Kabanata 17

4.5K 142 89
                                    

17 Maybe

Humikab ako saka tumunganga sa white board. I scratched my head at pulled my ribbon to loosen it. Walang gana akong sumandal saka umirap.

8th grade is really boring for me. Akala ko noon ay mas magiging interesado na akong kapag unti-unti nang nag-iba ang lessons pero mali ako. Parang lalo lang akong tinamad.

"Don't sleep."

I sighed. Nagpapabigat akong sumandal sa braso ni Ayden. I hugged his arms and closed my eyes.

"My head hurts.." I lied.

Mahina siyang natawa at ginulo ang buhok ko. Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kaniya saka binuklat ulit ang notebook ko.

"Lies.." ngumuso siya. "Finish the lecture. Ipapasa 'yan mamaya.."

I rolled my eyes. Nagdadabog kong kinuha ang ballpen saka pinanliitan ng mata ang white board na puno ng sulat. There's too many words in there! Baka magkaroon pa ng kalyo ang kamay ko!

"It's already 3rd grading, Asia.. Pagtiisan mo na ito.."

Ngumiwi ako. Noong first grading ay 'yon din ang sinabi niya, hanggang sa nag second at ngayon. I'm just tired of it. Pakiramdam ko ay hindi ako para sa eskwelahan. Pero, ano namang gagawin ko? Wala naman ako interes sa business ng magulang ko.

I was actually shocked with the drastic change I am experiencing. Mula sa katawan ko hanggang sa paraan ng pagsasalita at pagdadala ng sarili, sa paniniwala at paninindigan. Mommy would always say that I am stubborn and that I don't listen to her anymore. She said that her good girl is gone.

I mean, does she even know that I was a good girl? Si Nanay Josephine lang naman ang lagi kong kasama noon. She's always busy with her parties and friends and she barely even talk to me. Kakausapin niya lang ako kung kailangan na isama ako sa party nila. And there, I would always see Aziel and his youngest brother.

It's still a mystery to me why Ayden isn't showing up. Laging kumpleto ang mga Valdemar, siya lang ang wala. And the website isn't updating. Wala talaga ang pangalang Ayden Ignatius Valdemar.

"Salazar! What are you doing here?! Hindi mo ba narinig ang bell?"

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang potensyal na laway kong tutulo na. I immediately held my bag and stood up.

"Why are you sleeping there? Kababae mong tao, sa hallway ka natutulog?!"

Napakamot ako nang ulo. Is it time already? Bakit hindi man lang ako nagising sa tunog ng bell?

"Inantok po kasi ako kaya ako natulog, ma'am.."

"Aba talagang!"

Akmang lalo siyang lalapit sa akin dahil sa gigil kaya naman napayuko ako. Is there something wrong with what I said? Hindi ba't kaya naman natutulog ang isang tao ay dahil inaantok siya?

Nagpupuyos na tinalikuran niya ako. Dahil sanay na ako rito, alam ko na ang gagawin. I followed her to her office. Nang mapadaan sa room ay nakita kong nakatayo roon si Ayden na kunot ang noo. I pouted at him.

"What did you do?" He whispered.

"I slept on the hallway.."

He sighed and closed his eyes. Nang dumilat siya ay parang gusto niya akong batukan. Lalo akong nagpaawa. I know Ayden can't resist me. I am his bestfriend! Hindi siya magagalit nang matagal sa akin.

Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan niya bago kinuha mula sa braso ko ang yakap kong bag. He gently pulled me close to him and combed my hair using his fingers. Pumikit ako ay hinayaan siyang gawin iyon. Pinagpagan niya pa ang palda kong may alikabok galing sa sahig na hinigaan ko.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now