¤ Chapter 33 ¤ Sophie is back

149K 4.1K 67
                                    

¤ Chapter 33 ¤ Sophie is back

Pinagmasadan ko sila habang kumakain para sana maguilty ako at hindi ko na ituloy ang mga binabalak ko.

I looked at Monique and Abby. Pareho silang nakatingin ng masama kay Samantha.

Hindi ko alam pero...I can't find it in me to feel guilty.

Sinasabi ng puso ko na dapat akong maguilty dahil masama ang ginawa ko.

Pero ang utak ko naman pilit na sinasabi na hindi dapat.

They didn't feel any remorse after everything they did to me. So why should I feel guilty? Mas higit ang ginawa nila sa akin noon pero hindi sila na-guilty, kaya bakit ako magi-guilty ngayon?

See?

Pareho silang may point diba?

Pero siguro dahil hindi parin humuhupa ang galit ko kaya mas pinakikinggan ko ang utak ko.

Siguro nga kahit ilang beses ko isaksak sa utak at puso ko na patawarin na sila, hindi ko parin magawa at hindi parin ako makalimot.

Ang mga classmates ko?

Alam ko nagbago na ang turing at pakikitungo nila saakin. Pero alam ko hindi iyon dahil sa nakita na nila ang pagkakamali nila kung hindi dahil nakakakuha sila ng benefits mula saakin.

Si Samantha?

Kahit na alam kong nagbabago na siya hindi ko parin maalis ang galit ko.

Bakit? Ngayon bang nabuksan na ang mga mata niya sa tama at mali mababawi na ba niya lahat ng sakit at pagdudusang idinulot niya saakin?

Hindi diba? Wala na siyang magagawa. Hindi na niya mababawi lahat ng ginawa niya sa aking masasakit.

Ilang beses ko na ba silang binigyan ng pagkakataon? Ilang beses na ba nila akong sinaktan, binigo at pinaasa?

Akala ko kapag naging mabait ako sa kanila makikita na nila ang kamalian nila at magbabago na sila.

Hindi parin pala.

And as for my demonyita sister, Monique?

Kahit yata anong pagpapahirap at pagpapahiyang gawin ko sa kanya hindi parin siya magbabago. Siguro kailangan ko pang dagdagan ang effort ko 'no?

Tsk, tsk, tsk I need to step up my level sa game na'to. Kailangan siguro lalo silang mahirapan para magtino.

And as for my classmates? Kailangan ko pa sila sigurong turuan ng leksyon para talagang matuto na sila. Aaminin ko, masyado akong naging magaan at mabait sa kanila.

Well for Monique naman siguradong matagal-tagal pa bago siya matuto.

Si Samantha? Kailangan ko pa siyang pahirapan ng konti kahit na nagbago na siya. Para naman kahit papaano maramdaman niya ang pinaramdam niya saakin noon.

Napangisi ako nang makita ko silang sarap na sarap sa kinakain nila. At nang unti-unting nagbago ang ekspresyon nila. Mula sa masaya at hanggang sa hindi na maipinta ang mukha nila.

"Ma'am ang sakit ng tiyan ko..,"

"Ako rin po Ma'am!"

"Sobrang sakit po,"

Sunud-sunod na dumaing sa sakit ang mga classmates ko.

Tinignan ko si Monique, at ang gaga pinagpapawisan sa sobrang sakit.

At nang magtagpo ang aming mga mata, binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti.

How does it feel my dearest sister? Anong pakiramdam ng nahulog sa sariling bitag?

I looked at all of them.

Kumapit na kayong lahat, dahil ang Sophie na uhaw sa katarungan ay nagbalik na. At sisiguraduhin kong itutuwid ko ang mga baluktot niyong pag-uugali.

Gaya ng plano ko noon, ang pagkakaiba nga lang ngayon ay hindi ko na kayo kaaawaan at hindi na ako magpapakita ng kabaitan.

Sisiguraduhin ko na sa huli, ako ang nakatayo at panalo dito.

Let the game start ...again.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon