CHAPTER 9 The Affection

280 2 2
                                    

*Three Days Later*

Shamy's House

SHAMY's POV

Haayy *yawn* goodmorning sunshine. It is friday again, haist ang bilis ng araw ha.

Nagising ako nang may smile sa mukha, ewan ko ba, feeling ko magiging maganda araw ko ngayon, hihihi.

*guitar strumming*

Sino naman tong nagtext? Ka aga-aga eh.

Opening...

SENDER: 0936XXXXXXX

Goodmorning ma'am Racky to. Kita tayo mamaya 5pm. Bago tayo maghanap, pasyal mo muna ako sa loob ng 1week. Pwd ba yon? ;-)

Oh naka-alala pa pala to sakin? Kala ko bumalik na'to ng Manila eh, hindi kasi siya nakapagtext sakin, ngayon lang talaga oh.

Pero, alam niyo nung mga nakaraang araw, panay ang tingin ko sa cellphone ko, at kung may magtext man sakin, iniexpect ko na sya. Ganon naman talaga kasi nga diba inaantay ko text niya para malaman kung kailan kami magkikita. Normal lang naman yon. Pero ngayon na di ko inexpect na siya nagtext, siya naman nagtext. Haist, totoo nga ang expect the unexpected.

ME

Anong good sa morning? Hmnf sige na nga. San mo naman gustong pumunta?

SENDER: BoyYabang

Sa puso mo, hahaha joke lang. Ikaw bahala basta sa magagandang place.

ME

Saksakin ko puso mo jan eh! Hmnf. Sige text nalang kita mamaya. Gagawin mo pa akong tour guide!

SENDER: BoyYabang

Thank you ma'am. Ang bait mo talaga.

Akala ko ba nagmamadali tong mahanap ang babae? Mas inuuna pa ang pamamasyal eh! Pero sa bagay wala panaman akong plano kung paano namin macocontact ang mga principal, mukhang mahirap ngang mag-isip eh.

Destiny

SHAMY's POV

Pagkatapos ng first period of class ko kanina, syempre rito sa Destiny agad ako pumunta. Kanina pa ako nakaupo rito at nag-iisip kung san ko ba dadalhin si Racky. Haist naman! Basta ang alam ko lang gusto niya nang something exciting, yong hindi boring na place. Oh diba alam ko? Remember naging fan niya ako, hahaha. Pero san naman? Pinapahirapan talaga ako ni miss Author.

(oh bakit na naman ako nasali dyan?)

Ikaw kaya may pakana nito, huhu.

(Kunyare ka pa eh gusto mo naman! Hahaha. :-P )

Hindi ah! Hmnf

San kaya magandang puntahan ngayon?

"Hoy!!" (Ginulat si Shamy)

"Ay Racky!!"

"Ano? Kailan pa naging Racky pangalan ko? Hmnf."

"Oy Steffon ikaw pala, hehehe."

"Sino si Racky?"

"Ha? Hindi naman tao yan eh. Rocky as in mabato, napansin ko lang kasi raming bato rito oh tignan mo malalaki pa yong iba."

Hahaha, galing kong mag alibi no?

"Ha? Napansin mo pa yan? Malalim na naman siguro iniisip mo noh?"

"Ha? Hindi naman. Uhm Steffon saan ba magandang pasyalan ngayon?"

"Uhm hmn, teka balita ko, ngayon daw magbubukas ang perya sa stadium."

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon