Kabanata 11

5.7K 227 74
                                    

11 – Change

Halos hindi na ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. I gulped so hard when a familiar song came up. Nanlalambot ang tuhod ko at parang hindi ko na kaya pang magpatuloy.

Is this why my mom is mad? Because of the groom?

Pati ang pakakasalan ko ay binago ni Tita Alondra?

Lumibot ang paningin ko sa mga tao. Almost all of them are smiling except my mom, Daniel, and Amethyst. Nanindig ang balahibo ko nang makitang malawak ang ngiti ni Faye.

D-does she know?

Humigpit ang hawak ko sa bouquet. Pakiramdam ko ay hindi maaagaw ng mga bulaklak ang atensiyon ko. I inhaled deeply and forced myself to act fine. Kahit na gulong-gulo ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Ayden was just there, standing and waiting. His face is serious with his eyes darted to me.

Gustong tumulo ng mga luha ko sa sobrang frustration at kaba. Bakit ito ang kanta? What is happening? Where is Atlas? Bakit hindi siya ang naroon sa altar? Bakit si Ayden?

Nanginginig ang kamay na iniabot ko ang braso ni daddy. He wiped his eyes using a tissue and held my hand tightly. Gusto ko mang maramdaman ang emosyon niya ngayon ngunit hindi ko magawa. All I hear was the song and my racing heart beat.

Bumalik ang tingin ko sa puwesto nina Daniel. He looks disappointed. So is Amethyst. Nang makita ni Faye ang tingin ko sa kaniya ay ngumuso lang siya saka inipit sa likod ng tainga ang buhok.

I bit my lower lip and forced myself to smile in front of the camera. Tita Alondra was clapping her hands with Tita Ignatius by her side. Ngayon ay nakangiti na ang ina ko dahil sa kaniya na nakatutok ang camera.

Lalong humampas ang dibdib ko nang makalapit kami sa altar. Pinilit ko ang sarili kong kumalma at huwag maiyak. There's so many people! I can't cry!

My mom plastered a smile on her lips when she faced Tita Alondra. Malawak ang ngiti ni tita bago niyakap si mommy.

"Your daughter is going to be a Valdemar now, Alondra.." she whispered.

My mom faked a laugh. "Oh my! Please take care of my daughter. I love her so much!"

Lalong nadagdagan ang pagka-irita ko sa sinabi niya. Kanina lang ay galit na galit siya at halos patayin si tita sa isip niya. Ngayon naman ay nagbabait-baitan.

Tita Alondra hugged my dad. "Welcome to the family, Cesar.."

Hinawakan nang marahan ni mommy ang braso ko saka binaltak para yumakap. Halos matumba ako roon ngunit hindi ko na ininda.

"I hate you to bits, Anastasia." She whispered. "Pipili ka na lang ng pakakasalan, 'yong wala pang maibibigay sa 'yo."

Her words pierced my heart. Imbis na hayaang tumulo ang luha ko ay niyakap ko siya pabalik.

"I hate you to bits, too.." mapait kong sabi. "Ipagbibili mo na lang ako, sa mga taong pinaplastik mo pa."

Agad niya akong binitiwan na nanlalaki ang mga mata. I mockingly smiled at her. Napakurap-kurap siya dahil sa sinabi ko. I looked around to smile at the visitors. Nawala ang ngiti ko nang bumalik ang mga mata ko kay mommy.

A warm hand touched me. Agad na nagwala ang dibdib ko at lumingon. It was my dad, handing me to Ayden.

Parang sasabog ang puso ko na tumingin kay Tita Alondra.

"I hope you are happy, Anastasia.." she sweetly said. "You didn't tell me na hindi si Atlas ang gusto mo. I hope I made you happy."

Naluluha ang kaniyang mga mata. Kahit na naguguluhan ay tumango ako sa kaniya. What does she mean? How did she know that I don't like Atlas? At bakit parang sinasabi niyang si Ayden ang gusto ko kaya niya pinalitan ang groom?

It Had to be You (Valdemar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon