¤ Chapter 29 ¤ Group date?

173K 4.7K 273
                                    

¤ Chapter 29 ¤ Group Date

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para mapigilan ang paghalakhak.

Kailan pa naging delivery boy si Jarred?

Oo, hindi si Jarred ang dumating kung hindi isang delivery man na may dalang boquet of roses, isang basket ng mga prutas at isang cake.

"Oh my! And sweet talaga ng Jarred ko! Nagpadeliver pa talaga siya ng mga 'to?" kinikilig na sabi ni Monique.

I rolled my eyes because of her reaction. Para yun lang kinikilig na kaagad?

Mabilis na inilahad ni Monique ang kanyang mga kamay at hinintay na ibigay sa kanya ang mga dala-dala ng kaharap.

Nawala ang ngiti niya nang biglang nagsalita ang delivery man.

"Miss Sophia Madrigal? Delivery for you, just please sign this." magalang na sabi nung delivery man at sabay lahad kay Monique ng papel na pipirmahan sa pag-aakalang para kay Monique ang delivery.

Parang nabato naman sa kahihiyan si Monique.

Hindi ko napigilan at napahalakhak ako ng malakas.

Oh my, her expression is priceless. Napakafeelingera at assume-ra kasi, kaya yan napahiya tuloy ang gaga.

Feeling naman niya gagawin yun ni Jarred. Monique sa halip na padalhan ka ng ganyan ni Jarred, bibili na muna siya ng mga luho niya sa katawan 'no!

Kaagad naman akong lumapit sa delivery boy at ngumiti.

"I'm Sophia Madrigal." sabi ko pa nang nakangiti.

"Oh..." gulat niyang sabi pagkatapos ay palipat-lipat kaming tinignan ni Monique. "Good morning ma'am, here's a delivery for you." sabi niya nang makabawi siya sa pagkabigla.

Mabilis niyang iniabot saakin ang delivery.

"Thank you, but who sent this?" tanong ko sa kanya.

"There's no name written in here ma'am, I'm sorry. But I think there's a letter for you in the flowers. So, please sign this ma'am." sabi naman niya.

Wow, ha? In fairness, englisero si kuya.

Buti nalang sanay na akong mag-english dahil lagi kong kausap si Lulu. Sa wakas, nagbunga narin ang paghihirap ko. I am so proud of myself.

"Okay, thank you." sabi ko sabay kuha nung papel at sign.

Pagkabigay ko nung papel kay kuya kaagad na siyang umalis.

Mabilis naman na lumapit saakin ang mga classmates ko at nakiusisa.

"Sophie, kanino galing? Dali, buksan na natin yung card. Basahin mo ng malakas, ha?" sabik na sabi ni Samantha.

Kinuha ko naman yung card sa boquet. Napangiti naman ako sa nakasulat.

"Uyy! Ano yung nakasulat? Parang ang saya mo, ha?" naiinis na sabi saakin ni Abby sabay kuha nang letter.

To: My Baby Princess <3

Baby, did you like it? I hope you did. I'll be there in half an hour. We will have our date, it's been a week since we dated. I miss you.

From: Lulu

"Ayieh! Ang sweet naman niya!" kinikilig na sabi nang isa kong classmate habang si Monique sumimangot lang.

Napangiti ako sa reaksyon niya. Inis na inis siya sa nangyayari.

Inisin ko nga siya lalo.

"Monique, diba magdi-date din kayo ni Jarred?" tanong ko sa kanya.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now