CHAPTER 8 The Remembrance

150 1 0
  • Dedicated kay Mhemie Reyn Upanto
                                    

Deux Crown Hotel

RACKY's POV

At yan ang nangyari. Oh ngayon kilala nyo na sya? Hindi ko nga siya maintindihan kung bakit siya nagrerebelde pero ang alam ko lang masama syang babae, pero hindi pa dyan nagtatapos ang ginawa nya.

May picture pala kami na kinunan niya nung gabi nayon at inupload niya sa facebook pagkatapos ko syang bastedin. Buti nalang at walang naniwala at hindi masyadong lumaki ang issue kasi nag explain ako kagad na edited lang yon! Malabo kasi ang kuha kaya naniwala naman agad ang mga tao.

Pagkatapos nun, nawala na sya. At wala na akong balita sa kanya. Inilayo raw siya ng parents niya sakin para tumigil na sya.

Mas mabuti na nga yong lumayo sya! Balak niya talagang sirain ang career ko tapos ngayon malaman laman ko na nagka-anak kami! Sabi ni Papa. Narinig daw niya kasi na nag-uusap ang parents ni Dayne. Psh in her dreams! Hindi talaga ako naniniwalang may nangyari samin! At malay ko ba sa ibang lalake yong anak niya at sinasabi niya lang na sakin! Hmnf. Kaya nga dapat mahanap ko sya! Mahirap na diba?!

TIME CHECK 5:30PM

Mag gagabi na pala ang boring talaga rito sa hotel. Nakakatamad manood ng TV tapos manood ng movie. Hmnf, soundtrip nalang muna ako.

Now Playing...

Midas - Abra

Ang galing talagang magrap ni Abra oh. Isa rin to sa mga baguhan sa RBT eh na nakitaan ko ng potential. Baka siya na nga susunod sa yapak ko eh.

Lalalala. Teka... May wifi pala ang hotel nato ah, haha. Makapag online nga, matagal narin kasi na hindi nako nakapag open ng sarili kong fanpage eh. Ang manager ko kasi talaga ang admin diyan, busy ako lagi eh.

Shamy's House

SHAMY's POV

Kamusta naman ang araw na to? Nakakastress talaga nangyari sakin kaya ito nakahiga at nagpaparelax dito sa kwarto ko. I promised to myself that Racky would never be a part of my life again! Pero ano to? Pinaglalaruan ba talaga ako ng universe? Hayyyy di ko maintindihan kung dapat maging masaya ba ako o hindi. Pero alam nyo parang wala na akong may nararamdaman sa kanya na something special ba. Oo nagagwapohan ako sa kanya at parang bumibilis tibok ng puso ko kapag may ginagawa syang ka sweetan pero normal lang naman yon ah, diba? Ganon talaga eh, celebrity ba naman kaharap mo di ka kakabahan?

Napaupo ako sa kama tapos naalala ko yung ibang conversation namin kanina.

*"Bakit kaw pa nagbayad eh may pera naman ako at saka 500 talaga binigay mo ang laki nun ha!"

"Okey lang yon sige na."

Sabi niya sabay gulo ng buhok ko, kaya napatulala ako. Hinawakan niya ang ulo ko!? HUH!?*

* "Salamat. Saka manong dahan-dahan lang sa pag da drive ha?"

"Areglado sir, wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala sa nobya niyo, hehe."

Aba loko tong si manong!

"Manong hindi ko/"

Magpapaliwanag sana ako kaso di ko natuloy kasi biglang nagsalita si Racky.

"Aasahan ko yan, bye babes."

Sabi niya sakin! Waah! Nakakainis talaga siya! Babes daw? Psh! ASA!*

Hahaha, kahit nakakaasar siya, nakakakikig naman. *^_^*

*dug dug dug dug*

"HAAAY ANO BA YAN!"

Sabi ko sabay higa sa kama.

"Hindi ka pwedeng ma inlove sa kanya Shamy! Gusto mo bang masaktan ulit?"

*tok tok tok*

"Nak?"

"Ahh pasok po nay."

"Nak sayo ba ang box nato? Nakita ko dun sa loob ng lumang ref natin sa stock room."

"Ah opo nay, akin na po."

"Sige nak, mukhang importante yan ha. Sa sala lang ako nak. Labas ka nalang kung nakapagpahinga kana."

"Ok po nay, thank you."

Sabay kiss sa kanya.

Hindi ko pa pala natapon mga to. Curious kayo kung ano ang laman ng box nato noh?

Color pink siya na may mga designs na maliit na red hearts. At ang laman niya ay tantananan; puro Racky! Magazines, Song hits, albums, mga pictures nya, ballers na may naka imprint na RACKYNATICS, t-shirts, whip cap ng RBT (Rap Battle Tournament) at mga kung ano-ano pa basta related sa kanya. Lahat ng ito binili ko dati.

Hindi ko na napigilan, naiyak na ako.

Naalala ko lang yung panahon na nag break kami ni Miler dahil sa pagka-obsess ko kay Racky. Yung mga panahon kung saan, minahal ko ang isang celebrity at initsapwera ang sarili kong boyfriend. Ang tanga diba? :-(

Nalungkot tuloy ako ng nakita ko mga to. Kamusta na kaya siya? Iniisip din kaya niya ako? Si Miler ang tinutukoy ko ha? Hindi si Racky! AAAARGH!

"Haist tama na nga ang drama. Wala na yon okay? Move on na!"

Sabi ko sa sarili habang pinapahiran ang mga luha ko.

Ang box nilagay ko sa ilalim ng kama; pano ba naman ang laki!

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon