¤ Chapter 25 ¤ What a Great Day

187K 5K 249
                                    

¤ Chapter 25 ¤ What a Great Day

Kaagad kaming tumuloy sa office nila Mr. and Mrs. Dela Rosa, ang owner nitong resort.

Nang malaman ko na tama ang hinala ko, inihanda ko muna yung sarili ko sa pwedeng mangyari sa oras na tumapak ako sa office at makita ulit ang mga kinamumuhian at ilan sa nagpahirap nang buhay ko.

Pagkabukas ng pinto kaagad na sumalubong saamin ang nakangiting couple. Sila na siguro si Mr. and Mrs. Dela Rosa at sa tabi nila ay ang dalawa nilang anak. Nang makita nila ako kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi nila.

"Good morning Mr. and Mrs. Hyun. Kanina pa ba kayo nandito sa resort?" bati saamin ni Mr. Dela Rosa.

"Kadarating pa lang namin kaninang konti kaya lang hinintay muna namin ang anak ko at ang girlfriend niya." sagot naman ni dad. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa nilang anak.

"Ah ganoon ba? Come in, have a sit" sabi naman ni Mrs Dela Rosa.

Pumasok na nga kami at umupo. Ang sosyal ng office nila ha? May parang sala sa gilid, sa gitna naman ay may mahogany desk.

Tinignan ko naman ang dalawa nilang anak at nang nakita nila akong nakatingin sa kanila kaagad silang namutla at nag-iwas ng tingin.

Napangiti ako sa ginawa nila. Dapat talaga silang matakot, dahil uumpisahan ko na ang pagpapahirap sa kanila. Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila lahat ng ginawa nila saakin,

"Good morning Sheryl at Sherly, long time no see. Tignan mo nga naman ang tadhana pilit tayong pinaglalapit." bati ko sa kanila.

Nabato sila sa kanilang kinauupuan. Sa sobrang pagkabigla ay hindi sila makagalaw.

(A/N: Kung hindi niyo po natatandaan. Sina Sheryl at Sherly po ang dahilan ng pagkakaospital ni Sophie sa Chapter 2. Sila yung nangbubully kay Sophie.)

"Lumipat na ulit ako sa JG Academy, hinahanap ko nga kayo dahil namiss ko kayo eh. Pero bakit wala na kayo doon?" tuglong ko pa at lalo naman silang namutla.

"Magkakilala kayo, hija?" biglang tanong nang mama nila. I smiled at them.

"Magkaibigan kayo?" tanong naman ulit niya.

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Yung nasa pinto naman nabigla nang makita ako.

"Oh Monique, Jarred tuloy kayo. Pasensya na kung hindi namin kayo nasalubong kanina. Kailangan kasi naming asikasuhin yung mga investors namin dito sa resort. Come in and meet them." sabi ni Mr. Dela Rosa sa mga tao sa pinto.

Yup, you heard that right. Monique and Jarred along with their family are here.

Sila mama at papa ay gulat na gulat nang makita ako sa loob kasama sila Lulu.

I flashed them a very big smile.

Hindi ko inaasahan na makikita ko sila dito. And by the looks of it, they never expected to see me here too.

"Sophie, what are you doing here? I thought pupunta kayo ng boyfriend mo sa isang cheap resort?" hindi makapaniwalang tanong ni mama.

I rolled my eyes at that. Hindi man lang talaga nahiyang sabihin yung 'cheap'? Dapat man lang inalis niya diba?

"Kayo po? Bakit kayo nandito? I thought you said you're going to an exclusive resort?" kunwaring nagtataka kong tanong.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon, what a great day. Pinagsama-sama pa talaga ang mga taong gusto kong pahirapan.
Kaagad naman na sumali at nakiupo saamin sila Monique at ang mga kasama nila.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now