Chapter Forty

266K 3.5K 1.1K
                                    

"Natalie." Halos parang buhusan ng isang nagyeyelong tubig si Ralph sa pwesto niya. Totoo ba? Hindi ba siya nahihilo sa dami ng nainom? O imahinasyon lang niya to? Totoo ba na ngayon, nasa harapan niya ang isang babaeng akala niya nalimot na ng lahat.

Isang babaeng pinilit limutin lahat ang nakaraan.

Totoo ba talaga to? 

"Ralph!" Ngiting bati nito sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya, kinabahan siya. At iisang bagay lang ang pumasok sa isip niya.

Bakit kelangan pa niyang bumalik?

Bakit ngayon pa?

Kung kelan naman gusto na niyang ayusin ang lahat? Kung kelan sinuko na niya yung babaeng dapat sana ay pahihirapan niya..bakit ka bumalik?

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Ralph. Tumawa naman ng mahina si Natalie.

"Come on alpie!! Is that how you greet your ate?" Umirap lang si Ralph.

"Matagal na kitang hindi ate." Sagot ni Ralph. Umiling-iling lang si Natalie tsaka pumasok sa loob ng bahay ni Ralph napalingon naman agad si Ralph. "T-teka! Hindi kita pinapapasok wag ka ngang--"

"Seriously Alpie? Sa talaga nating magkakilala, parang nawala lang ako ng sandali di mo na ako papasukin sa bahay mo?" Sabi ni Natalie habang nililibot ang mata sa bahay ni Ralph.

"It's Ralph okay? And FYI, the last time I saw you was way back 8 years ago. Wag mong sabihin yun ang definition mo ng sandali?" Ralph said in a irritated tone. Hindi na siya natutuwa sa presence ng babaeng to. Well from the start naman eh, he never liked her.

"Why do you sound so bitter about me Alpie? I mean Ralph rather. Mas bitter ka pa sa kuya mo." Natatawang sabi ni Natalie. Ralph just took a deep breathe before looking to the girl he hates the most.

"Bakit ka pa bumalik? What is your purpose?" Naasar na tanong ni Ralph sa babaeng palibot libot ngayon sa loob ng bahay nya. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon