CHAPTER 41 The Poser

234 3 0
                                    

Brennah's House


SHAMY's POV

"Oh Shamy napasyal ka?"

Sabi niya habang nakangiti sa akin. Ang galing din naman niyang umarte!

Nakatingin lang ako sa kanya pero bakit ganito? Di ko magawang magalit sa kanya? Dahil ba sa mga kabutihang ipinakita niya dati? Tsk nabulag ba talaga ako!!?

"Hello Shamy may problema ba?"

Nagulat ako, di ko manlang napansin nasaharapan ko na pala siya.

"Uhm, upo ka muna at ihahanda kita ng meryenda."

Bago pa siya makahakbang ay hinawakan ko na ang kamay niya kaya napahinto siya.

"Bakit Shamy?"

"Sabihin mo sakin ang totoo, ikaw ba si Dayne Victoria?"

Pagkatanong ko niyan biglang nanlaki ang mga mata niya. Para siyang nakakita ng multo na papatayin siya pagkatapos.

"A-ano bang sinasabi mo diyan?"

Sabi niya sabay umiwas ng tingin sakin.

"Oo o hindi lang ang kailangan kong sagot! Ikaw ba at si Dayne ay iisa?"

Tanong ko habang pinipigilan ang pag-iyak.


Please sabihin mong hindi ikaw yon! Please Brennah...

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. Ang mabuti pa umalis kanalang."

Sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Hindi po ako aalis hangga't hindi nagiging malinaw sa akin ang lahat!"

Pagkasabi ko niyan bigla nya akong binitawan.

"Para matahimik kana! OO! AKO NGA SI DAYNE! Oh ano malinaw na!?"

Pagkasabi niya yan, bigla nalang tumulo ang mga luha sa mata ko. Parang hindi ko lang kasi matanggap na siya ang tao na naninira sakin. Sobrang sakit!

"Hindi ako makapaniwala. Bakit mo *sniff* nagawa sa amin iyon? Akala ko ba *sniff* magkaibigan tayo? Pero bakit?!"

"Ha teka ano bang nagawa ko at umiiyak ka nang ganyan? Saka ano naman sayo kung ako si Dayne?!! Saka paano mo nalaman ang tungkol sa pagiging Dayne ko? Hindi kita maintindihan ano ba talaga ang nagyayari?!!"

Pagkasabi niya nyan tumingin ako sa may pintuan at lumabas na si Racky.

Pagtingin ko kay Brennah napaatras siya tapos tinuro niya ito.

Habang ako naman natahimik lang sa sulok; umiiyak at nakatingin lang sa kanila.

"RACKY!?? A-ANONG GINAGAWA MO RITO!!?? AT MAGKAKILALA KAYO!!!??"

"Wag ka ngang mag maan-maangan Dayne! Alam mo't alam ko ang tinutukoy dito!"

"W-WHAT?"

Sabi ni Brennah. Parang naguguluhan siya sa mga nangyayari, pero syempre arte lang niya yan.

"Nasaan na ang batang sinasabi mo at ipa DNA test na natin ngayon din para magkaalaman na!"

"ANO!!? DNA TEST/"

"Oo! Kaya kung ayaw mong mapahiya at humantong sa malala ang sitwasyon, bawiin mo na ang mga paninira samin! Tama na!"

Sabi ni Racky.

"Paninira?! Ano ba ang mga pinagsasasabi mo, nababaliw kana ba? Bakit ko naman gagawin sa inyo yan!!??"

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon