CHAPTER 52 The Awards Night

90 4 0
                                    

*After Two Weeks*

October 2, 2014 (Thursday)

Event: AWARDS NIGHT

Araneta Coliseum

SHAMY's POV

Matapos ng ilang araw na paghihintay malalaman na natin ngayon kung sino ang mananalo. Ready na ba kayo? Ako hindi pa eh sobrang kinakabahan ako!

"Nak okey kalang ba?"

Tanong ni nanay. Oo nandito lahat ng pamilya ko. Ang saya ko nga eh kasi pumunta talaga sila dito para sumuporta sakin, at samin nina Racky.

Kasama ng pamilya ko ang candies tapos ang family din ni Racky, family ni Chris sina Brennah at Steffon nandito rin kasama ang panganay nilang anak, ang ibang mga Rackylovers, actually, halos lahat naman kami pwedeng tawaging THE RACKYLOVERS. Lalong lalo na kami nina Charie at Brennah, kasi minahal talaga namin si Racky. Pati sina nanay, tapos si Chris at syempre ang CANDIES at lahat talaga kami.Hindi paman nadedeclare na panalo kami, ay parang panalo narin kami kasi nga nandito silang lahat na sumusuporta samin.

"Okey lang po nay, medyo kinakabahan."

"Manalo o matalo nak, panalo parin kayo para samin at saka proud na proud kami sayo."

"Maraming salamat po nay."

Matapos ng heart to heart talk namin ni nanay ay naghanda na akong pumunta sa contestant chairs sa unahan. Dito lang ako umupo, kasi di panaman nagsisimula ang show. Pero ang tanong asan na ba sina Racky? Nauna kasi akong pumunta dito sumabay ako kina nanay at saka sila naman ang nagsabi na mauna nalang ako eh. Alam niyo ang weird nga nila ngayon.

"AAAHHH!!!"

Sigaw ng mga tao kasi nakita nila si Racky na lumabas galing sa hall. Hay salamat dumating din.

Grabe ang gwapo niya sa american suit na suot. Pang award winning talaga.

Napatingin siya sakin tapos ngumiti sabay nagsalute. Pero bakit parang fake naman ang smile niya? May problema ba siya? Haist wala naman siguro baka kinakabahan lang sa magiging resulta ngayong gabi.

Ako naman nagwave lang sa kanya.

"Shamia!"

Tawag ni Charie sakin. Aba ang ganda rin niya. LABAS PUSOD sa cocktail dress na color blue with matching shining, shimiring, glitters. Di na nakapagtataka kasi designer siya eh, at siya rin nag-ayos samin nina Racky.

Matapos niyan, sabay kaming umupo dun sa contestant seat sa unahan; ako, sina Racky, Charie at Chris.

After ng ilang minuto nag-umpisa na ang program. Tapos may mga ilang intermission number galing sa mga kalahok at syempre kasama si Racky dyan, yung KISLAP ang kinanta niya, tapos ako mamaya pa sa closing ng event. Kakanta lang naman ako habang mag-gigitara, nahihiya nga ako pero bahala na.

*dug dug dug dug*

Yan ang istado ng puso ko ngayon. Parang masusuka na nga ako sa sobrang kaba. Nakakailang bottle na nga ako ng mineral water, ewan ko ba. Kasi iniisip ko na kung matatalo kami, pano na ang mga pinaghirapan namin? Di biro ang mga pinagdaanan namin para lang makasali sa contest nato. Muntikan nang may napahamak samin dahil sa kagustuhang manalo ng iba. Mahirap ba talagang tanggapin ang pagkatalo kaya yung iba gumagawa ng masama para lang mag tagumpay?

Sa mga nangyari kay Racky, sa mga gulo at issues na hinarap niya, may totoo pa ba talagang sumusuporta sa kanya maliban samin na mga kaibigan at pamilya niya?

Oo, sa kamay ng mga tao nakasalalay ang pagkapanalo namin. Sa views nila nakasalalay ang pangarap ni Racky, at sana lang magbilang anghel sila sa amin.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon