CHAPTER 13 The Pain

142 1 0
                                    

Robinsons's

Foodcourt

SHAMY's POV

"Sana sinabi mo kagad na substitute teacher ka pa LANG para di na ako nag-aksaya ng panahong makipag-usap sayo! Eh di mo naman pala ako matutulungan eh walang kwenta!"

Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko pero may pwersa ang pagkakabitaw niya.

moment of silence

.

.

.

.

.

.

"A-anong sinabi mo?" O_o

"Sa-Shamy sorry, di ko sinasadya, nabigla lang ako."

"Sa kabila ng lahat ng effort ko na samahan at tulungan ka, ito pa ang igaganti mo?!! Ano ba ang tingin mo sakin ha? Slut?!! Bastos ka wala kang respeto!"

Sabi ko na parang pinipigilan ang pag-iyak. Di dapat ako umiyak, hindi talaga! Si Racky lang yan! Wala lang yan.

"Makinig kanaman muna kasi!"

"Sige magsalita ka!"

"Oo inaamin ko! Nung nalaman ko na teacher ka, naisip ko na ikaw lang ang makakatulong sakin, kaya kinuha ko ang loob mo. Tapos ngayon, na dismaya ako nung sinabi mo na di binigay sayo ang phone directory kasi sub ka palang/"

"Kitams? Ede lumabas din ang tunay na kulay mo! Akala mo ba lahat ng tao mapapaikot mo dahil sikat ka? Pwes ako hindi."

"Hindi kita pinaikot Shamy! Sa konting panahon na magkasama tayo, napalapit kana sakin! Maniwala ka."

"Tanga lang ang maniniwala sayo! Kaya pwede ba tigilan mo na ang pagkukunwaring mabait dahil buking ka na!"

"Teka/"

" Kinaibigan mo lang ako dahil malaki ang pakinabang mo sakin. At ngayon na wala na akong kwenta, itatapon mo nalang na parang basura!"

"Hindi totoo yan!"

"Ows? Di ka ba natatakot na baka mamula ang ilong mo tulad ni Honesto? o humaba tulad ng kay Pinocchio? Kaya tama na ang pagsisinungaling!"

"Sincere ako/"

Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Bitawan moko! *plaakk* FAKER!"

Sabi ko sabay sampal sa kanya.

"Faker? Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?!!"

"Nung una hindi, pero ngayon OO!"

"Nag sorry na nga ako diba? Ano pa bang gusto mo?!!"

"Ano ang gusto ko? Simple lang, na malaman kung bakit ganyan kayo! Kung pano niyo nagagawa na gamitin ang kasikatan para makapangbastos ng kapwa, hindi ka ba kinikilabutan?!! Kung di naman dahil samin di kayo makikilala eh, pero bakit di kayo marunong mag appreciate ng mga tao sa paligid niyo?!! Ang alam niyo lang ang mag take advantage! Pano nalang kaya pag nalaman ng mga fans mo ang tunay na ugali mo?!!"

"Diba sabi ko kanina nabigla lang ako?!! Hindi ka ba nakakaintindi nun?"

"Ahh, so ganyan ka pala pag nabibigla, nagiging war freak tapos nagiging bastos?! Aba, at proud ka pa na ipakita ang kalapastanganan ng ugali mo ha?!! Yan ba ang natutunan mo sa ipinagyayabang mong KASIKATAN?!!"

"WAG MO AKONG PAGSASALITAAN NG GANYAN DAHIL WALA KANG ALAM!"

Sabi niya sabay tingin ng masama sakin. Nagulat naman ako kasi lumakas ang boses niya.

Ano to? Siya pa ang may ganang magalit ngayon?

"Bakit may alam karin ba sa buhay ko at nagawa mo akong bastusin?!! Wala naman diba?!! So ngayon alam mo na ang pakiramdam ng binabastos!"

Sabi ko sabay talikod, at dun na tumulo ang luha ko.

Nag walk out na ako.

Lumalakad ako papalayo sa kanya habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon