Kabanata 8

6.4K 206 105
                                    

08 – Drunk

Weeks passed by really fast. Maraming pag-uusap ang naganap sa pamilya namin at ng mga Valdemar. All of it was about the wedding. Mommy and Tita Alondra are really pushing it. Sa tuwing mag-uusap sila ay lagi akong naroroon ngunit wala namang karapatang magsalita o umapela. I give suggestions but they always reject it. Isa ro'n ang mas pagpapatagal sa preparasyon ng kasal namin ni Atlas. Ang sabi ko ay gusto ko ng engrandeng kasalanan kaya dapat lang na bigyan ng sapat na oras ang mga coordinators. They told me they can handle it. Some of them were based overseas. Sa isa't kalahating linggong nagdaan ay tapos na ang gown ko. At sa tatlong linggong nakalipas ay plantsado na ang lahat.

Atlas is always missing. Kahit isang meeting ay hindi siya nagparamdam. I don't know why because he didn't even tried to tell me. Dapat nga siya ang laging nandito dahil ang pamilya nila halos ang umasikaso ng lahat.

Maybe he's out there enjoying his single life before getting tied to me.

I shook my head with that thought. Kung talagang wala na siyang paraang maisip para makawala rito, mauuwi kami sa altar na napipilitan. He told me a thousand times that he's in love with someone else.

And is that someone in love with him, too? Kasi kung gusto siya ng babae ay dapat pigilan niya rin ang kasal. It's his man getting wed.

I also didn't see Ayden after we fought at the hidden garden. Gusto kong sumigaw at sapakin ang mukha niya sa inis pero tumakbo na lang ako palabas. That man really piss the hell out of me. I hate him to bits! I hate his existence! I hate everything about him!

"There's so many paparazzi outside the company's building, Anastasia dear!" Bulalas ni mommy. "I am exhausted!"

I rolled my eyes.

Ginusto mo 'yan, tapos ngayon magrereklamo ka?

Winala ko ang mga gusto kong sabihin. I'm not in the mood to talk.

Four days before the wedding and I am slowly getting anxious. Am I really getting married? Talaga bang tutuloy ito?

Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Siguro nga ay pinaghili ako sa sama ng loob kaya ganito ang pasensiya ko.

"Daniel, what do I do?" I worriedly asked.

He hissed on the other line. "Tell Tita Rustesia to cancel the wedding. Tell her you don't wanna get wed.."

Umangat ang kilay ko. "And you think that's easy? You think she'll cancel it?"

"No." He groaned. "Tell Tito Cesar.. I'm sure he's going to cancel it."

I sighed. "Daniel, you know the status of the company. Daddy is desperate and we know how powerful the Valdemars are. How am I  supposed to stop this?"

"How about you run away?" He suggested.

Nanlaki ang mga mata ko. "I won't run away, Daniel! I will face this! Hindi rin ito matatapos kung tatakbo lang ako nang tatakbo."

He chuckled on the other line. I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit parang napaka kalmado niya sa sitwasyon ko. Samantalang kapag nagkakaroon ako ng boyfriend ay halos magwala siya at manghamon ng suntukan.

"And that's the Anastasia Elissa I know.." he proudly said.

"How are you so calm?" Nanliit ang boses ko. "Ikakasal ako, Daniel. Noon ay nakikipagsuntukan ka pa sa manliligaw ko, tapos ngayon ay ayos lang sa 'yo?"

"Atlas Valdemar is a good man, Asia. He's wise and determined. Hindi naman ikaw ang lugi kapag ikinasal kayo.." he laughed.

"Daniel!"

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now