Kabanata 20

5.1K 171 35
                                    

20 –  Gladly

"Wala ba tayong klase? Bakit tayo nandito?"

Kinagat ko ang apple na inagaw ko kay Amethyst. Pinanliitan ko ng mata ang mga lalaking tumatakbo ngayon paikot ng field. They were all wearing red.

"Hindi ko alam." Am shrugged. "Bakit ka ba narito, Asia?"

I glanced at them and had another bite. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga nag w-warm up. I saw my cousin wiping his forehead. Tirik ang araw kaya naman pawis na pawis ang mga nag t-training.

"Manonood ako.." I simply said.

My eyes darted to Ayden. Kinuha niya ang isang bote ng tubig at tinungga iyon. He ran his fingers down to his wet hair. Lumapit ang isang lalaki sa kaniya at tinapik ang braso niya. Natatawa niyang sinuntok nang mahina ang kasama.

Today is the end of the first week of school. Nagkalat ang mga estudyante dahil free day. May klase kami sa history pero tinatamad akong pumasok. I decided to just stay here on the bleachers to watch Ayden. Nang makita ako nila Faye ay tumambay na rin sila kasama ko.

I saw Joaquin running towards us. Nakangiti siyang tumigil sa tapat ko. "I was accepted. Nangailangan sila ng lima pang member."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Sabi ko sa 'yo, e."

Binalingan ko ang pinsan kong si Daniel na ngayon ay nakahiga na sa damo. He looks so tired. Mukhang unang araw pa lang ng training ay hindi na kakayanin.

"May klase pa, ah?"

Ngumuso ako. "Tinatamad akong pumasok, e.."

Tumawa siya. Tumakbo na ulit palayo si Joaquin para bumalik sa mga kasama niya. I shifted my eyes to Ayden again. Matapos naming mag-usap noong lunes ng gabi ay hindi na ulit kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap. I don't know why. After he got home, hindi na siya nag-text sa akin. He was silent the whole morning the next day. Hindi ko na lang siya sinubukang kausapin dahil baka mag-away lang kami.

Sumandal ako sa balikat ni Amethyst at kumagat ulit ng apple. I sighed. I really don't understand what I'm feeling. Normal naman sa amin ang mag-usap na hindi namin iiwan ang isa't isa pero bakit parang hindi na ako kumportable ngayon? Bakit parang iba na ang pakiramdam? Why am I like this?

"Asia!"

Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat ni Amethyst nang may tumawag sa akin. I smiled at the guy. He's one of our classmates.

"Hi, Clyde!" I greeted.

Umupo siya sa tabi ko saka ngumiti sa akin. He looked at the soccer team and watched them.

"Hindi ka papasok ng history class?" Tanong niya.

Umiling ako saka nilingon siya at natatawang sumagot. "Tinatamad ako, e.."

He laughed and shook his head. Sumilip si Amethyst sa aming dalawa bago sinipat si Clyde.

"Hindi ka papasok sa history class, Clyde?"

Umiling siya saka tumingin sa akin bago ibinalik ang mga mata kay Amethyst. "Dito na lang din muna ako.."

Amethyst raised her brows and slowly nodded. Ibinalik ko ang mga mata ko kay Ayden na nakatalikod sa amin. Basa ang likod niya ng pawis at naghahabol ng hininga. Nahagip ng tingin ko ang isang babaeng may hawak na soda. She was slowly walking towards the boys with a friend beside her, pushing her to walk fast.
Kumunot ang noo ko.

Tumigil ang babae sa harap ng naghahabol ng hiningang si Ayden. I bit my lower lip when the girl handed the soda to my bestfriend. Nakita kong tumawa si Daniel at ang iba pa. The girl blushed. Naka-angat ang kamay niya para ibigay kay Ayden ang soda.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon