CHAPTER 27 The Kiss

176 3 0
                                    

+KINAUMAGAHAN+

Racky's House

SHAMY's POV

TIME CHECK: 7:00AM

Oh umaga na pala, napasarap ang tulog ko ha.

Bumaba ako sa ilalim para kumain at tulad ng inaasahan ko, nakita ko na naman si Racky na nakaupo habang natutulog sa sofa tapos may headset sa tenga. Try niya sigurong matulog ng nakahiga noh? Hehehe.

Tuwing umaga, ito palagi ang eksenang nakikita ko. Maraming notebook sa mesa, maraming papel na nakakalat at mga librong naka buklat.

Ma aga syang gumigising kasi nagsusulat siya ng mga lyrics at nag aaral ng mga kung ano-ano.

Kaya ako tudo ligpit naman ng mga ito. Halos puno na nga mga notebook niya sa kakasulat. Ito siguro ang rason kung ba't matalino sya; parang di kasi siya na uubusan ng ideas sa utak. At infairness sa kanya ha ang ganda ng handwriting niya hehehe.

Matapos kong ligpitin ang mga gamit.

Napatingin ako kay Racky na parang sarap na sarap parin sa pagkakatulog.

Di ko maiwasang mapatitig sa kanya kaya nilapitan ko nalang siya para matignan ng malapitan hehehe.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya, yehehehe. Bakit parang anghel siya pag natutulog? Ang bait-bait talaga ng mukha nya, parang inosenteng bata.

"Racky ba't ang gwapo mo?"

Bulong ko sa kanya.

Ang gwapo talaga oh. Pangalawang beses ko na syang natitigan ng ganito kalapit.

"Ang swerte ng babaeng magugustuhan mo."

Bulong ko ulit.

*yawn*

Waaah! Gumalaw siya bigla tapos nag yawn at unti-unti nyang dinidilat ang mga mata nya.

Nako pano to? Hindi niya naman ako narinig diba?

Tumayo ako bigla. Parang praning lang ako kasi hindi ko magawang maglakad, feeling ko napako ako sa kinatatayuan ko huhuhu.

"Oh Shamy, kanina kapa ba dyan?"

"Ha? Uhm, hindi, bago lang."

Tumayo siya sabay kuha ng headset sa ulo nya. OW EM ba't ganito ang nararamdaman ko, di ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Oh ba't namumula ka? May lagnat ka ba?"

Hinawakan niya ako sa noo tapos sa leeg, waaah! Tama na baka lalo akong mamula!

"Ha? Ako? Wala yan, uhm niligpit ko na pala mga gamit mo. Andon na sa drawer."

Iniba ko nalang ang usapan, wahaha!

"Hehe, salamat ha? Palagi mo nalang ginagawa yan."

Nagsmile siya sakin.

"La un."

Nagsmile din ako, syempre hehehe.

"Kain na tayo?"

Paanyaya nya.

"Ok sige."

Di parin ako makapaniwalang kasama ko na ang pinapangarap ko lang dati.

Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na ang pinggan. Ito ang naka toka sakin eh, hehe. samantalang si Racky naman, nagwawalis. Parang magkapatid lang kami noh? Pero alam nyo, di naman kami madalas nag-uusap dito. Marami kasi syang ginagawa kaya ako naman nasa kwarto lang, tapos siya andito sa sala.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon