Kabanata 34

5.3K 187 41
                                    

34 – Star

Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng mascara habang naghihintay. My luggages are beside me. Si Joanna naman ay na sa tapat ko lang. I saw Ayden walking towards us with a paper bag in his hands. He sat beside me and fixed the side of my hair.

Kinuha ko na mula sa bahay namin si Joanna tatlong araw ang nakakalipas. Obviously, mom didn't want me to take her. Ipinilit ko lamang dahil alam kong mainit ang dugo sa kaniya ni mommy. She better stay with me. Magiging paraan ko na rin siguro ito para magkalapit ulit kami.

I exhaled a deep sigh and looked at the screen. Tonight is our flight to Switzerland. Ang nagpupumilit na si mommy ay hindi ko pinayagang sumama. I asked Joanna to join us instead. Tita Alondra recommended a luxurious hotel but I declined. Gusto kong maranasan ang normal na cabin lamang. It's autumn in Switzerland now.

I rested my back and smiled at Joanna. Kumunot ang noo ko nang mayroong pamilyar na babaeng nagmamadaling naglalakad palapit sa amin. She's wearing a neon dress with a fascinator on her head. Malawak ang ngiti niya habang ang mga bagahe niya ay tulak ng mga kasambahay.

What the heck?

"Mommy?" Kunot na noong tanong ko.

Agad na lumingon sa akin si Ayden. Binalingan niya ang tinitignan ko at nakita rin ang ina kong patawa-tawa pang nagmamadali.

"Oh my gosh! I thought I'm late!" She laughed.

Umawang ang labi ko saka hindi makapaniwalang natawa. What the hell is she doing here? Ang sabi ko ay hindi siya pwedeng sumama sa amin!

"Why are you here, mommy?"

Ayden cleared his throat. "Magandang gabi, ma'am."

She ignored him and smiled at me. Si Cressida na na sa tabi niya ay kumaway pa sa akin.

"I have a flight, Anastasia.." she giggled.

Agad akong nainis. "To where?"

Umawang ang labi niya saka humagikgik. She opened her arms and cheered. "Switzerland!"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. She didn't really listened to me. Talagang ipinilit ang gusto niya at sumama rito. I sighed and looked at her.

"Mommy." Saway ko.

"What? Si Joanna nga ay isinama mo. Ako, hindi pwede?"

Yumuko si Joanna nang bumaling sa kaniya si mommy. I glanced at Ayden. Tumango lamang siya sa akin para sabihing hayaan na lang. I know this is not a problem with him but he'll surely be uncomfortable. Isa na iyon sa dahilan kung bakit ayaw ko siyang pasamahin.

Our flight was called and mommy looked giddy. Hanggang sa pagpasok sa eroplano ay hawak niya ang braso ko.

"Anastasia, sit with me, okay?"

Umismid ako. "I'm going to sit beside Ayden."

She hissed. "Ako ang nanay mo. Tabihan mo ako!"

I looked at her. "I am going to sit beside my husband."

Tinampal niya ang braso ko. "This is a thirteen hour flight! You'll be bored with him!"

Hindi ko na lamang siya sinagot at pinilit siyang maupo sa kabilang row. She sat down with a big frown on her face. Ang na sa likod namin ay si Joanna. Hangga't hindi pa nakaka-upo si Ayden ay nanatili akong nakatayo para hindi sumingit si mommy.

"Thank you." He whispered.

Kumunot ang noo ko saka bumaling sa kaniya. "For what?"

A small smile appeared on his lips. "For sitting beside me."

It Had to be You (Valdemar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon