CHAPTER 22

14 9 0
                                    

Day 15 of being stupid cupid: I knew it






"Jonalise!" Ani Tita Ezra ng makita niya ako sa may couch sa sala. Pagdating ko dito kanina ay isang babae na inutusan lang ni Tita ang nadatnan ko, inutusan daw siya ni Tita na kapag may dumating na babae dito ay ibigay sa kaniya ang susi ng bahay. Ala sais na ng gabi ngayon, ganitong oras daw kasi ang uwi ni Tita sabi ni Daddy ng makausap ko siya sa telepono kanina. Nakapagbihis na din ako ng damit.

Tumayo ako at lumapit kay Tita at humalik sa pisnge nito. "Hi Tita, you look gorgeous nothing change." Sabi ko at tumawa.

"Yeah! So how's flight. Sorry hindi kita nasundo,kumain kana 'ba?" Umiling naman ako, kanina pa ako gutom at gusto ko na talagang kumain pero gusto kung sabay na kami na kami magdinner.

Ang dating mahaba nitong buhok ngayon ay hanggang batok nalang. Ganun parin ang kutis nito, makinis at maputi. Ganun pa 'din ang mukha nito, laging nalalagyan ng make-up.

"Wait I just change and I order for our dinner." Tumango naman ako sa kaniya, umupo ako sa may couch at hinintay na bumaba si Tita. Mabait naman si tita pero ang ayaw ko lang sa kaniya ay ang sobrang istrikta niya.

Nang bumaba na si Tita ay nakapambahay na ito, kung kanina ay nakasuot ito ng sleeve-less at skirt ngayon naman ay naka-spaghetti strap ito at pajama na magkapareho.

"What do you want to eat?"

"Anything is fine." Nagtipa naman ito sa kaniyang cellphone. Nang natapos siya ay tumingin siya sa akin. "Anong oras ka pala dumating sa bahay? And what's your plan while you were here?"

"Bago mag 12 nandito na ako, I think about that po." Yon na lamang ang sinabi ko.

Nang dumating na ang order na pagkain ay sabay na kaming kumain sa may dining table. "How's you and Fares? I saw him here in the resto his with other girl, you two okay?" Hindi pala alam nito alam na wala na kami ni Fares. Nandito pa rin kaya sila sa Davao hanggang ngayon?

I stopped. "We broke-up po Tita matagal na."

"Sorry Jonalise, I didn't mean.."

"Okay lang po tita, I think I already moved on na naman po." Sinabi kung naka moved on na ako pero hindi ko magawang ngumiti matapos sabihin 'yon. Kasi nagsinungaling lang ako.

Bakit 'ba kasing ang hirap mag moved on? Ano 'ba ang dapat gawin? Mirong ibang tao na kapag naghiwalay na sila ng kasintahan niya, nakaka-moved on agad. Miron namang kahit years na hindi pa rin naka-moved on. Ibig sabihin 'ba hindi nila minahal ang naging kasintahan nila kaya ang bilis nilang maka-moved on?

Hindi din ba ako minahal ni Fares? Kaya ang bilis niyang makamoved on at ang pinakamasama may nahanap na agad siyang kapalit ko.

Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta na akong ako ang maghugas ng plato nahihiya kasi ako kay Tita. Wala naman kasing katulong si Tita, kapag sabado daw ay may pumupunta dito para maglinis ng buong bahay at para maglaba.

Pumunta ako sa may sala at tinawagan si Mommy. Kaninan ng tumawag ako kay Daddy wala ito sa bahay at hindi niya kasama si Mommy, kaya hindi ko na kausap.

Sinagot naman nito ang tawag ko pero boses ni Manang ang narinig ko. "Bakit hindi mo nalang sabihin kay-" Hindi ko na naintindihan ang huling sinabi ni Manang dahil puro yapag nalang ang naririnig ko ngayon.

Tumigil naman ang mga tunog at nagsalita na si Mommy. "Jonalise, bakit ngayon ka lang tumawag? Hinihintay ko ang tawag mo kanina pa."

"Sorry po, natawagan ko naman po si Daddy kanina."

"Nandyan na ba ang Tita Ezra mo?"

"Kanina pa po umuwi si Tita Mom...Tapos na din po kaming magdinner."

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now