Kabanata 38

5.1K 180 75
                                    

38 – Distraction

I wasn't myself when I got home. Matapos kong aminin sa kanila ang nararamdaman ko ay parang lalo pang nagalit si Joaquin. Daniel didn't look disappointed of me. Nagulat lamang siya pero sina Faye at Amethyst ay walang kahit anong sinabi. Maybe because they know it already. Kilala nila ako at ang mga kilos ko. Imposibleng hindi nila nahalata ang nararamdaman ko. Faye even showed me a smile after I admitted everything.

Ayden was already home that night. Hindi ko ipinahalata sa kaniyang mayroong kung anong nangyari sa unit ni Amethyst. Ang tanging sinabi ko lamang ay nanood kami ng movie at ang kagustuhan ni mommy na bumalik ako sa bahay. He didn't look pleased with it. Pero ang sabi niya naman ay kung gusto kong manatili sa bahay kahit dalawang o tatlong gabi ay papayagan niya ako. Of course I became happy with Ayden not controlling me. Hindi naman pala ganoon kasama ang pakiramdam nang mayroong asawa.

"Kailan ka pa naging tamad bumangon sa umaga? Ayden, you have work."

"Simula nang magtabi tayo.." he mumbled.

Pilit kong inialis ang hita niya sa akin. I rolled my eyes when he pulled me to bed again. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko saka ipinikit muli ang mata.

"Ayden, may trabaho rin ako.." pilit ko. "Let go."

He was persistent to stay in bed but I am eager to start my day and work. Nauna na rin siyang umalis dahil ipinatatawag siya ni Tito Ignatius. I was left at home with Joanna because Mathias said that he will be an hour late. Ayos lang naman sa akin dahil hapon pa ang schedule kong maglibot sa kompaniya ngunit mayroon pa akong ibang papeles na i-rereview.

"Wala pa yata ang driver mo, Asia?"

She started washing the dishes. Kaonti lang din naman ang mga iyon dahil mga ginamit lamang sa almusal.

"He said he will be an hour late." Sagot ko.

Tumango siya saka nagpatuloy sa paghuhugas. I checked my phone and saw a text but I didn't open it. Mukhang kay Joaquin galing ang mensaheng iyon.

"Bakit parang ang konti ng kinain ni Ayden ngayong umaga, Asia?" She asked. "Hindi ba masarap ang luto ko?"

Agad akong umiling saka bumaling sa kaniya. "No, Joanna. Masarap ang luto mo. Nagmamadali kasi ang isang iyon dahil ipinatawag ng papa niya."

"Ah.." she nodded. "Hindi naman kaya magutom siya ro'n? Ikaw, hindi ka ba nagugutom sa trabaho?"

I smiled. "Mayroon namang mga chef sa building. You can request any food you like."

Umawang ang labi niya saka parang lalong naging interesado sa sinabi ko.

"Ang saya naman ng ganoon.." she giggled. "Ang daddy mo, mayroong sariling taga-pagluto?"

"Hmm. Oo. Pero nitong mga nakaraang araw, lumalabas kaming dalawa para kumain nang sabay."

Parang nawalan ng buhay ang mga mata niya saka itinikom ang labi. She looked away and continued what she's doing. Kumunot ang noo ko. Is there any problem?

"Are you okay?"

She sniffed and nodded without looking at me. "Oo, Asia. Naalala ko lang ang nanay.."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad din akong nalungkot. Lagi naming kasabay kumain si Nanay Josephine noong nabubuhay pa siya. Nasaktan ako nang sobra nang mawala siya kahit hindi niya ako anak, paano pa kaya si Joanna?

I wanted to hug her but she immediately went to her room after finishing the dishes. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na ginulo. We can eat lunch together if she wants. Ang totoo ay inaaya ko pa siyang sabay kumain sa amin ni Ayden ngunit siya mismo ang tumatanggi. Joanna isn't just a maid to me. She is my friend.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now