby let's go to your kuya's room." sabi ko.

"No! I'm not going to the monster's den!" sabi niya.

"Your kuya is not a monster." natatawa kong sabi sa kanya.

"He became one, when you left the house." Sabi naman niya. "When you left, he is always angry and sad." sumbong pa niya. Tinignan ko si mom and dad at sila tumango lang.

"Sige iha, puntahan mo na siya. Palabasin mo siya sa lungga niya." sabi naman ni mom at ako tumango lang at iniwan ko si Gab dahil ayaw talaga niyang sumama.

Dahil sa sobrang laki nang bahay nila, hindi kaagad ako nakarating sa kwarto ni Lulu.

Agad akong kumatok nang sa wakas narating ko rin ang kwarto niya.

"What?!" sigaw niya mula sa loob. "I told you to never disturb me when I am in my room, right?!" sigaw pa niya.

Unti-unti kong binuksan yung kwarto niya at doon nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at malungkot.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now