CHAPTER 32 The Battle

291 3 0
                                    

+KINABUKASAN+

August 07, 2014

Event: Rap Battle Tournament Championship

Racky's House

SHAMY's POV

Ngayong araw pala ang battle ni Racky. Haist parang ayokong manood, tinatamad ako eh.

*guitar strumming*

FROM: Chris

Shamy nakabihis kana ba? Papunta na ako dyan.

ME

Dapat ba talaga sumama ako?

FROM: Chris

Anong gusto mo magmumukmok kanalang diyan? Magbihis kana, bilisan mo ha?

*"Ay nakalimutan kong sabihin, sa August 7 pala ang laban ko. Championship na yan. Defending champion ako eh. Noud ka ha? Para makita mo ako kung pano bumattle."*

ME

Oo na!

Bahala na nga! Ang sama ko naman kung di ko siya papanoorin.

RACKY's POV

Oh yeah, this is the day that I've waiting for. Tamang-tama, sobrang inspired ako ngayon kasi nga nagka-ayos na kami ni Charie ko, hehehe.

Pero at the same time nababatrip ako sa kalaban ko ha kasi pinagyayabang niya sa iba na matatalo na niya ako ngayon, aba! Asa naman siya! Eh triple dead ko na siya! Baka gusto pa niyang gawing quadro? Nung nalaman ko nga na siya ang makakalaban ko eh di nga ako dinapuan ng kahit konting nerbyos.

B-side

SHAMY's POV

Andito na kami ngayon sa battle arena. Sobrang daming tao.

Sa unahan kami nakaupo, katabi ko si Chris sa kaliwa tapos si Charie naman sa kanan.

"Oy nakasimangot kana naman. Ngumiti kana man dyan!"

Sabi ni Chris sabay siko sakin. Haist di talaga ako masaya ngayon. Nangingibabaw ang kaba ko dahil baka matalo si Racky, tapos may nararamdaman akong kalungkutan. Tungkol parin kahapon. Wrong timing naman kasi eh, heart broken ba ako?

"Oo na po, eto na oh."

Sabi ko tapos ngumiti.

"Ayan oh, ang ganda mo."

Sabi niya sabay kurot ng pisnge ko. Mukhang nagiging mabait na siya sakin ngayon ha.

"Wag mong sirain ang araw mo dahil lang sa kanya."

Sabi niya ulit.

"Oo nga tama ka!"

Sabi ko tapos huminga ako ng malalim. Positive lang dapat tayo palagi! Wag mapanghihinaan ng loob! Yeah!!!

"WOOOHOOO GO! GO! RACKY!"

Sigaw ko kaya napatingin sila sakin.

"Oy Shamy di pa nga nagsisimula."

Sabi ni Charie.

"Ahh? Ganon ba? Hahaha, pasensya na excited lang."

Sabi ko tapos napatingin kay Chris.

"Napa over naman ata yon."

Sabi niya tapos ngumiwi lang ako.

Pero sa totoo lang masama ang loob ko kay Racky, hindi dahil sa hindi niya ako gusto, kundi dahil di niya ako hinanap kahapon. Di manlang kasi siya nag-alala sakin, kaya parang nagtatampo ako. Di ko nga siya masyadong pinapansin eh.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon