CHAPTER 35 The Divulge

205 3 0
                                    

SHAMY's POV

Matapos ng GGV eh nagpalit kagad si Racky ng t-shirt kasi basa na ng pawis eh. Ganyan kasi talaga siya eh pawisin parang bata hehe.

Kakatapos lang naming magpapicture sa mga fans. Grabe may na formulate na kagad silang loveteam. RASHA with love, pinagsamang pangalan namin ni Racky. Cute naman diba? Hehehe.

Sikat syang celebrity, tinitingala, mayaman, gwapo pero parang magtreat siya sa mga fans niya rito, tropa lang niya o kapatid. Ang bait niya talaga. Kung noon hinahangaan ko siya dahil sa kagwapohan at talent nya, ngayon dahil na sa kabaitan nya.

Kung sa TV eh nakikita natin na mayabang siya umasta syempre hiphop eh dapat astig talaga sila, pero sa totoong buhay pala, simple lang siya at very down to earth.

Except sa palagi niyang pinagyayabang na gwapo siya haha.

Kasalukuyang naglalakad kami nina Racky at Chris palabas ng studio. Salamat naman at natapos ang gabing ito. Sa totoo lang kinakabahan talaga ako kanina sa stage, pero slight lang naman na handle ko naman ang kaba na un.

"SHHAAAMMY SANDALI!"

May narinig akong sumigaw ng pangalan ko kaya lumingon ako, napalingon din yong dalawang kasama ko.

Tatlong mga babae ang nagtatatakbo papalapit sakin, Tapos may bitbit silang tarpaulin ang nakalagay RACKYLOVERS. Te-teka fans club ko to dati ah.

Nung nakalapit na sila sakin, Namukhaan ko sila kagad!

"Meilyn? Vem? Glenda?"

Sabi ko sabay tinignan silang isa-isa.

"YES KAMI NGA! AHH."

Sigaw nila sabay akap sakin.

"Ang tagal nating di nagkita ah na miss ko kayo!"

Sabi ko habang ka group hug sila.

"Sobrang na miss karin namin Shamy!" - Meilyn

"Simula kasi nung bumagsak ka sa board di kana nagpakita o nagparamdam manlang samin!!" - Vem

Talagang pinanlandakan niya na bumagsak ako ha. Medyo narinig ko rin ang mahinang tawa ni Racky. Napayuko tuloy ako at napakamot sa ulo.

Kung naging matapang lang sana ako noon edi sana nakasama ko pa sila. Alam nyo kasi simula nung break up namin ni Miler eh pinili kong mapag-isa nalang. Iniiwasan ko sila kasi ayokong kaawaan nila ako at saka nahihiya ako sa kanila.

Kaya nung natapos ang board exam namin, lumayo na ako nang tuluyan. Nag change ako ng sim card tapos di ko na inopen facebook ko. Parang ayoko lang ulit maging open sa lahat at para makamove on narin sa nangyari sakin. Nadala narin siguro ng depression tapos nung bumagsak ako sa board, dun na ako natauhan. Ang sabi ko sinisira ko ang pangarap ko para sa mga boyset na lalaki. Kaya ayon bumawi ako sa pangalawang pagkakataon. Di naman sa   pagmamayabang pero mataas ang nakuha kong rating hehe. Kaya nga siguro ako natanggap sa Philiamor High, alam niyo na highclass ang school na yon.

"Ahh kasi alam nyo naman ang nangyari sakin diba?"

"Oo nga naintindihan kanaman namin. At ngayon talagang nagulat kami kasi kasama mo na ang one and only idol mo!" - Glenda

Waaah! Lagot na mabubuko ako!! Ba't di ko to naisip kagad? Puro nalang kasi ako Miler eh yan tuloy! Haist bakit ang hirap kalimutan ng g*go na yon!

Tumingin ako kay Chris nagnod lang siya tapos nagsmile. Kinuwento ko na kasi sa kanya na fangirl ako ni Racky dati kaya alam na nya; pero hindi naman lahat ng details, yong fangirl thingy lang talaga.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon