CHAPTER 55 Kislap

100 3 0
                                    

Third Person

"Oh, Shamy, ready ka na ba? Aalis na tayo maya-maya."

Tanong sa kanya ni Brennah habang napasilip ito sa kanya sa kwarto. Nandito pa rin sila sa beach resort nina Racky at naghahanda na silang umalis para sa flight nila pabalik sa probinsya.

"Opo Brennah tapos na akong magligpit palabas na rin ako."

"Sige antayin ka nalang namin sa labas."

Tamang-tama nung nasa labas na si Shamy ng kwarto ay bigla namang dumating si Miler na sumalubong ng ngiti sa kanya pero bakas sa mga mata nito ang kalungkutan.

"Oh hi hon!"

Masiglang bati sa kanya ni Shamy.

"Tulungan na kita."

Agad namang kinuha ni Miler ang maleta sa pagkakahawak ng dalaga.

"Salamat, hon."

"Ah Shamy... Siguro hindi na kita mahahatid sa airport ha."

Malungkot na sambit si Miler at agad namang napatigil si Shamy.

"Ha? Bakit? Akala ko ikaw ang maghahatid samin? May emergency ba?"

Hinarap ng binata ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Huwag na nating lukohin ang mga sarili natin, Shamy."

Napakunot naman ng noo si Shamy sa kanyang narinig.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Kahit hindi mo pa sabihin sa akin pero kitang-kita ko kung sino talaga ang mahal mo. Saka malabo rin naman yung pagbabalikan natin eh, diba? Kasi never mong sinabi na mahal mo pa ako. Naging tayo lang bigla nung gabi na yun siguro nadala na rin sa pressure ng mga tao sa paligid natin. Masakit man sakin pero kailangan ko tong tanggapin. At Shamy hindi na rin tayo mga bata pa. Dapat kung saan masaya yung taong mahal mo ay kailangan mong suportahan. Kaya Shamy, I'm setting you free."

Napaluha na lamang si Shamy sa kanyang narinig. Tama nga siya... Dahil sa ayaw niyang mapahiya si Miler ay pumayag siya agad na maging sila nung gabi na yun at gusto niya rin sanang subukan kung magw-work ba sila pero sadyang hindi niya talaga maitatago ang tunay niyang nararamdaman. Masama man sa loob niya na iwanan si Miler pero masaya pa rin siya dahil nagkita ulit sila at natanggap niya na ang matagal niya nang hinihiling na closure. Siguro ay ito lang talaga ang kailangan nilang dalawa.

Napa-akap nalang si Shamy sa kanya sabat sambit ng, "Salamat, Miler. Masaya ako na nagkasama tayong muli."

"Ako rin, Shamy. Hangad ko ang kasiyahan mo. Sa muli nating pagkikita."

Papasok na sana si Racky sa loob ng tinuluyan nina Shamy kaso nung nakita niya ang dalawa na nagyayakapan ay bigla siyang napa-atras.

***

Nang lumabas na sina Shamy at Miler galing sa loob ay sumalubong na sa kanila ang isang van habang nag-aantay sa labas nito ang mag-asawa kasama si Racky na naghahanda na ring magpaalam kay Shamy.

"Ano Racky, aalis na ako. Salamat sa lahat-lahat ah! Abangan ko mga shows mo hehe."

Paalam ni Shamy sa binata, pinipilit ang sarili na ngumiti kahit alam nito na ito na marahil ang huling sandali na makakausap ang rapper.

"Salamat din sa lahat, ma'am! Ingat ka sa biyahe. Tunugan kita pag may guesting ako."

Masayang tugon naman ni Racky.

At iyon nga pinagmasdan lang niya ang sasakyan na papalayo sa kanyang kinatatayuan.

"Oh ano tutunganga ka na lang ba diyan?"

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon