Chapter Thirty Six

265K 3.2K 1K
                                    

Spell nalilito.

N-O-N-E-E-N

Well, hello she's stuck in between two persons. Dalawang taong di niya parehong kilalang tuluyan, pero alam niyang kahit papaano ay importante sa kanya. Napabuntong hininga siya. Kahit kelan hindi niya inimagine yung mga ganitong tagpo. Yung tipong pang MMK ang drama. Paano ba kasi to ha?

Hindi niya alam yung mga ganito.

Napakamot siya sa ulo niya, jusko paano niya kakausapin si Lawrence ngayon? Hindi ba parang ang awkward nito? UGH ANG HIRAP!!!

Naglalakad lang si Noneen ng mapatingin siya sa harapan niya. Napahinto siya sa paglalakad, alam nyo minsan talaga napakagaling mang-timing ng tadhana eh. Alam mo yung feeling na taong iniisip mo lang biglang nasa harapan mo.

"Uwi na tayo." Malamig na sabi nito tsaka tumalikod at naglakad na papaalis. Haay, paano ba niya to aayusin?

Sinundan na lang niya ang asawa niya. Wala rin naman siyang magagawa eh. Tahimik lang sila buong byahe. Hindi naman sa wala siyang masabi kundi natatakot siyang magsalita. Paano naman kasi, yung mga tingin ni Lawrence papatay na eh.

Pero kahit ganun, may parte sa kanyang nagsasabing kelangan nilang magusap. Kelangan niyang maklaro lahat lahat.

"Lawrence..."

"Kung ang itatanong mo lang din ay tungkol ke Ralph. Wag na lang, hindi rin kita sasagutin." Sabi ni Lawrence habang nakatitig pa rin sa daanan.

"Pero--"

"Anong sinabi nun sayo? I bet I'm the bad guy in his story." Matabang na tawa ni Lawrence.

"It's not exactly like that."

"Please Nee, wag na tayong maglokohan dine. So ano namang masasabi mo sa kwento niya? Ang sama ko bang kapatid?"

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon