Kabanata 5

7.7K 260 53
                                    

05 - Steal

Malakas ang tambol ng dibdib ko habang mariin niyang tinititigan ang mukha ko. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa hindi pagkabawi sa sinabi niya. His expression stayed cold and serious. Ibang-iba sa ipinakita niya kaninang na sa labas pa kami.

I gulped when he didn't move an inch away from me. Akala ko ay matapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin ay hahayaan na niya ako at aalis na siya. Looks like he's not planning on leaving here anytime soon.

I clenched my jaw and pursed by lips. Endgame? Is he joking? We broke up because he cheated on me and we didn't had any connection within the two years he'd been gone and now he's telling me he is my endgame?

"Endgame?" I chuckled. "Are you being serious right now?"

He looked at me darkly. Hindi ako nagpatalo at tinaasan siya ng kilay. Akala niya ba ay ipapakita kong may epekto pa siya saakin? No way! Luluhod muna siya sa harap ko bago ko ipakita ang tunay kong nararamdaman.

"You haven't move on, I see.."

Ang tapang ng mata niya kanina ay nawala ngayon. Tila nakarinig ng salita o nakakita ng bagay na talagang wala siyang kawala.

No one can play me. Not even you.

"Move on, my bestfriend.." I mocked. "I am marrying your brother.."

I forced myself to look brave. Hindi ko inialis sa mga mata ko ang pagkukunwaring matapang ako. Na kaya kong harapin siya matapos ang lahat.

Bumaba ang mata niya sa kamay ko papunta sa daliri ko. He looked at me softly. Halata ang pagod at sakit sa mga mata niya.

"Where's the ring, then?"

I frowned. "Why do you care?"

"He didn't even put a ring on your finger.." his jaw tightened. "He doesn't want to marry you."

I rolled my eyes at him. "No one cares."

"I care!" He roared. "If he can't love you the way I do then don't settle with him!"

Nawala ang tapang ko sa sinabi niya. Parang naubos ang mga salita ko.

"If he can't prove to you that he's deserving for your hand then don't! I don't care if he's my brother. Do not marry him!" umigting ang panga niya. "If it's not me then, it's not also him! Not anyone else! Huwag ka nang magpakasal!"

The anger in his eyes stayed. Kung kanina ay maamo iyon, ngayon ay puno na ng galit at sakit. This is one of my powers over him. I know ever piece of him. I know it all.

"You don't get to decide on what I should do with my life! I didn't give you the right!"

Kahit na pakiramdam ko ay tinatraydor na ako ng sarili kong damdamin ay nagpakatatag ako.

"Baka nakakalimutan mo ang nangyari noon?! Hindi ba't umalis ka?" I said with full force. "Huwag kang magpanggap na nasaktan ka sa nangyari! Ikaw ang mali saating dalawa!"

"You told me to leave!" He answered, with his fists closed.

"Why did you followed me, then? Kung mahal mo ako, pipiliin mong ayusin natin ang gulo!" I painfully said. "Kung mahal mo ako, lalaban ka para saakin! Para saatin!"

Namuo ang mga luha sa mata ko. Memories started to crash down on me. Seeing him and Danica that night is still fresh on my mind. I still remember how he went down on his knees for forgiveness, and how my necklace was on her neck.

Funny how I am demanding for him to fight when I know all along that I wouldn't bend down to give him a chance.

"Kung mahal mo ako, bakit mo ako pinaalis?" He whispered.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now