CHAPTER 42 The Sweetest Reveal

111 3 0
                                    

SHAMY's POV

"Thank you so much. I hope everything's will be clear now. Contact me if my statement doesn't satisfy you."

Sabi ni Brennah dun sa taga media via Skype.

"Oh ano okey na raw?"

"Oo Shamy, ilalabas daw nila ang statement ngayon din!"

"Yeehey! Thank you talaga Brennah. Salamat! Salamat! Salamat!"

Sabi ko sabay yakap sa kanya. Talagang ang saya-saya ko! Woohoo!

"Ano ka ba wala yon noh."

"Mama, mamam."

Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya kasi may lumapit na bata sa amin. Ay ang cute, ito ba ang panganay niya? Parang kakagising palang nito hehe.

"Okey baby, just stay here to your tita Shamy ha? I'll get some. Mwaah!"

Matapos niyan binuhat ko ang bata. Woohoo ang bigat niya. Mga two years old palang siguro to pero medyo malaki na, hehehe.

"Hello baby, ang cute cute mo naman."

*chup chup*

Wahaha hinalikan niya ako sa magkabilang pisnge. Ang sweet.

"Hehehe, ang good boy mo naman."

"Mukhang gusto ka niya ah."

Sabi ni Brennah habang dala-dala yong tinimpla nyang gatas.

"Ah hehe, parang ganon na nga. Pero teka asan yong baby mo?"

"Andun sa papa niya, pinansyal niya dun sa labas, hehe."

"Ay talaga? Sana naman ma abutan ko sila para makita ko ang baby mo tapos ma meet narin ang asawa mo hehe."

"Ha?!! Uhm, oo nga ehehe..."

"Mahal andito na kami-AHHHHH!!!"

Pagtingin ko sa nagsalita ay OMG! O_O

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"AHHHH!!! STEFFON!!? IKAW!!? KAYONG DALAWA!!?"

Ngumiwi lang siya tapos nag peace sign. Ang lokong to! Siya pala ang asawa ni Brennah! Si Steffon as in Steffon Jeamnad! Abay matindi!

Kaya pala madalas siyang mag absent dati! Kaya pala sobrang close sila! Kaya pala nung nabangga ko siya sa mall, puro mga pang babies ang binili niya!

Tsk ano ba ang pumasok sa utak niya at bakit nilihim sakin? Akala ko single pa siya eh.

Umupo siya sa tabi ni Brennah habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila na parang naguguluhan. ?_?

Ang mga bata naman kinuha ng yaya para ipasok sa kwarto. Ang cute pa naman ng baby nila, kaya lang wala pa ako sa mood para makipagharutan sa kanya. -_-

"Sorry Shamy kung hindi namin sinabi kagad. Komplikado kasi eh. Pag nalaman nila na nabuntis ko si Brennah na hindi naman kami kasal, sobrang mapapahiya kami at mapapatalsik pa sa serbisyo."

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon