Kabanata 43

4.9K 175 149
                                    

43 – Abduct

When I love, I love with all of my heart. I trust with everything that I am and I give anything I can without thinking of the consequences. Marami akong pagkakamali na hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng oras para bumawi.

I have always been the kind of girl who will do anything she wants. Lahat ng gusto ko ay dapat kong makuha at gusto ko dapat ang masunod. I was wild and free. I had everything on my hands.

I was lonely for a long time. I craved the love and attention that wasn't given to me by my parents. Hinanap ko iyon sa kung saan-saang lupalop na mapapadpad ako. I was empty and searching. Kaya kung mayroong taong darating sa buhay ko na magmamahal sa akin, tinatanggap ko sila nang buo. And maybe, that is my weakness. Matapang akong tao, pero ang kahinaan ko ay ang mga mahal ko.

Walang duda kong ibinibigay ang pagmamahal at pagtitiwala ko nang buong-buo. I trust people with my whole life. At iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko.

I woke up in a huge dark room. Sa sobrang tahimik ay pati ang pagtulo ng tubig ay rinig. Nanlalabo ang paningin ko ngunit pinilit kong idilat ang mga mata ko. My head was throbbing so bad. Pati ang katawan ko ay parang binugbog sa sakit. I tried to speak but no words came out of my mouth.

Nang subukan kong gumalaw ay agad kong naramdaman ang hapdi sa palapulsuhan ko. Para akong bumalik sa wisyo nang mapagtanto ko ang nangyari. Pilit kong kinalagan ang sarili ko ngunit humahapdi lalo ang pulso ko sa tuwing gagalaw ako.

"Gising ka na.."

Nagsimulang dumagundong ang dibdib ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad nanubig ang mga mata ko. I thought I was the strongest. But seeing him infront of me now makes me feel powerless.

He was there when I started to learn about the company. Daddy will always scold me for being lazy and he will always defend me. Ipinagtanggol ko siya sa asawa ko dahil pinagkatiwalaan ko siya. And now, he proved me wrong. Isa siya sa marami kong pagkakamali.

"M-Mathias.." I whispered.

I never thought that he could do this to me. I never doubted him. I trusted him with my whole life.

Tuluyang tumulo ang luha ko. What is he going to do to me? Bakit niya ito nagawa? Did I do something wrong? May kasalanan ba si daddy sa kaniya?

Nag-ingay ang yerong pinto nang bumukas iyon. A girl on a black hoodie with a cigarette between her teeth went inside. Nanliit ang mga mata ko. My vision is still blurry because of the drug. S-she's familiar to me.

"Gising na, Mathias?"

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagwawala ng dibdib ko. Sunod-sunod na patak ng luha ang dumausdos sa aking pisngi. It can't be.

Inipit niya ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri saka ibinuga ang usok no'n. Naglakad siya patungo sa akin saka marahas na hinawakan ang baba ko para pilitin akong tumingin sa kaniya.

"Tignan mo nga naman ang magiting na anak na ipinagmamalaki ni Rustesia.." she laughed. "Sa sobrang dumi mo, mukha kang daga!"

My tear fell. I never thought she is the girl Mathias is in love with. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin ito. Ito ba ang sinasabi niyang kailangan niyang patunayan? Ang pagmamahal na gaya ng ganito?

"J-joanna.."

"Ano na lamang ang magiging reaksiyon ng nanay mo kapag nakita kang ganiyan?"

Marahas niyang binitiwan ang baba ko. Nanghihina pa rin ang katawan ko ngunit ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now