CHAPTER 40 The Heart Pain

181 3 2
                                    

+KINABUKASAN+


Philiamor High


SHAMY's POV

Andito na kami ngayon sa probinsya. Kagagaling lang namin sa bahay ng ate ko para makapagpaliwanag narin sa kanila lalo na kay nanay. Hindi naman sila nagalit, nag-aalala lang, kasi may tiwala naman sila sa amin kaya mas lalong lumakas ang loob ko ngayon. Ang sarap talagang humarap sa problema basta't kasama mo ang pamilya.

Kasalukuyang andito kami ngayon sa loob ng taxi, kararating lang kasi namin kaya parang na stuck pa ako sa kinauupuan habang nakatingin sa school.

Medyo kinakabahan kasi akong pumunta rito, sigurado kasi ako na, ako ang trending topic dito sa school! Kaya patay ako kapag nagpakita ako sa kanila, kaya nga naka-disguise ako kagaya ni Racky.

Tsk kay bago-bago ko palang ito na ang image ko! Pero kailangan kong makausap si ma'am principal para mahiram ang phone directory. Wala na talagang ibang paraan para mahanap si Dayne.

Maya-maya pa lumabas na kami sa kotse at nagmadali papunta sa principal's office. Class hours ngayon kaya walang students sa labas. Mga ilang teachers lang ang mga nakakasalubong namin, salamat at di naman nila ako namukhaan.

Nang naka-abot na kami sa office, nakita namin na wala ang secretary ni ma'am. Kung magtatranstract ka kasi sa kanya dapat dadaan ka muna sa secretary at swerte wala siya rito.

Pumasok kami sa loob at nagulat naman si ma'am.

Agad naming kinuha ang disguise namin.

"Oh my God! Ms. Limatunawa and Racky!!"

Bigla siyang lumapit samin tapos hinawakan kami sa braso.

"Bakit kayo nandito!!?? Lalo kana Miss! Mainit sayo ang mga teachers. Alam mo bang dismayado sayo ang lahat ng taga Philiamor High?!"

Sabi nya na mukhang nag-aalala.

"Ma'am nandito po kami para magpaliwanag. Hindi po totoo ang mga ibinibintang ni Dayne! Ang tungkol po sa binabahay issue eh kasinungalingan lang po yon! Oo kay Racky po ako nakatira pero hindi ibig sabihin nun may relasyon na kami! Please ma'am maniwala po kayo, wala po akong ginagawang masama."

Sabi ko sabay hawak ng kamay niya.

"Miss, di mo na kailangan magpaliwanag sakin dahil alam ko naman na sinisiraan lang kayo. Kilala kita kaya alam kong hindi mo magagawa iyon."

"Maraming salamat po ma'am."

"Pero miss, na convinced ang mga tao base on the pictures! Oo, ako ay naniniwala na mga malesyosong larawan lang yon, pero paano naman ang iba?"

"Kaya nga po kami nandito ma'am, para linisin ang pangalan namin. At kayo lang po ang tanging makakatulong samin."

Nanlaki ang mga mata niya tapos napaisip.

"Ano naman ang magagawa ko para dyan?"

"Ma'am, kailangan po naming mahiram ang phone directory. Magbabakasakali po kami na mahanap si Dayne sa tulong po nyan." - Racky

"Anong phone directory?"

"Ang may mga numbers po ng Deans at Principals ma'am!"

Sabi ko.

"Ano? Pero ano naman ang kinalaman nyan sa problema ninyo?"

"Ma'am teacher po si Dayne Victoria!!"

Sabay naming sinabi ni Racky.

"Ano!?"

Nanlaki ang mata ni ma'am tapos napakunot ang noo.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon