CHAPTER 47 The True Friendships

50 3 0
                                    

+ONE WEEK LATER+

September 05, 2014 (Friday)

TIME CHECK 8:00AM

Press Conference

SHAMY's POV

Nasa loob kami ng isang hall which is ang makakapasok lang ay ang mga registered media reporters. Bawal ang mga ordinaryong tao kasi baka manggulo lang daw sila, pero may live telecast naman ito sa ibang TV stations.

Chris Shamy Racky Charie

Yan ang posisyon namin dito sa hot seat thingy. Nasa taas kami ng stage; naka upo sa silya tapos may malaking table sa harapan namin. Dyan sa table nakapatong ang tig iisang microphone namin tapos mineral water. Tapos sa ilalim ng stage, may mga upuan para sa mga taga media.

Ang sabi ng coordinator kanina, parang eksena raw sa classroom ang mangyayari. Magre-raise ng kamay ang mga reporters tapos kami ang mamimili kung sino ang gusto naming magtanong; tapos ang napili naman namin ay pipili rin ng tatanungin sa amin. Get's niyo? Hehehe. Pero hindi na namin pwedeng piliin ang napili na namin para raw ma accomodate naman ang iba. Thirty minutes lang tatakbo ang press con, sana naman hindi kami mahirapan sa pagsagot. Ang sabi ni Racky be natural lang daw! Haist sana nga makapag-isip pa ako ng tama!

Hay nako kinakabahan ako. Ako kasi eh, bakit nangako pa ako ng press con, napasubo kami tuloy.

Mga ilang segundo lang mag-uumpisa na ang interview portion. Naghahanda narin ang mga reporters sa harapan namin. Ang dami nila ha, ito kasi talaga ang inaabangan ng mga taga media eh.

"Sana pagkatapos nito, magiging maayos na ang lahat."

Sabi ni Chris na may halong kaba at pag-aalala.

Nakalabas na siya ng hospital pero hindi pa magaling ang tama ng bala, kaya nga may benda pa siya sa kanang kamay.

"Wag kang mag-alala, nandito lang kami."

Sabi ko sa kanya, pero napatingin lang siya kay Charie na seryosong nag-iisip.

Ramdam ko na natatakot siya sa posibleng sabihin ni Charie. Hanggang ngayon kasi galit parin si Charie sa kanya. Pati nga ako kinakabahan sa mangyayari, talagang malaking gulo ito.

"Ok start na tayo."

Sabi ng MC. Bongga talaga ang presscon na ito.

Nag raise na ng mga kamay ang reporters, tapos nagtinginan kaming apat. Dahil sa nahirapan kaming mag-isip kung sino ang pipiliin, nag decide kami na si Racky nalang ang mag didesisyon kung sino; si Racky na yan eh.

"Thank you po. Uhm ang tanong ko po ay para sa inyo Racky."

Sabi ng pinili niya.

"Go ahead po."

Sabi ni Racky.

"Salamat. Uhm ano po ba ang naging reaksyon nyo nung nalaman na trinaidor ka ng sarili mong manager at kaibigan narin?"

Sabi ko na eh, tungkol talaga sa TRAIDOR thing ang press con ngayon! Ako ang may kasalanan nito eh.

Pagtingin ko kay Chris, napahinga lang siya ng malalim. Hay nako, kawawa naman siya.

"Siyempre nagulat, nasaktan, tapos hindi talaga ako makapaniwala na nagawa niya iyon/"

"Pero dahil niligtas niya ang buhay mo, napatawad mo siya kagad?"

"Oo naman, sa ginawa niyang yun, napatunayan ko na hindi niya ginusto ang mga nangyari, na nilason lang siya ni Jadfor. Ramdam ko naman kasi na nagsisi yung tao so he deserve a second chance."

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon