Kabanata 19

4.7K 149 69
                                    

19 – Just

Mabilis kong isinukbit ang camera sa leeg ko saka sumunod sa nagmamadaling si Amethyst. She's now holding a pen and paper.

"Atat na atat.." I mumbled.

Umirap ako saka dumiretso na sa high school building. Today is our first day of school as a grade nine student. Dahil nakapasok kami sa journalism club noong nakaraang school year, ngayon na ang simula ng gawain namin. We will publish a paper about the first day of our school.

Luminga-linga ako at pinagmasdan ang maraming estudyanteng naglalakad sa field. Mukhang ang iba ay wala pang klase. I focused my camera on some of the students sitting on the grass.

Amethyst is now interviewing some freshman. Itinapat ko ang camera ko sa bukana ng high school building at kinunan iyon ng litrato. I took some more of it. Nilingon ko ang bench sa gilid ng daan. Ayden was there, looking at me. Umangat ang kilay ko sa kaniya. He frowned and shook his head. I rolled my eyes at him and looked away.

Tumalikod ako para maghanap pa ng subject. Isang babae ang na sa gilid lang habang hawak ang isang papel. She's reading it while looking at the other students. Mukha siyang naliligaw kaya naman napagdesisyunan kong lapitan siya.

"Hi! You need help?"

Nilingon niya ako saka nahihiyang ngumiti. "Ah.. No need, miss. Busy ka yata."

Umiling ako. "Not really. Ano bang hinahanap mo?"

Nagkamot siya ng ulo. Ipinakita niya sa akin ang papel na may listahan ng pangalan. She showed me her name and her grade and section. Malawak akong ngumiti saka kinuha ang papel.

"We're classmates!" I cheerfully said.

Nagliwanag ang mukha niya saka mukhang nakahinga nang maluwag. I laughed and handed her the paper.

"Really?" She smiled. "S-sorry.. Wala kasi ako noong orientation kaya hindi ko alam."

Umiling ako saka ngumiti ulit. Tinawag ko si Amethyst para lumapit sa amin. Noong una ay ayaw niya pang lumapit pero kalaunan ay naglakad din palapit sa amin. I pulled her arms and introduced her to the girl.

"I am Anastasia.." pakilala ko. "This is Amethyst.."

She nodded. Hinawi niya ang buhok niya. "My name is Faye.."

Tumalikod na ako nang samahan na ni Amethyst si Faye papunta sa classroom. The girl is beautiful. Singkit ang mga mata niya at kulot ang buhok. Medyo mahinhin nga lang, siguro ay nahihiya pa.

Isang lalaki ang lumapit sa akin. He smiled and showed me his I.D.

"Good morning, miss. I am an 8th grade. Do you know where this building is?"

Hinawakan ko ang I.D niya para makita kung anong building ang hinahanap niya. I smiled at him and pointed the third building.

He thanked me and walked away. Isang lalaki ang lumapit pa sa akin para magtanong ng building. I gladly answered him. Pareho lang sila ng hinahanap ng nauna.

I continued taking pictures. Nang makarami ako ay napagdesisyunan kong umupo na at mag-abang na lang kung mayroon pang ibang magaganap. I turned my back to go to Ayden.

Agad akong napatigil nang makitang nandoon pa rin siya ngunit may katabi na. It was Danica. Sa kabilang bench ay nandoon ang mga kaibigan niya at nagtatawanan.

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon si Ayden sa gawi ko. I pretended to take more pictures. Ayaw ko namang mang-istorbo ngayong nag-uusap sila.

I cleared my throat and forced myself not to look at them. I checked the photos I took to distract myself. Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumakip sa mga mata ko. It was a voice of a guy laughing behind me. I frowned. His voice sounds familiar..

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now