CHAPTER 21 The Weirdo

177 1 0
                                    

Shamy's House

SHAMY's POV

Ang lakas talaga maka nega ng lalaking yon! Kala mo kung sino eh kagabi lang nga kami nagkabati inaalaska na naman ako, hmnf.

"Hoy babae bakit badtrip kana naman dyan?"

"Aba at nagtanong ka pa?"

"Hay nako parang binibiro ka lang eh bilis mo namang magtampo."

"Ka aga-aga kasi nang aasar ka! Kawawa naman ako binigyan ng panget na flowers. Che!"

"Kita mo to parang bata. Sorry na ok? Maganda na mga flowers oh ang cute-cute."

"Hmnf, ewan ko sayo!"

Umirap lang ako tapos nag pout. 

RACKY's POV

Cry baby pala ang babaeng to, pero infairness, ang cute niya.

Naalala ko, may binili pala akong bracelet para sa kanya. Nakita ko to sa bangketa kanina eh, hehehe. De joke sa isang jewelry shop ko talaga binili to mahal nga eh pero okey lang binigyan naman niya ako ng damit so di naman pwede na wala rin akong ibibigay sa kanya diba?

"Aba at nag tampo. Oh, peace offering ko."

Sabi ko sabay abot ng bracelet.

"Waaah? Ano to?"

Tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Bracelet yan di mo ba nakikita?"

Asar ko sa kanya. Alam naman niyang bracelet nagtanong pa? Hahaha.

"Syempre nakikita! Psh pilosopo ka talaga!"

Sabi niya sabay hablot ng bracelet tapos tinignan niya ng maigi. Naduduling pa nga siya hahaha. Spell cute? S-H-A-M-Y.

"Oh nagustuhan mo?"

Tanong ko.

"Hmmn, okey apology accepted."

Bigla syang tumayo sa sofa at tumakbo pa kusina.

Abay hindi manlang nagpasalamat!?

"Salamat ah? Salamat talaga ng marami!"

Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Walang anuman!"

Sigaw niya. Tsk, iniinis talaga ako nito. Ni hindi manlang siya natuwa sa regalo ko!

*brrrrrpp*

Hay nako gutom na ako, makakain nga ng dala ko.

SHAMY's POV

Wahahaha! Ang cute naman neto, color pink saka mga flowers ang design. Sinuot ko na, yehehe i love it.

Binuksan ko na ang ref at namili ng foods, gutom na kasi ako eh.

Vanilla cake, milk and apple. My numnum breakfast yehehe.

Bumalik na ako sa sala kung san nandun si Racky, pero habang papalapit ako dun, may naamoy akong mabaho.

"Hoy Racky ano ba ang mabaho na yan!?"

Sigaw ko habang papalapit sa kanya.

"Naka loudspeak ka ba? Dalawa lang naman tayo rito at ang tahimik pa tapos sumisigaw ka pa?"

Sabi niya. Mukhang napikon si boy suka ah hehehe.

"Ah hehe, pasensya."

Nilagay ko na food ko sa table tapos umupo sa sofa.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon