CHAPTER 50 The Face Up

116 3 0
                                    

RACKY's POV

"Oy sino nagtapon ng I.D dito sa basurahan!?"

Sabi ni Vem tanong niya dun kina Meilyn at Glenda. Nag uusap kasi sila sa likuran namin kaya nadidinig ko. Kukuha lang ng pagkain eh ang iingay pa noh?

"Patingin nga." - Meilyn

"Exemplar guitar school.... School owner Mike Tyler Pretta."

Sabi ni Meilyn. Hay nako nakita pala nila sa basurahan ang I.D ng mayabang na yon! Nabadtrip tuloy ako! Sh*t!

"TEKA ANONG SABI MO MIKE TYLER PRETTA!!? Eh diba si Miler yan!? Pano napunta yan dito!?"

Gulat na tanong ni Glenda. Pero teka ano raw si MILER!??

"Oo nga noh? Eh baka nagkita na sila ni Shamy?"

Pagkarinig ko niyan agad akong tumayo at humarap sa kanilang tatlo.

"Anong ibig nyong sabihin na baka nagkita na sila ni Shamy? Sino bang tinutukoy nyo?"

Tanong ko na mukhang nagtataka na kinakabahan na ewan.

"Si Miler kasi diba paano mapupunta ang I.D nya dito kung wala silang connection. Diba?" - Vem

"So it is really possible na baka, nagkita na ulit sila." - Glenda

"Agree ako dyan!" - Meilyn

"Ibig sabihin ang Mike Tyler na yan at ang ex ni Shamy na si Miler ay iisa!?"

Tanong ko na para bang naglalaban ang kaba at gulat sa dibdib ko!

"OO!"

Sabi nila kaya nanlaki ang mata ko bigla! Kaya pala ganun nalang ang trato nya sakin kasi sya pala yun! Lintik kailangan ko syang makausap! SOBRA!

"Mga labs wag niyo munang ipapaalam kay Shamy ang tungkol dito ha? Kailangan ko lang umalis!"

"Oh brad san ka pupunta!?"

Tanong ni Chris.

"Saglit lang ako! Promise!"

Sabi ko. Lumabas ako ng bahay tapos sumakay ng kotse.

Lintik siya pala si Miler!? Bakit kaya di siya nagpakilala? Bakit kaya siya nagtatago? Niligtas niya kami tapos di naman pala siya magpapakita! May balak ba siyang maging superhero? Ang tindi ha!

Miler's House

*diiing dooong*

Nagdoorbell ako tapos di katagalan eh pinagbuksan ako ng isang babae. Mama niya siguro to.

"Ano pong kailangan nila?"

Tanong niya. Yeah hindi niya ako namukhaan may disguise ako eh.

"Uhm magandang hapon po. Andyan po ba si Miler?"

"Nako kakaalis lang niya hijo."

"Po? Eh san daw ba nagpunta?"

"Sa airpont kasi pupunta siyang Thailand."

"Ano po sa Thailand!!? Bakit ano po bang gagawin niya dun!!?"

O_o

"Magbabakasyon kasi alam mo heart broken yon. May iba na raw kasi ang babaeng mahal niya."

"Ano!? Eh sino ba yung babae na yon!?"

"Yong dating girlfriend niya Shamy ata ang pangalan."

"PO!!?"

Sigaw ko. HALA NALOKO NA!

Dali-dali akong pumasok sa kotse pero bago yan syempre nagpaalam muna ako sa kanya. Parang naguluhan nga sa reaksyon ko.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon